Perfect 50

62.2K 1.5K 102
                                    

EPILOGUE NA TALAGA ANG NEXT HAHAHA


***********************


Tell me this is real. Tell me that I'm seeing her standing far away from me in the middle of this bridge. Binagalan ko ang pag-andar ng sasakyan ko. Please someone tell me that it's her. It's really her.

Her. Mine. Ashley Esqueza. Nakita ko ang pag ngiti ng mga labi n'ya. Napalunok ako. God, it's really her.

Inihinto ko ang sasakyan at bumaba rito. Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na nakatayo s'ya malayo sa akin. She's smiling. God, she's smiling. It felt like I'm falling and falling and falling again to her. Her smile. Her eyes. Her laugh and her annoying attitude. Lalo na ang mga unang buwan na nakilala ko sa kanya.

Hindi n'ya alam kung paaano ko s'ya gusto itapon ng nakasako sa ilog para lang magtigil s'ya sa kakulitan n'ya. Pero sa tingin ko, ito ang rason kung bakit ako nahulog sa kanya. Kung paano nagsimula at naging magulo ang mga bagay bagay sa buhay ko.

I missed that smile. I wanted to hear her voice again, how it annoys me every time. I wanted her to sing again, even when she's out of tune. I wanted to sleep next to her, kahit na dinadaganan n'ya ako, kahit na natutuluan n'ya ako ng laway n'ya. Gusto ko rin makita kung gaano n'ya kamahal ang pagsasayaw kahit sobrang tigas ng katawan n'ya.

I won't ever forget how she would mumbled my name when she's asleep. How she will smile... Whenever I kissed her lips while sleeping.

Patakbo na sana ako papunta sa kanya pero tinaas ni Ashley ang isang kamay n'ya. Napahinto ako, I could feel her.. even when she's away like this. The wind was coming into our direction, and I could smell the water from the river.

"Hunter." banggit ni Ashley. Pumikit ako para pakinggan ako boses n'ya. Ngayon ko na lang ulit narinig ang boses n'ya na sabihin ang pangalan ko sa ganyan tono. "Open your eyes."

Dumilat ako, nanginginig ang tuhod ko dahil hindi parin ako makapaniwal na binigyan n'ya ako ng isa pang pagkakataon kahit ilan beses ko na s'ya nasaktan. This time, I promised I won't mess up again. I won't break her heart.

Nililipad ang buhok n'ya dahil sa hangin. And it suits her, she's beautiful. I never see her this beautiful. Lalo na ngayon natatamaan ng sinag ng araw ang mukha n'ya. "Babae..." halos naiiyak na sambit ko.

"Sigurado ka naba talaga na wala nang bawian this time? Na wala nang Josa na sisingit sa atin? Na hindi mo na ako ipagpapalit sa iba? Sigurado ka na ba na hindi mo na ako iiwan? Na hindi ka na mawawala sa tabi ko?"

Hindi ako makasagot sa sinasabi n'ya. Hindi parin ako makapaniwala na pinili n'ya ako. Hindi ako makapaniwala na konting lakad na lang, mahahawakan ko na s'ya. Mayayakap ko na ulit s'ya na hindi ako itinataboy.

"Kapag naging tayo, alam mong annoying padin ako. Maiinis ka lang lalo sa akin kapag may PMSing ako, at kapag trip na trip kitang utusan para lang inisan ka at makuha ang gusto ko. I'm still that childish Ashley whenever I'm with you. I'll freaking ruin your day----"

"I don't mind!" sigaw ko sa kanya. Ashley smiled again, mas lalo akong nahuhulog sa ngiti n'ya. Bakit pa kailangan ko s'yang masaktan na sobrang dami bago ko mapagtanto kung gaano kahalaga ang pinakawalan ko?

"You're childish." I told her. "You're annoying. You're insecure. Hindi ko makuha ang mga gusto mo minsan. Palaging gusto mo ikaw ang nasusunod kahit ikapapahamak mo. Lagi kang nagsisinungaling kapag pinapakialaman mo ang mga gamit ko. Hindi ka tumitigil sa pagkanta kahit alam mo rin kung gaano ako nabibingi sa boses mo. Ikaw na ata ang pinaka nakakafrustrate na babae na nakilala ko. You're the opposite of what I've dream of. But Ashley Esqueza, I love how you get annoy with your flaws. How you overreacted from the things that didn't come your way. I love how your imperfection makes you perfect."

Pumangewang si Ashley sa kanya. Mukha hindi sang-ayon sa sinabi n'ya. "Hunter, I'm perfect, duh? Isn't that obvious?" but she's still smiling, nalulunod na ako sa ngiti n'ya.

"You are perfect, babae." for the first time, I won't disagree to her. She's perfect. Perfect for me. Perfect for Hunter Rodriguez, ang bodyguard n'ya na ilan ulit na s'yang sinaktan at iniwan pero pinili parin n'ya.

"You're worth the risk." sabi nito sa kanya.

"You're worth the wait." sagot ko naman.

Tumingin si Ashley sa palagid namin. "Perfect spot for a perfect couple like us."

Nasa gitna kasi kami ng bridge na nagkokonekta sa probinsya na kinalakihan ko at daan papuntang Maynila. It's sunset, nagsimula narin siguro ang kasalan nila Andeng at Joseng.

"Babae..." sabi ko sa kanya.

"I want this to be romantic, katulad nang sinulat ko dati sa diary ko. So, catch me, Hunter."

"I will." patakbong lumapit sa akin si Ashley, agad ko s'yang binuhat at inikot hanggang sa magsawa ako. I could hear her laugh. She's happy, I've never been this happy.

Dahan-dahan ko s'ya ibinaba, nakangit padin si Ashley. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya."

"Ganon din ako, Hunter."

I touched her cheeks, her eyes and her lips. I lowered down my face to her and kissed her lips. Ashley Esqueza isn't really perfect. Pero hindi ko sasabahin sa kanya iyon, dahil alam ko ito ang magsisimula ng pag-aaway namin. She isn't perfect because she's human. Idagdag mo pa ang pagiging makulit at childish n'ya. She isn't perfect but she's perfectly made for me. She makes me happy. She makes me lose my mind in the seconds I lost her.

But now she's back. And I'm not gonna let go of her again.

"I love you so fvcking damn much..." sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata n'ya. "Babe."

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now