Ep. 16: Quality Time

1.1K 46 25
                                    

September 4, 2021






QUALITY TIME AS A FRIEND.






Goodmorning! This day ay babalik na kami from beach to our hotel. Nag stay kasi kami dito for a night and lmao to be honest, hindi ko parin nakalimutan yung nangyari kagabi. Actually, ang sakit ng katawan ko pag gising ko. Nadaganan kasi ako ni Sandro kagabi. Pero i'm still fine tho. Pinag handa ko lang muna ng breakfast si Sandro for the two of us para mawala rin yung hang over nya. I'm planning to cook something with soup pampatanggal rin ng sakit ng ulo. Hindi pa ko tapos mag luto ng biglang may yumakap sa bewang ko mula sa likod at pinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.






"Thank youuu!" Saad ni Sandro habang naka pout face.

I gently rubbed his head, "Why?"

"For taking care of me last night. And also ngayon, sa pag prepare mo ng breakfast."

"Sus, maliit na bagay para sa lahat ng effort mo sakin noh."






I realized, parang dati nangyari na rin yung moment na 'to. Pero imagination ko lang sya before, tapos ngayon is nagkatotoo na. Pero as a friend nga lang. But it's okay, hindi naman ako mag rereklamo and i'm also contented kung ano mang meron kami ngayon, SA NGAYON. Pero dahil wala namang pumipigil saking mangarap, syempre pinaparangarap ko parin na mas humigit pa sa "good friends" yung relasyon namin. Anyway, after a few ninutes, natapos na rin kaming kumain ni Sandro at bumalik kami sa higaan para mag handa ng mga gamit namin dahil maya maya ay babalik na kami sa hotel. Nagpahinga muna kami ng saglit since pagod rin kami sa mga naganap.







-TIME SKIP-







It's already time na para magpaalam sa isa sa pinaka magandang beach na napuntahan ko sa buong buhay ko. Babalik na kami ni Sandro sa hotel, pero hindi na kasama yung friends nya since magkaiba kami ng way ng uuwian. And finally after almost 2 hours na pag babyahe, naka balik na rin kami sa hotel ni Sandro. This day, wala naman kaming agenda or what. Plano lang namin na mag spend ng quality time together. Pahinga rin namin ngayon dahil nga pagod kami mula kahapon. Thankfully, kahit magka layo yung agwat ng edad namin ay nakaka sabay parin sya sa trip ko. Usually kasi yung mga ka edad nya is hindi na nakaka relate sa mga gen-z na katulad ko. As 17 years old, hindi ako nahirapang mag adjust kay Sandro simula nung naging magkaibigan kami dahil parang sya pa yung nag adjust para sakin at para masabayan yung vibes ko. Anyways, habang nanonood kami ng netflix, kumakain kami at nagkukuwentuhan.







"Sandro, malapit na debut ko." Sabi ko sakanya.

He looks at me, "Talaga? Kelan ba birthday mo?" Tanong nya.

"Sa October 7. Kaya sakto lang yung schedule ng pag uwi natin sa pinas dahil mag hahanda na rin ako for my pre-debut photoshoot."

"Wow! Siguradong bongga 'yang magiging debut mo noh!" Sagot nya

"Oo naman!" Napa tingin ako sa malayo at bumulong, "Lalo na siguro kung ikaw yung last dance ko."

Natawa sya, "Hahahaha, bumulong kapa narinig ko din naman. Ayun lang ba gusto mo? Sure! Irereserve ko yung araw na yun para maging last dance mo sa debut mo."

"Talagaaa?? Thank you!!!" Niyakap ko sya ng mahigpit.







"Talagaaa?? Thank you!!!" Niyakap ko sya ng mahigpit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I Wish I Never Woke Up (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now