Perfect 12: Torn In Between

59.2K 2K 274
                                    

Add me up on facebook: xmissygrayx/ MissYgray WP 

IG: xmissygrayx

#WantedMrPerfect

******************************************

Sa totoo lang, biglang sumakit ang tyan ko. Hindi na ako mapakali at hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatingin padin sa akin si Garreth samantalang si Josa, katulad ko hindi padin makagalaw sa kinatatayuan.

Nagulat ako ng biglang hilahin ni Hunter ang braso ko. Lumabas kami ng kusina na pilit padin ako na nilalayo kay Garreth.

Humarang si Garreth sa dadaanan namin ni Hunter. Lalo tuloy ako napahawak sa towel sa katawan ko.

“I meant what I said, Ashley. I’m here to kidnap you.” Sabi nito na may ngisi padin sa labi.

Tinulak ito ni Hunter dahilan upang mapaatras si Garreth ng konti. “Fuck. Off.”

Actually, nakakatakot ‘yung boses niya. Ngayon ko lang narinig si Hunter na magseryoso ng ganyan. Hinila nanaman ni Hunter ‘yung kamay ko paderetso sa kwarto. Bago naman kami pumasok nakita ko ‘yung kambal sa labas, naguguluhan sa nangyayari.

 Agad ni-lock ni Hunter ‘yung pinto.

Kinuha nito ‘yung mga damit namin at mabilis na inilalagay sa maleta. Nakayakap padin ako sa sarili ko.

Oh my God..

Oh my God..

He’s here. He’ll probably kill me..

“May komunikasyon kayo, Ashley?” galit na tanong ni Hunter habang hinahagis ‘yung mga damit sa maleta.

Umiling ako. “He was texting me these past few days, Hunter. Hindi ako nagrereply. Hindi naman communication ‘yun ‘diba?”

Padabog nitong zinipper ‘yung maleta. “Fuck, Ashley! Bakit hindi mo agad sinabi!”

“Malay ko ba na mahahanap niya tayo. I didn’t know! Ang akala ko nananakot lang talaga si’ya!”

“You didn’t know? Ano ngayon gagawin natin? Ashley, gumising ka nga! Andito na si Dragon at kikidnapin ka! Fuck!”

“Hunter naman..” natatakot kong sabi. “Ayoko makidnap! Ayoko pa mamamatay!”

“Sana sinabi mo nung una palang na nagtetext na si’ya sayo! Ano textmate ba kayong dalawa?”

“God, no!”

May hawak itong damit at hinagis sa akin. “Magbihis ka dali! Aalis tayo!”

“Mamamatay na ba ako?”

Tiningnan niya ako na parang ang tanga ng tanong ko.

“Hunter, ayoko pa mamatay! Itatapon niya ba ‘yung katawan ko sa dirty ocean? O paghihiwalayin muna ito? Hunter naman!”

Hindi na ako sinagot nito, tumalikod si Hunter sa akin. Maya maya narinig ko na may kausap ito sa phone.

“Agent X speaking. This is an emergency call. Dragon is here. Do you hear me? Dragon is here. I need a back up. Copy? Damn!”

Nasuot ko na ‘yung jeans at t-shirt na binigay niya sa akin. Nagulat ako ng ihagis ni Hunter ‘yung phone niya. Mukha talagang galit na galit ito.

Sumilip si Hunter sa bintana. Alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.

“Hunter, hindi ako tatalon dyan!”

Naalala ko kase ‘yung pinagawa saken ni Garreth dati. Napatalon ako lalo nang mag-ring ‘yung iphone ko. Sigurado ako namutla ‘yung mukha ko dahil sa nakita kong pangalan.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon