Perfect 9: When Curiosity Strikes

80.1K 2.1K 400
                                    

Sa totoo lang. Ang ganda ng gising ko ngayon, kahit wala pang nangyayari kumpleto na araw ko. Ang saya lang 'di ba? Ang gaan sa pakiramdam. Hindi katulad kahapon panay kabadtripan ang naramdaman ko. Pero ngayon may iba talaga eh.

Feel na feel ko ang pagbangon sa kama para silipin kung tulog pa si Hunter. Hindi na ko nagulat ng makita kong wala nang tao sa lapag pati yung higaan niya nakatiklop na.

Hindi napigilan ng mata ko ang mapairap. Oo na, ako na tanghali magising. Geez, kinuha ko na lang yung iphone ko at nag scroll sa inbox baka kasi may ibang text pa 'di ba? Hindi ko lang nabasa.

Nadisappoint ako na ang tanging text lang ni Garreth ang nakita ko.

-Garreth-

Panget! Gising. Gising. Pag hindi ka nagreply. Papakatay na talaga kita.

WTH naman 'tong Garreth na 'to? Teka, ano ko ba siya?! Hindi niya ba alam na naturn off na ko sa ugali niya. Kaimbyerna ha.

-Dyosang Ashley-

Sino ka para tawagin akong PANGET? FYI lang ikaw pa lang ang tumawag sakin niyan! Huh, ang kapal mo!

Tumayo na ko para magtoothbrush habang hinihintay yung reply ni Garreth na wala na ata alam gawin kundi pagbantaan ang buhay ko.

-Garreth-

Sinong makapal? Ha? Panget?

-Dyosang Ashley-

Ikaw makapal! Nakakaturn off ka! Wag mo nga ko tinatawag na panget nakakainsulto ka, ha?! Hindi na kita type! FYI lang ULIT. Tigilan mo na ko. Kbye!

"Iha?"

"Ay panget!" biglang sigaw ko ng may humawak sa balikat ko. Muntikan na mahulog ang iPhone ko. Sheez! Agad naman ako lumingon at nakita ko si Nay Marya. "Ay, 'nay ikaw po pala 'yan bakit po?"

"Nagulat ba kita?" Nakatingin ito sa muka ko. Umiling ako. "Nasa labas kasi silang lahat. Baka lang gusto mo makisalo."

"Sila Hunter po?"

Tumango ito.

"Now na po?"

Ngumiti si 'nay Marya.

Pinasadahan ko ng tingin yung sarili ko naka sponge bob pa ako na suot.

"As in now na po?"

"Ikaw kung gusto mo muna magmumog." natatawang sagot nito.

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko di pa pala ako nag mumumog ng pinag sipilyuhan ko.

"Ay! Pasensya na po nawala sa isip ko." Tumalikod ako agad.

Ilang minuto lang pinagpalit muna ako ni 'nay Marya bago kami bumaba. Naabutan ko naman ang maraming tao na parang fiesta araw-araw.

Nagtinginan sila isa-isa sa kin. Syempre naman nginitian ko sila na parang beauty queen. Hindi kaya ako suplada. Like duh, I'm not. Never am. Never will be.

"Ashlita!" hinila ako ni Andeng ng makita niya ko at lumingon sa katabi ko. "Hi 'nay sinundo mo na pala ang muse naten." sabi nito.

Wala naman akong narinig na sagot. Huh, di ba siya sang ayon? Okay lang. Sige okay lang kahit hindi. May kanya kanya naman tayo opinyon sa buhay.

"Where's Hunter?" nagtataka kong tanong.

Ngumuso naman ito pataas. Sinundan ko yung direksyon ng mukha niya.

At nakita ko nga ang dakilang body guard ko nasa itaas ng puno at may kinukuha na... What? Buko?

Nakahubad nanaman ang Lolo niyo tanging ang maong short lang ang suot nito.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now