Perfect 45

47K 1.3K 70
                                    


3 months later...

"Kuya Hunter, kailan po pupunta rito si Ate Ashley?" napahinto ako sa pagbibiyak ng kahoy at napatingin kay Ken-Ken. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

Kailan nga ba? Kailan ko ulit si'ya makikita? Pero paano ko ulit si'ya makikita kung si'ya mismo na ang naglalayo ng sarili niya sa akin? Alam kong ang laki ng pagkakamali ko sa kanya. Alam ko kung gaano ko si'ya pinaasa at kung gaano ko si'ya nasaktan.

Gumulo ang buhay niya dahil sa akin ---sa amin ni Garreth, pero ngayon magkasama na sila. I hope he treats her well.

Ngumiti ako kay Ken-ken at ginulo ang buhok niya. "Malabo ata mangyari 'yan," sagot ko. "Masaya na si Ate mo."

"Akala ko ba kayo magkakatuluyan?" nakangusong tanong nito.

"Akala ko rin, pero wala eh. Nabitawan ko 'yung taong akala ko hawak ko na."

"Nabitawan?" biglang sumulpot si Andeng at umupo sa punong nakatumba sa gilid namin. "O hawak mo talaga pero may pilit na nagpabitiw sa inyo."

Ngumiti ako sa kanya. Eto talagang babae na ito. Ikakasal na lahat-lahat ang hilig padin ipamuka sa akin kung anong pagkakamali nagawa ko. "Binitawan ko kasi akala ko babalik ulit si'ya."

"Eh may ibang humawak." pang-aasar nito at hinawakan ni Andeng ang kamay ni Ken-ken. "Ayon, sumama sa iba. Eh, hindi mo hinabol."

"Ayaw niya sa akin." sabi ko.

"Iba ang sinasabi ng isip sa sinisigaw ng puso, Hunter. Lagi mong tatandaan 'yan." ngumiti si Andeng at lumakad na palayo. Iba talaga kapag ikakasal na.

Oo nga pala, dahil sa pustahan nilang dalawa ni Joseng dati biglang nagkatuluyan ang dalawa. Dinaig pa ako. Sa kanila, wala nang ligaw ligaw kasal agad. Buti pa sila. Pinunasahan ko ang pawis ko at nagpatuloy ulit sa pagsibak.

3 months ago...

"We have to cover her!" narinig kong sagot ni Garreth mula sa likuran ko. Napatingin nadin ako sa sasakyan na umaapoy. Alam kong sasabog ito, kaya kahit may nakatutok na baril. I aim for her. Kailangan ko iligtas si Ashley.

She's running too slow. Mabilis akong tumakbo sa direksyon niya katulad ni Garreth pero huli na ang lahat. Halos tumalsik ako nang tuluyan sumabog ang sasakyan dito. Kahit mabigat ang katawan, hinanap agad ng mata ko si Ashley.

Babae... Nasaan ka? Nanghihina akong tumayo nang bigla ko marinig ang sigaw ni Ashley.

"Babae?!" kahit masakit din ang katawan ko mabilis akong lumapit sa kanya. Hula ko nagulat ang katawan nito mula sa pagsabog at nararamdaman nito ang init ng apoy mula sa sasakyan. Binuhat ko si'ya.

"Ang init!" sigaw ulit nito. "Nasusunog ba 'yung balat ko?!" halos hysterical na saad niya.

"Hindi.." I assured her.

"Okay lang ba si'ya?" nag-aalalang tanong ni Garreth mula sa tabi ko. Nang medyo malayo na mula sa pinagsabugan inilapag ko si Ashley, at tiningnan ang balat niya pati mukha. She had first degree burn, pero buti nasa ibabang binti niya lang ito. Dahil alam kong mas lalong magagalit sa akin itong babae na 'to pag nagkaroon si'ya ng sugat sa mukha.

Umiiyak si Ashley. "My skin... My freaking skin!"

"Hunter? Kaya mo na si'ya?" tanong ni Garreth may sasakyan na huminto sa harap namin. Hula ko si Logie ang bodyguard niya."Kailangan ko munang tumakas. Babalikan ko kayo."

"Sige." sagot ko pero hindi inaalis ang tingin kay Ashley.

"My skin... Ang init! Magkakascars ba ako?"

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now