Perfect 3: Epic Fail

111K 2.5K 159
                                    

“Oy, Dominique! Ano? Ano? Ano?! Maganda na ba  ako? Bagay ba sa ‘kin yung suot ko? Bagay diba? Diba? Uy, Dom!”

“Walangjo! Ashley Esqueza ang kulit mo talaga! Nakita mo busy ako gumawa dito ng cake!”

“Kasi naman sumagot ko maganda ba ‘ko? I mean yung damit ko?”

Di nanaman sumagot yung kaibigan ko na si Dominique a.k.a Dom ‘the man hater’ Hihi, siya lang kasi ang maaasahan ko ngayon sa mga kaibigan ko. Si Ericka naman yung maldita samin she’s busy daw. Ay, ewan ko sa babaeng ‘yon kakauwi lang galing states dami nanaman pinaggagawa sa buhay niya.

Kami naman ni Dom kanina pa kami nagii-skype habang naglalagay siya ng icing sa cake ako naman nasa suot suot yung damit ko para mamaya.

“Oy, Dom!”

“Teka nga!”

“Dom kase!”

“Teka!”

Huminga ito ng malalim at lumapit dun sa camera. Panay naman ang pagwagayway ko dito sa purple dress ko. Todo todo na din ang ngiti ko. Bakit ba? Feel na feel ko suotin ngayon ito. Grabe! Ilan oras ako nagshopping para maghanap lang ng damit na susuotin ko.

Satin satin na lang pero feeling ko muka akong dyosa. Feeling ko lang naman wag na lang tayo maingay. Hihi.

“Patingin nga.” Sabi ni Dom at inayos pa yung laptop sa harapan.

“Oh?”

“Lapit ka pa, gaga!”

Tumakbo ako palapit sa camera. Pakembot kembot pa ng katawan.

“Nakita mo na? Maganda, di ’ba? Ang mahal kaya nito! Muntikan pa kami makulong ni Hunter para lang mabili ‘to!

Napalayo si Dom sa camera. “Ah, kaya pala, Ash. Siguro nabadtrip nanaman sa’yo si Hunter kaya sobrang hyper ka?”

“Tse! Bakit biglang si Hunter yung topic? Change topic nga tayo!”

Tumayo na ito at bumalik dun sa lamesa at nagsimula nanaman sa paglalagay ng icin.

“Dom naman, ano ba kasi? Pwede na ‘to?”

“Wag ka nang tumuloy.” Wala sa hulog na sagot nito.

“Ang tagal ko na kaya nag aantay ng ganitong chance.” I mumbled sabay suklay sa maganda kong buhok.

"May na sesense ako na hindi maganda, Ash. Wag ka na tumuloy."

"Ano ka na ngayon psychic? Wow ha."

Huminga ito ng malalim. "Alam mo kasi Ash, ilan years mo na ginagawa 'yan. Anong napapala mo? 'di ba palaging wala? Saka nakita mo na ba 'yong itsura ng date mo?"

Ngumiti ako ng pagkalaki-laki "Oo naman! Ang gwapo kaya!"

"Ayan tayo Ash sa gwapo eh. Dapat maging pihikan padin---"

"Ay nako, Dom, kesa naman sa'yo diba? Inaantay mo pa din 'yong walang hiyang ex mo na lahat na ata ng babae sa mundo natik-kman---" Napakagat labi ako. Shiat! Yung bibig ko nanaman nakalimutan ko ipreno!

"Uy, Dom." Bawi ko agad. "Joke lang 'yon ah?"

Napahinto ito sa ginagawa at lumapit sa camera. "You're right, siguro nga inaantay ko padin siya sa susunod na katangahan na gagawin niya sakin. Bye, Ash. Enjoy your night."

"Dom--"

Shiat. Binaba na nito yung laptop. Huhu. Pinalo ko yung bibig ko ng ilan beses kasi naman eh, pahamak talaga paminsan minsan! Naoffend ko tuloy yung kaibigan ko na maaasahan ko ngayon oras.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon