Ep. 36: Ghosted

913 47 14
                                    

-TIME SKIP-





Maya maya pa ay nakarating na kami ni Simon sa condo. Ang buong akala nya ay idodrop-off nya lang ako sa labas nito. Agad syang bumaba ng sasakyan para pag buksan ako ng pintuan sa pangatlong pagkakataon na naman. 





Grabe ang titig sakin ni Simon nung mga oras na yon. Dahan dahan nyang nilagay ang isa nyang kamay sa likod ko at nakipag beso, "Take care, Janna." And he blushed.

"Thank you, Si! Same to you.^^" Sagot ko sakanya.

Papasok na sana sya ng kotse nya nang bigla ko syang tawagin. "W-wait, Simon!"

Napatigil sya at tumingin saakin, "Is there somethings wrong?" 

"Uhh- Umm.. Can i invite you inside if you don't mind, hehe." Pag-aaya ko sakanya.

Kitang kita sa muka ni Simon ang labis na kasiyahan nung mga oras na yon. "Talaga?" Sheeeshh ang cute ng accent nya don!

"Umm.. Oo sana, kung hindi ka busy?" Wika ko kay Simon habang namimilipit na ang mga daliri ko sa likuran ko.

He can't help but to stare at me and get my hands from my back to my front. "Of course, i have time naman, Janna. So.. Let's go inside na? Give me your bag."





We started walking towards the elevator of the condominium building and went up to the fifth floor, to my unit.





"So here's my small unit, Si. Just feel at home ha?" Saad ko nang buksan ko ang pinto ng unit habang naka buntot naman sa likod ko si Simon.

He smiled and amazement on his face appeared. "Wow, this isn't small, are you kidding me? By the way, thanks for welcoming me to your unit warmly."

"Thanks. Nga pala, my mom and sister will be coming here later and i want you to meet them kaya rin kita ininvite dito." Sagot ko kay Simon.

"W-what? Y-your mom? Y-your sister?" Pabulol nyang sagot.





Napansin kong biglang kinabahan si Simon nung sinabi ko yun. Bat nya kailangang kabahan? Weird, ipapakilala ko lang naman sya bilang kaibigan ko. Why would he have to be that nervous? Like, i know na normal na maputi si Simon pero normal din bang mamuti pati yung labi nya? Yung mamutla ganun, hahahaha. Hinawakan ko rin ang kamay nya at naramdaman kong nanlalamig ito. Pina upo ko muna sya dahil kanina pa sya paikot ikot na at hindi mapakali na tila bang may pinaghahandaan talaga o ano.





-TIME SKIP-





*Someone knocks on the door..





"Oh.. My.. Goodness, Jannaaaa! Hide me! Hide me now, where can i hide?" Tarantang wika ni Simon.





Jusmiyo garapones. Hindi ko napigilan yung sarili ko na tawanan si Simon nung mga oras na yon. Tarantang taranta sya at naghahanap ng taguan na akala nya sigurong kasing liit lang sya ng langgam para hindi makita. Pinakalma ko muna sya bago ko papasukin sila mommy. I told him that everything's gonna be alright, just chill.





I slowly opened the door, "Mommy!!!!" I jumped into mommy to welcome her using my big hug.

"Janna, babyyy!" Salubong naman saakin ni mommy.

"Hi ate, i missed you!" Pagbati ko kay ate na nasa likod ni mama.

"I missed you also, sis!" Sagot nya pabalik nang mag beso beso kami.

Pagkatapos noon ay hinawakan ko na ang kamay ni Simon at pinakilala kila mommy at ate. "Umm.. Mommy, ate.. Si Simon nga po pala, b-boy friend ko." 

"AGAD?!" Reaksyon nilang tatlo.

"Ay este oo! Boyfriend ko sya, boy na friend, lalaking kaibigan, okay?" Pagpapalusot ko naman.

"Hi po, good afternoon, t-tita." Pagbati ni Simon sa mommy ko na sinabayan nya ng pag mano at kinawayan nya naman ang ate ko.

