Ep. 46: Debut Planning

862 51 24
                                    

October 6, 2021



Rise and shine!! Thank God at nagising ako nang may lakas ngayong araw. Nasaktuhan pa na pang hapon ang pasok ko ngayon kaya naman ay marami pa kong oras para magpahinga. Ngayon na rin ako babalik ng condo since magaling na rin naman ako at kaya ko na ang sarili ko. Mamaya ko na nga rin pala susurpresahin si Mrs. Debbie bilang pasasalamat sa ginawa nyang pag sabi kay Vinny sa naging sitwasyon ko noong nakaraang araw. Syempre kasama ko sa pag surpresa mamaya ang aking napaka supportive na bff na si JC. At pati na rin ang iba naming mga kaklase.



"Thank you, Vinny ah? Look how strong i am right now. Hindi mo aakalaing nanggaling sa sakit eh, hahaha." Sambit ko kay Vinny habang nasa labas kami ng pinto ng apartment nya, aalis na ako nung mga oras na yun.

He smiled, "You sure kaya mo na? Baka mabinat ka?" Wow, concern?

I giggled as i tap his shoulders, "Ano ka ba, you made me feel strong oh? Trust me, i can do this on my own na." I smiled at him.

He pressed his lips and nodded, "Hmm.. Okay, if that's what you want. Just please take care of yourself ha? Wag kana ulit matutulog sa waiting shed." Biro nya at nagtawanan kami.


Babanggitin ko sana kay Vinny na birthday ko na bukas kaso hindi na lang kasi hindi naman kami ganun kaclose as compared kay Simon. But i don't think alam nya na birthday ko bukas, for sure naman babatiin nya ko ngayon palang kung alam nya. Btw, nagpaalam na nga ako kay Vinny nung mga oras na yon at hindi na ako nagpahatid sakanya at nag taxi nalang ako dahil ayoko nang maka istorbo pa sakanya. Nag dahilan nalang ako na may dadaanan pa eka akong relatives dito sa Baguio well in fact wala naman talaga kong kamag-anak rito.

-TIME SKIP-


📍CONDO


Nag pahinga lang ako ng mga ilang oras sa kwarto pagkadating na pagkadating ko hindi dahil pagod ako kundi dahil galing ako sa sakit at medyo masama pa ang pakiramdam ko. Pagkatapos ko namang magpahinga ay saktong tumawag saakin si mommy. Pag uusapan namin ang magiging kaganapan sa debut ko sa darating na lunes, october 11. Yes, 18 na ko bukas pero sa 11 pa yung debut ko dahil marami pa kaming aayusin. Hindi ko alam kung paano ko mag-cecelebrate bukas dahil nasa school ako pero bahala na si batman.


*On going call- Mommy*


"So isend mo saakin yung list ng 18 roses mo anak. Kumpleto na tayo sa lahat maliban nalang sa 18 roses, ang sabi mo kasi ay pag-iisipan mo muna kung sino ang mga ilalagay mo roon."

"Oo nga po, mommy. Pero eto na po, isesend ko na po sainyo yung list ng mga kasama sa 18 roses."


JANNAIAH @18 - LIST OF 18 ROSES

1ST DANCE- JEROME HERNANDEZ LOPEZ (DEBUTANT'S FATHER)

2ND- JASON CARL RAMIREZ (DEBUTANT'S BFF)

3RD- DION HERNANDEZ (DEBUTANT'S COUSIN)

4TH- ZEKE ANGELO DIAZ (CLASSMATE)

5TH- GIO JAKE TEODORO (CLASSMATE)

6TH- KIAN MICHAEL SANTOS (CLASSMATE)

7TH- GABRIEL FRANCISCO (CLASSMATE)

8TH- IVAN DAVE CARPIO (CLASSMATE)

9TH- JUSTINE NIEL CRUZ (CLASSMATE)

10TH- KEN MARTINEZ (CLASSMATE)

11TH- KURT JAMES SACDALAN (CLASSMATE)

12TH- ZION ISAAC ISIDRO (CLASSMATE)

13TH- JOHN LAWRENCE VICTORIA (CLASSMATE)

14TH- MR. DENNIS TOLENTINO (DEBUTANT'S PROFESSOR)

15TH- MR. ARNEL TIANGCO BERNARDO (DEBUTANT'S PROFESSOR)

16TH- WILLIAM VINCENT MARCOS (CLOSE FRIEND)

17TH- JOSEPH SIMON MARCOS (CLOSE FRIEND)


"Oh? Bakit seventeen lang itong sinend mo anak? Sino yung 18th dance mo?"

