Perfect 5: What's your fantasy?

87.1K 2.1K 152
                                    

Nagising ako ng may maramdaman akong sumisipa sa bandang paanan ko. Aray naman! Makasipa naman parang hindi ako amo. Sinubukan kong indahin dahil inaantok pa talaga ako tapos ang sakit pa ng katawan ko mula kagabe.

"Babae, gising." May sumipa nanaman. Shiat, bakit ang sakit ng katawan ko? Hindi ko magalaw yung leeg ko? It's supposed to be Sunday, 'di ba pag Sunday it means rest day? Like duh? Okay lang naman kahit tanghali magising pag ganitong araw.

"Ano ba natutulog ako." I mumbled sabay talikod sa sumisipa sa akin.

"Babae, gumising ka dyan." Teka naririnig ko ba yung boses ni Hunter? What the fact! Bakit naririnig ko yung boses ni Hunter?  "Babae, pag hindi ka gumising dyan  bubuhusan kita ng malamig na tubig."

Agad napadilat ang magaganda kong mata at iginiya papunta kay Hunter. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya. Okay, nanlaki ang mata ko hindi dahil sa gwapo siya kundi naaalala ko yung nangyari kagabi. Yung sa date ko, yung pagtalon ko, yung, yung, yung!

"Fact!" I said.

"Bunganga mo Ashley Esqueza!"

"I said fact not fuck? Its fact with the T like duh? Hunter? Mag-aral ka nga ng basic----"

Isinuklay nito ang kamay sa buhok. "Ang aga aga nag-uumpisa ka nanaman. Hindi padin tumitigil bibig mo pati sa umaga." Sabi nito sabay labas ng pinto.

Nagpanic naman agad ang katawan ko. "Hoy, saan ka pupunta? Iiwan mo 'ko? Hunter! Hunter!" Pinanood ng mga mata ko ang pag-ikot niya sa sasakyan kung saan side ako nakaupo. Shiat! Di ko magalaw yung leeg ko. Huhu!

Narinig ko ang pagbukas ni Hunter ng pinto. "Labas. Andito na tayo kung saan ka magtatago." Pilit ko ginagalaw ang buong katawan ko para lang makaharap sa kanya. "Ano ba ginagawa mo? Lumingon ka nga sa 'kin."

"Hindi ko magalaw!" Reklamo ko.

"Ano?"

"Hindi ko magalaw yung leeg ko Hunter! Bakit hindi ko magalaw!" Naiiyak na sigaw ko.

"Anak ng----" Hinawakan ni Hunter yung leeg ko at pinwersang ipanaharap sa kanya ng mabilisan.

"FUCK!" Bulyaw ko. 

Bigla naman tinakpan ni Hunter yung bibig ko. "I said Ashley Esqueza no cussing. Isa pa talaga tatalian ko 'yang bibig mo." Banta nito sa 'kin serysong seryoso si Hunter. Like what the fact?

"Ang sakit kaya!" Sabi ko nang tinalikuran na 'ko nito at kinuha yung mga gamit sa likod. "Para ka din tanga eh. Bigla bigla nangbe-break ng neck like what the----"

Sa isang iglap nasa harap ko na si Hunter hawak hawak ang ibabang baba ko. "May sasabihin ka?"

Shiat! Ano ba naman tong si Hunter! Umagang umaga ang bango lang ng hininga niya. Tapos ako hindi pa pala ako nagtotoothbrush! Yung buhok niya kahit wala pang ligo ligo simula kagabi ang ganda pa din. Gusto ko siya hawakan at hilahin palapit sa 'kin kaso duh? We all have bad breath in the morning naman.

"Ashley?"

Yumuko ako sabay takip sa bibig ko. "Wala!" 

"Bakit mo tinatakpan bibig mo?" Natatawang tanong nito.

Tinulak ko siya ng malakas. "Edi ikaw na Hunter ang walang bad breath sa umaga!"

"Paamoy nga babae---"

"Ano ba!"

Tatawang tawa naman na dumeretso na si Hunter sa likod ng sasakyan at ibinaba ang mga gamit namin. Actually, gamit ko lang talaga. Napayakap ako sa katawan ko ng bigla akong lamigin. Lumingon ako sa paligid. Teka, asan ba talaga kami?

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon