Perfect 18: No Rules

58.7K 1.9K 243
                                    

Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na hinalikan ako ni Garreth. Buong magdamag ata ako nakahawak sa labi ko, buti na lang wala si'ya kundi makikita niya ako kung paano ako nababaliw dahil sa halik na ginawa niya sa'kin.

"Ashlita, tara piknik tayo! Habang nagtatanim si Hunter sa bukid." Yaya sa'kin ni Andeng.

Medyo nagbago 'yung mood ko ng marinig ko 'yung pangalan ni Hunter, ilang araw na din kasi siyang hindi nagpapakita sa'kin.

"Ngayon na? Tara." Sabi ko at isinuot ang salamin ko at ang pinaka simpleng damit na meron ako.

Okay, joke lang 'yon, syempre. Sinuot ko 'yung pinaka magadang damit na nasa maleta ko. Duh, ngayon na lang ulit ako makikita ni Hunter. Kailangan ko maging maganda sa paningin niya, although, given na naman na maganda ako.

"Ayun si'ya, oh!" sigaw ni Andeng ng makarating na kami sa pupuntahan.

Inilatag nito 'yung banig saka 'yung dalang basket. "Hunter! Andito kami!" sabi pa nito. Tumingin naman si Hunter medyo matagal. Nang marealize nito na ako 'yung kasama ni Andeng agad si'ya iwas.

"Problema nun?" nagtatakang tanong ni Andeng at kinuha 'yung pagkain sa basket.

Ilang oras din kami nagkwentuhan ng kung ano-ano, habang ako nakatingin lang kay Hunter habang tumtulong sa mga matatanda. Medyo nagi-straight ako ng upon g makita ko si'yang papalapit.

"Oh, ayan na pala manliligaw mo, eh!"

Nagulat kami pareho ng dumeretso si Hunter at nilagpasan ako, I mean kame. What the heck?! Anong problema nito at iniiwasan ako ngayon? Tumayo ako at inayos 'yung maxi dress na suot ko.

Hinabol ko si'ya.

"Hunter!" sigaw ko.

Ngunit parang wala itong narinig.

"Hunter!" ulit ko.

Tumakbo ako para maunahan ko si'ya ipinangharang ko 'yung dalawang kamay ko sa harapan niya para hindi si'ya makalakad. Kumunot naman ang noo nito.

"Tabi." Sabi nito.

"Anong tabi? Ano bang problema mo?"

"Wala." Lumakad ulit ito.

"Hunter! Hunter! Hunter!" pilit kong hinihila 'yung damit niya habang naghuhugas ito ng kamay. "Bakit hindi mo ko pinapansin?"

"Bakit kita papansinin?" seryoso padin na tanong nito.

Napanganga ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa sinagot niya sa'kin.

"Hoy! Ikaw lalaki! Diba bodyguard kita! Paano kung may mangyari sa'kin dito? Ha? Hindi mo padin ako papansinin!"

Wala ako maisip eh! Hindi ko alam bakit ang cold niya sa 'kin.

Napataas ang kilay nito. "Bakit hindi mo i-text si Garreth? Nagkakatext naman na kayo kahit nung magkasama pa tayo at binabantayan kita."

Naglakad nanaman ito, pero nagulat ako ng papunta na doon sa sasakyan. Nakita ko pang kumaway si Andeng, agad naman ako sumunod kay Hunter.

Akala ko ba nililigawan niya ko? Bakit parang ako 'yung naghahabol ngayon? Teka, h'wag mong sabihin nagseselos si'ya?

Napatakip ako ng bibig.

"Nagseselos ka ba!"

"Masarap ba si'ya humalik?"

Sabay namin sabi. Nanlaki ang mata ko. Confirmed!

May pataas taas pa ako ng kamay na nalalaman habang tinuturo si'ya, nakaawang padin 'yung bibig ko. Medyo namumula na 'yung mukha ni Hunter.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now