"Umm.. Kayo na po bahala mommy."

"Huh? Debut mo yan, Janna anak kaya ikaw ang mag dedecide kung sino ang gusto mong last danc-- Teka?? Bakit hindi si Sandro?"

"S-sya nga po dapat, mommy."

"Oh edi tapos ang usapan, ilagay mo na ang pangalan ni Sandro jan sa list mo."


At ang pinaka inaabangan ng lahat..

18TH/LAST DANCE- FERDINAND ALEXANDER MARCOS (DEBUTANT'S GOOD FRIEND)

Kingina! Hindi kaya pagtawanan ako ng mga makakakita ng invitation ko kung makita nilang good friend ang nakalagay sa last dance imbis na suitor or partner? Btw, cinderella pala ang theme ng debut ko. Fun fact, it's my childhood favorite disney princess. At gaganapin naman yung debut ko sa isang private resort kung saan magkakaroon din ng after party ang mga guests at syempre kasama ako. Pwede roon mag swimming ang mga may gusto syempre yun nga yung purpose kaya nag rent ng private resort, hehe.


"Uhh- Okay na, mommy. Nalagay ko na yung pangalan ni Sandro."

"Ayos ka lang, anak? Parang hindi ka masaya ah?"

"No, mom. I'm fine, hehe. I'll call you back later, love you ma!"

"I love you more, anak!"


*CALL ENDED*


I sigh deeply as i laid down again on my bed, facing the ceiling. "Bahala na kung pupunta o hindi si Sandro. Basta ipapamigay ko na yung mga invitations ko bukas." Mukmok ko sa sarili ko. Natulog lang ako ng mga oras na yon at nagising ako sakto bago ang oras ng pasok ko.


-TIME SKIP-


"Doon mo ilagay sa likod yung isa pang set ng balloons bakla." Utos ko kay JC habang kinakabit ko naman ang ilang decorations sa loob ng room namin pang surpresa kay Mrs. Debbie.

Maya maya pa ay sumenyas na ang nag babantay naming kaklase sa labas na paparating na raw si Mrs. Debbie, "Bilisan nyo na, oh patayin nyo na yung ilaw. Ivan, ready mo yung party popper ha?" Bilin ko naman sa mga kaklase ko.

"SURPRISE!!"

Kita sa muka ni Mrs. Debbie ang gulat, napahawak sya sa dibdib nya at gumuhit sa muka nya ang katuwaan. "Nako naman, ano meron ha? May kasalanan siguro kayo no? Hahaha, biro lang." At nagtawanan lang kaming lahat.

"Thank you surprise lang po ito para sainyo ma'am, sa ginawa nyo pong kabutihan saakin nung isang araw." Pangunguna kong pagpapasalamat.

"Korek si Janna doon, Mrs. Debbie! At saka pagpapasalamat na rin ho namin ito namin sa pagiging MABAIT nyo po saamin na prof." Dagdag ng bestfriend kong si JC.

"Nako, maraming salamat sainyo. Pag pasensyahan nyo na kung madalas akong highblood at alam kong marami sainyo ang naiinis saakin kaya sana ay mapag-pasensyahan nyo na at alam nyo namang tumatanda na rin itong prof nyo kaya madalas talagang highblood, hehe." Mabagbag damdamin na pagpapasalamat ni Mrs. Debbie.




Pagkatapos noon ay kumain na kami nang sama-sama at tinuloy ang klase. Simula noon ay naging mabait na si Mrs. Debbie. I mean, mabait naman na talaga sya pero alam mo yun, mas nabawasan kahit papano yung pagiging highblodd nya. At siguro narealized nya rin na hindi ng bagay lahat ay dinadaan sa galit. Pagkatapos pala noon ay syempre derecho na kong umuwi. Hindi na ko sumama sa gala ng mga kaklase ko dahil pagod ako noon at medyo masama parin ang pakiramdam ko gawa nang kakagaling ko nga lang sa sakit. Magpapahinga nalang ako ngayon para bukas ay magaling na ako lalo na't birthday na birthday ko pa man din. Bukas ko na rin ipapamigay yung invitations para sa debut ko. Hays, this is my last day of being a teen. Well, i'm still a teen naman once i turned 18 but syempre iba na talaga yun. It is like the start of your adulthood and i can't even imagine na mag 18 na ko nang ganun ganun lang. Parang dati kasi eh hilig pa kong kargahin ni daddy pero ngayon hindi na namin magagawa ang mga bonding na ginagawa namin noong bata pa ako. It's sad but it's part of growing up. Goodnight! ♡

I Wish I Never Woke Up (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now