Perfect 22: Describe mo nga!

49.8K 1.4K 91
                                    


Sa totoo lang, ang sarap pala sa pakiramdam na pasan-pasan ka ni Hunter. Hindi naman si minamanyak ko si'ya dahil tumatama ang katawan ko sa hubad na likod niya. Wala lang, ang sarap lang sa feeling na may nagbubuhat sa'yo.

"What the f'uck?" narining ko bigla 'yung boses ni Garreth kaya napatalon agad ako.

Seryosong seryoso ang mukha nito parang naasar sa nakita.

"May problema ka?" tanong ni Hunter dito.

"What are you doing to my girl?"

Ngumisi si Hunter. "Your girl? Sinagot ka na ba niya?"

"Soon." Sabi nito at lumapit sa'kin para hilahin 'yung kamay ko. Pero biglang hinawakan naman ni Hunter 'yung kabila.

Nagkatinginan sila Andeng saka Joseng sa harapan ko. Katulad ko nakakasense din sila ng gulo mula sa dalawang ito.

"Let go of her, before I f'ucking rip your hand, Hunter." Pagbabanta ni Garreth dito.

"Rip my hand? I'll rip your head first." Sagot ni Hunter dito.

Naiinis naman na lumapit pa lalo si Garreth dito. Eto nanaman po sila, nasa gitna nanaman nila ako. Mag-aaway nanaman at nagtitinginan na ang mga tao samin.

"Rip my head? How about I'll kill you first? Ayun naman talaga pinaka plano ko simula una palang, Hunter. How about that?"

Tiningnan ko ng masama si Garreth. Pati ba naman dito pinagsisigawan niya padin na papatay si'ya ng tao! Oh, Lord! Paki paalala nga ulit sa'kin kung bakit nakipagdate ako sa dalawang ito ulit.

Buti na lang sumuko si Garreth sa titig ko at kinuha 'yung jacket niya kay Andeng at tumalikod na at nagwalk out.

Moody!

"Ah, ang hot talaga ng alaga ko 'no?" sabi ni Joseng samin. "Wait, sundan ko lang baka ano na mangyari doon."

Nakatingin naman sa malayo si Hunter ayaw magsalita. Mukhang galit na galit din sa ginawa ni Garreth. Seriously, hindi ba talaga sila magkakasundong dalawa?


*****

"Magdamit ka, Hunter! Pinagtitinginan tayo ng mga tao." May hinagis dito na damit si Andeng. Paano ba naman kanina pa kami paikot-ikot dito at ang mga tao, nasa katawan lang ni Hunter nakatingin.

As in, lahat. Matanda, bata, dalaga, may asawa, kabit, may ngipin o wala. Pati mga bakla at lalaki nakatingin sa kanya. Edi si'ya na ang walking ABS sa perya na 'to.

"Ay bet ko si koya, oh." Narinig ko sabi nung isang babae. Nagulat kami ng lumapit ito samin. "Sali naman kayo, may laro kasi kami ngayon. Catch phrase ang tawag."

Catch phrase? Seriously?

"Ano 'yon, te?" tanong ni Andeng dito.

"Parang pinoy henyo lang pero ang pinagkaiba huhulaan ng parehong magkateam mate 'yung salita na hindi niya nakikita. Idedescribe niya ito gamit ang mga malalapit na salita dito. Gets?"

Tumingin si Andeng samin. "Ay, hindi ako magaling dyan. Eto na lang dalawang kasama ko ipapasali ko. Teka, may premyo ba 'yan? Baka sayang lang effort namin ha!"

"Oo naman, te! Surprise 'yung premyo para may thrill."

Nagngingiti si Andeng na napatingin samin dalawa ni Hunter. 'Yung tingin niya parang sinasabi niya na wala na kaming choice that we have to join this game. Kaya kahit labag sa loob namin ni Hunter sumali kami.

Sheez. I'm actually good in guessing some word. Magaling din kaya ako magdescribe. I'm very confident na mananalo kami dito.

"Galingan mo." Sabi ko kay Hunter, medyo naiinis padin.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now