Perfect 33: Today Was A Fairytale

50.2K 1.4K 90
                                    

Sa totoo lang naguguluhan ako kung ano ang isusuot ko ngayon. Ang sabi ni Hunter h'wag ako mag gown pero kung di niya talaga ako nasabihan. I swear, magga-gown talaga ako.

Puro maxi dress ang nadala ako at short. Bigla tuloy ako namroblema. Shiat naman! Si Hunter lang naman 'yun, pero bakit kailangan ko pa paghandaan? Bu then again, ibang Hunter ang nakatayo sa akin ngayon. May feelings na ako sa kanya.

Ang landi ko! Natatawa ako mag-isa dito sa kwarto. Eh, minsan lang kiligin. H'wag niyo na lang ipagsabi tayo tayo lang naman ang nandito.

Nanlaki ang mata ko nang makarinig ako ng katok. Bigla tuloy ako napatayo at sumilip sa pinto. Nagulat ako dahil pagkabukas ko nito bumungad sa'kin si Hunter. Nakashort lang si'ya at ang simple. Well, not that I expected.

Pwede naman si'ya mag suit at tie, right?

"Yes? Bakit masyado kang maaga namimili pa ako ng susuotin." sabi ko sabay sara ng pinto. Agad naman iniharang ni Hunter ang kamay niya dito.

"Ano ba sabi ko sa'yo h'wag ka maggown?"

"Hindi ako mag gagown wala lang ako mahanap na isusuot!"

Tinulak niya ang pinto at pumasok sa loob. Napakapit ako sa towel ko. Duh, I'm naked under this towel! Napakunot ito tapos tumingin sa mga damit kong nakakalat sa sahig.

"Iba ka talaga babae. Eto na pinakasimple mong damit? Dalawang taon tayo nagkasama pero hindi kita nakitaan magsuot ng simpleng damit." sabi nito.

"And so? I'm fashionista kasi, 'di ba?"

"Simplicity is beauty. Maganda ka na naman hindi mo na kailangan ng mga ganyan damit. H'wag kang gagalaw dyan, babalik ako." lumabas ito ng pinto.

You see, si Hunter hindi si'ya 'yung lalaking manyak. Na kaag nakakita ng nakahubad mapapahinto. Gentleman nga ba? O mababa lang sex appeal ko? The heck am I thinking?

Maya-maya bumalik ito, nakatayo padin ako. Inabutan ng pantalon at oversize t-shirt. Seriously?!

"Suotin mo na 'yan, dalian mo."

"Bakit ako magsusuot ng ganito?!"

"H'wag ka na magreklamo basta isuot mo na lang." tinulak ako nito papasok sa restroom.

Sobrang nakakunot ang noo ko. Habang tiningnan itong binigay niya sa akin. Kay Andeng siguro ito. But never in my life that I would imagine myself to wear like this on a date. Duh?!

Since I have no choice. Nakasimangot ako na lumabas sa restroom. Kinuha ni Hunter 'yung suklay binato sa'kin.

"Magsuklay kana. Aalis na tayo. Anong oras na, oh."

"Ano ba, Hunter! First, hindi mo sinabi sa'kin yung oras ng date natin. Second, hindi pwedeng suklay lang tapos aalis na tayo. Hello? Kailangan ko ng blower." sabi ko at tinanngal ang isa oang towel sa buhok ko sinuklay ko nadin ito at binuksan ang drawer para kunin ang blower. "Last, hindi pa ako nakakapagmake up kaya hindi ako lalabas ng pinto hangga't-----"

Hinila ako ni Hunter palabas ng pinto. "I just need you to be yourself tonight. Just for tonight, babae."

Naspeechless ako sa sinabi niya. We got in his car at tahimik lang ako kung saan kami pupunta. He drove habang pinagmamasdan ko padin si'ya. Nakarating kami sa Sky Palace.

Halos kami lang ang tao ang tao dito. And the air was so good. Kung maaga aga pa. Makikita pa siguro naman yung Taal.

"Infairness, nice place, Hunter." I said.

Pumatong ito sa harap ng sasakyan at humiga. Ginaya ko si'ya. "This is our date." sabi nito. "Simple lang. Kaya gusto kita pasuotin ng simple."

"Hmm. Your point is?" lingon ko sa kanya.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Onde histórias criam vida. Descubra agora