Perfect 19: Confused dahil sa selos?

61.4K 1.5K 87
                                    

Alam mo, I've never been confused in my life. I mean, simula una palang sure na sure na ako sa mga bagay na gusto ko simula pagkabata. Pero ngayon, parang hindi ko na alam. Naguguluhan na talaga ako. Lalo na kay Hunter na pagkatapos ako halikan, hindi nanaman ako kinausap.

At take note: close nanaman sila ni Josa! Narealize niya ba na si Josa talaga para sa kanya? Teka, bakit? Si'ya lang ba may karapatan maguluhan? Naguguluhan din ako sa nararamdaman ko akala niya ba!

Hindi kaya madali sa'kin maging mahaba ang buhok. Minsan nga gusto ko na magpakalbo. O i-donate 'to sa ibang babae, para sila naman ang may chance na kiligin!

"Ash, tumigil ka nga dyan! Hindi worth it ang pagiging confused mo sa mga lalaki na 'yan, because at the end of the day iiwan ka din nila. Walang forever!" sabi ng kaibigan kong si Dom habang nagii-skype kami sa iphone ko.

Nakahiga ako sa kamay habang nakaroll sa'kin 'yung kumot na parang cocoon.

"Pero hindi ko alam kung sino talaga 'yung gusto ko sa kanila."

Kailangan ko maliwanagan after namin mag-usap ni Hunter sa sasakyan at ngayon hindi na niya ako pinapansin.

"Gusto mo talaga ng matinong advice?"

"Yes."

Nanlaki ang mata ko ng makita ko 'yung babaeng nakaitim sa likod nito. Lumalakad papalapit sa camera.

"Ericka?" gulat na tanong ko. Isa kasi ito sa mga close friends ko.

She's a bitch. Period.

"Yep, the one and only." Kumindat pa ito at pinalitan si Dom sa upuan.

"So... Ang problema mo nanaman ngayon are boys? Dati namomroblema ka dahil walang nakikipagdate sa'yo, at wala kang mahanap na lalaki na gusto mo. Tapos ngayon, sasabihin mo samin namomroblema ka padin dahil hindi mo alam kung sino talaga ang gusto mo sa dalawa?"

"Ericka." Sabi ko. "Gusto ko maliwanagan at ayoko magkamali sa pipiliin ko. Kaya pwede ba I want that true friends advice."

"Brutal or the fake one? Tell me."

Shiat talaga, this woman!

"Can I choose or?"

Nagcrossed arms ito at tinaasan ako ng kilay. "Or? H'wag kang tanga. You can't always be in between about everything, Ash. Either you're malandi o mahinhin."

"Ericka, 'yung matino naman, duh?"

Ang sakit talaga mag-advice ng babaing 'yan kahit kailan. Palibhasa nasa kanya lahat ng lalaki noong college and high school palang kami.

"Fine, choose the bad guy or the good man. Choose one. Simple as that."

"Pero gusto ko 'yung good na may thrill..."

Sumagot naman si Dom sa likod nito. "Kung wala sa kanila 'yung hinahanap mo. Just leave them alone, Ash. You're dating the wrong guy."

"No." kontra naman ni Ericka dito. "If you want some thrill, break someone's heart today. At dyan mag-uumpisa ang totoong thrill ng story mo."

Napasimangot ako. "I'm not you, Ericka, duh? Hindi ko kailangan ng sobrang thrill, mystery at drama sa buhay ko, 'no."

"Ganito na lang, if you think they're not the one for you atleast be the one for them. You can't change everyone, Ash."

"I know you do."

"Well, I can. But you're not. Sabi mo nga, you're not me."

Sumigaw naman si Dom sa likod. "That's the key point."

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now