Perfect 34: Nasa Huli Ang Pagsisisi

44.7K 1.2K 37
                                    

Sa totoo lang wala na ata isasaya ang araw na ito. When I woke up in the morning I was smiling from ear to ear. Sino bang hindi? After what happened last night? It was a dream come true to me.

"Alam niyo ba 'to si Hunter kapag nalalasing ano ano ginagawa sa buhay. Parang sinasaniban ng ibang tao." pagjojoke ni Andeng dito sa kusina.

We were all eating. Kompleto kami, halos lahat nga ata goodvibes. Excluding Garreth, mukhang naramdaman niya na may nangyaring maganda kagabi kaya blooming ako pag gising ko. By the way, wala si Josa dito. Ramdam nadin niya ang kahihinatnan niya.

Nakakunot ang noo ni Garreth. Kinalabit ko si'ya, natatakot kasi ako. Hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kanya.

"Can we talk later?" mahinang bulong ko. Naguguluhan siyang tumitig sa'kin. Nakarinig lang ako ng mahinang tugon. Pagkatapos nun, tumayo na si'ya at lumabas.

Galit si'ya.

"Ungas 'yan eh! Ano ano pa pinagsasabi! Hahaha!" pagpapatuloy ni Andeng. Napupuno ng tawanan namin ang kusina.

Napansin ni Hunter na wala ako sa mood. Maybe dahil kay Garreth, nahihirapan kasi ako sabihin sa kanya. Sinundan niya ako at hinawakan sa braso.

"Okay ka lang? Bakit ang lungkot mo?" he asked.

"Wala. Naninibago lang ako sa set up natin."

Ngumiti si Hunter. "Sasagutin mo na ba ako?"

"Duh? No!" sabi ko at kinindatan si'ya. "Pero depende kung pupunta ka mamayang midnight sa kwarto ko. Malalaman mo ang sagot ko."

"Ang lakas mo talaga maka-cinderella. Gusto mo midnight pa talaga?"

"Naalala mo ba 'yung diary ko? Well, kasama 'yun doon. Hindi mo lang nabasa." sabi ko. "Akyat muna ako. Baka magbago bigla ang isip ko."

Hinawakan niya ulit ang braso ko. "Paano si Garreth?"

"Sasabihin ko na din sa kanya. Baka bukas. Wala kasi si'ya sa mood ngayon. Natatakot ako."

"Kailangan mo ng back up?"

"No!" I said. "Paano naman si Josa?" taas kilay kong tanong.

"Mag uusap kami mamaya."

Inirapan ko si'ya. Pero deep inside napapakanta ako ng Finally, Hunter happened to me~

"Hmp. Okeh, basta 12 midnight ah."

Dumeretso na ako paakayat sa kwarto ko. May surpresa kasi ako sa kanya mamaya. Para naman may effort 'yun sagot ko. I was doing this lettering in this illustration board the whole day. Sobrang busy ako dahil naghanap pa ako ng shop na may glitters saka mga pang design.

Nagpahatid lang ako ng pizza sa kwarto ng magutom ako ng mga 4pm. Nagulat naman ako ng may kumatok. Dali dali kong tinago sa ilalim ng kama yung ginagaw ko.

Pagkabukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan kung sino ito. Si Josa. Mukha siyang tuliro at namumutla ang mukha.

"Y-yes?" kinakabahan na tanong ko.

"Gusto sana kita makausap."

"Tungkol saan?"

"Kay Hunter. Pwede bang pumasok?" sinilip ko muna ang sahig na puno ng glitters. Di bale na, alam na din naman ni Josa.

"Sure."

Pagkapasok nakatingin ito doon sa dumi sa sahig. Puro gupit ng papel, pentelpen at kung ano ano pa.

Mapaklang ngumiti si Josa. "Alam mo ba na nakikita ko ang sarili ko sa'yo ngayon?"

"Me? Why?" maarte kong sabat sa kanya.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon