Perfect 30: Bugbugin Kita Dyan!

47.4K 1.3K 138
                                    

Sa totoo lang, pagkababa namin ni Ken-ken pilit ko itinatago ang ngiti sa mukha ko. Isn't that obvious na okay na okay na kami ni Hunter? Nagpipigil lang talaga amo ng ngiti lalo na't nakita ang ang pagsimangot sa akin ni Garreth.

Tinapunan niya pa ako ng nakakatakot na tingin. Buti na lang water break. Nakaupo si Hunter sa gilid at alam kong sinusundan niya ako ng tingin.

Tumayo lang ako, at inilabas ang pinaka outdated ko na cellphone na iphone 6s. Scroll lang ng scroll kahit wala naman akong katezt talaga.

"Ano kayo na ba ulit?" napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Garreth sa gilid ko.

"Ha?" patay malisya na tanong ko. "Anong sinasabi mo?"

Nakakahiya naman kasi sa kanya aminin. Na walang fair fight na magaganap, na kahit sabihin natin na hindi ko pa sinasabi ang sagot ko. Alam ko sa sarili ko kung sino ang talagang pipiliin ko.

"Ni Hunter." sabi pa nito. "Sinundan ka niya sa taas, hindi ba? Naghalikan ba kayo? Sinabi niya ba na nalilito si'ya sa inyong dalawa ni Josa? Na gusto niya na si'ya ang piliin mo?"

Napalunok ako. "H-hindi, ah. Uminom lang kaya ako ng water sa taas. I told you, I'll give you a fair fight, right?" pagsisinungaling ko.

Pinanood niya pa ang reaksyon ko, sabay tingin sa likod ko. "Have a date with me again. Pagkatapos nitong contest." sabi nito at tumalikod.

Teka, akala ko tinatanong niya ako? At si'ya nanaman ang nasunod sa amin? Haynako, Garreth!

Nagback to pwesto na kami. Ilan beses nanaman pinaulit ulit ni Andeng 'yun ginagawa hanggang sa sobrang kinikilig na ako, ako na mismo ang sumuko sa kalandian ko.

Pagkatapos magpractice, isinama ako ni Andeng sa batis para maglaba. Syempre, si'ya ang nagbuhat ng mga damit. Duh, mabigat kaya 'yan saka baka may germs pa, 'di ba?

Umupo kami dito habang inumpisahan niya na ang pagkuskos ng damit habang ako nagtatampisaw

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now