Perfect 7: Garreth

76.3K 2K 203
                                    

Sorry nabroken hearted kase ako kay GD at kiko. Daragon kase ako huehue. Kaya ko binago pangalan niya :(

*********************************

3 messages received

-GD-

Sagutin mo yung tawag ko!

F'uck bakit hindi ka nagrereply? Wala ka bang load?! 

Ashley Esqueza! Sagutin mo sabi! Namatay ka ba dyan?!

Ano ba naman 'tong lalaki na 'to? Like seriously?! Bakit ba niya 'ko kinukulit? Hindi niya ba maintindihan na nagtatago ako dahil sa kanya? Tapos ngayon, text siya ng text sa'kin daig pa ang future boyfriend ko!

Where are you na nga ba my future boyfriend, my real Mr. Perfect.! Save me from this nightmare please!

Ayoko na nga dito sa GD na 'to kahit gwapo pa siya! Hindi ko naman pinangarap mamamatay ng maaga! Gusto ko pa makita 'yung magiging lahi ko kung gaano kaganda! Bakit hindi niya maintindihan?!

Maibabato ko na 'yung iphone ko sa sobrang inis. Pati ba naman 'tong I-thought-Mr-Perfect ko makikisabay? Hindi niya ba alam na may pinagdadaanan ako ngayon?

Kaya sa sobrang inis ko nagkusa na magtype 'yung kamay ko. Hindi ko na din ininda 'yung takot ko sa kanya.

-Dyosang Ashley-

Pwede ba! Stop acting like you're my boyfriend! Because you are definitely not! Hindi mo magets? Kaya ako nagtatago dahil sayo! Oo sayo! Ayoko pa mamamatay ng maaga! Stop threatening me, will you?! Like seriously?! Hindi ko nga alam kung ano ba talaga pangalan mo? GD nga ba?! 

Nanginginig ako sa sobrang galit kaya nakuha ko na lang 'to itulog. Siguro pagod lang ako sa byahe o naninibago sa surroundings ko. O sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Ayoko 'yung isang bagay na pumapasok sa isip ko.

Selos..

Seriously?! Mas lalo akong nayamot dyan. Pagod lang ako kailangan ko lang ito itulog at pagkagising ko babalik din sa katinuan ang sarili ko. At pagbumalik na 'ko sa katinuan maganda na ulit ako!

Nilagay ko muna 'yung iphone ko sa gilid ko at saka nahiga sa matigas na kama at tinakpan ang muka ko ng unan.

**

"I was afarid this time would come! I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within! I have learned to live my life beside you!!"

Ugh, ang ingay naman. Dahan dahan akong napatayo sa kama. Shiat, pagkatingin ko sa bintana pagabi na! Grabe yung tulog ko. Pero infairness medyo magaan na pakiramdam ko wala na yung galit sa puso ko. Ang saya!

"Maybe I'll just dream of you tonight... And if into my dream you'll come and touch me once again..."

Ano ba naman 'yung boses na yan parang galit na may pinagdadaanan lang. Wala na nga sa tono ang panget pa nung kanta. Like, seriously lang 'di ba? Sino ba naman kakanta pa ng ganyan sa panahon ngayon?

"I'll just keep on dreaming till my heartaches hehehend.."

Tumayo na 'ko para tingnan kung sino yung kumakanta sa bintana. I saw Andeng. Uso pala videoke dito at inuman nadin nakita ko 'yung lalaki na nakasalubong ko bago ako umakyat kanina pinagtatawanan si Andeng at 'yung mag-asawa din na nasa harap ko habang kumakain kasama din nila including that Josa!

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Där berättelser lever. Upptäck nu