"Magandang hapon rin sayo, iho. Simon?" Tanong ni mommy.

"O-opo." Simon replied cutely with his accent.

Sumulsol naman si ate bigla, "Diba sya yung kapatid ni Sandro?" Jusko, sa loob loob ko ay bakit nya pa pinaalala yon. "Asan na nga pala sya, ano na nangyari sainyo ngayon?" Dagdag pa nya.

Napayuko nalang ako at natameme, "Ahhh.. Umm.."

Napansin ni Simon ang lungkot sa mata ko kaya agad nyang hinimas ang likod ko at sya na ang sumagot sa tanong ng ate ko, "Umm.. Kuya Sandro went back to our province to do his responsibilities there as a congressman."

Sumagot naman si mommy, "Oh, i see. Ikaw, Simon? Wala ka bang balak pumasok din sa politics?" Tanong nito.

"Hmm, no tita. I much prefer a private life. And besides, i think kuya Sandro is already enough among us three to follow our dad ang grandfather's path." Pagpapaliwanag naman ni Simon.

A/N: Best to read while listening to music ;)

Pagkatapos ng maikling kwentuhan ay nagpahinga na sila mommy at ate sa kabilang kwarto. Habang tinulungan naman ako ni Simon na gumawa ng meryenda para sakanila. Habang kami ay gumagawa ng meryenda, naisipan kong imessage si Sandro dahil oo, sobrang miss na miss ko na sya, namimiss ko na yung presensya nya. Nung mga oras na yon ay hindi ko na nakikita pa kung naka online ba si Sandro o hindi. Tinuloy ko nalang ang paggawa ng meryenda kasama si Simon at umaasa na baka sakaling pagkatapos namin ay mag reply na saakin si Sandro. Pero lumipas ang halos isang oras na paghahanda ng makakain naming meryenda ay wala parin itong reply. Hindi nya manlang din naseen yung message ko. Naisip ko na baka busy lang talaga sya, nung mga oras na yun ay minessage ko ulit sya at ginising ko na rin nun sina mommy at ate. Iniwan ko muna ang phone ko sa isang tabi at nag focus makipag kwentuhan kina Simon para kahit papano ay malibang naman ako. Pero hindi ko maiwasan yung mata kong tignan maya't maya ang phone ko at umaasa na baka nag reply na saakin si Sandro. Napasarap ang kwentuhan namin nila mommy, ate at Simon. Inabot kami ng 5PM ng hapon. Halos isang oras nadin ulit ang nakalipas nung huli kong message kay Sandro. Oo, sa buong maghapon na yun ay si Sandro nasa isip ko. Never naman kasi talaga syang nawala sa isip ko eh. : ( Gumuhit sa muka ko ang matinding pagkalungkot nang makita kong wala. Wala parin talaga syang reply sa message ko. Kahit seen wala. Nasan na kaya syang lupalop ng mundo? Ni wala na kong balita sakanya mula noong inamin ko sakanya na prank lang ang lahat at ginantihan lang namin sya ni Simon. Pero hindi ako sumuko, for the last time, minessage ko ulit si Sandro at nagbabakasali na baka mamayang gabi ay mag reply na sya saakin. 8PM, saktong nag dinner kami. Pagkatapos noon ay nag kwentuhan lang ulit saglit at napansin kong medyo nagiging malapit si mommy kay Simon, nakakatuwang tignan pero mas masaya siguro yung puso ko kung si Sandro ang nasa pwesto ngayon ni Simon. At 9PM, umuwi na si Simon. Sila mommy naman at ate ay dumerecho na sa kabilang kwarto. At heto ako, nag mumukmok mag-isa sa kwarto ko. Guess what? Lumipas na ang halos limang oras mula kaninang unang message ko sakanya pero f*ck! Wala akong natanggap na reply mula sakanya kahit na seen manlang. Ganun naba sya ka busy? Bakit sinabi nya saakin noon na hahanap at hahanap sya ng paraan para makapag usap kami palagi kahit na magkalayo kami? Hindi ko napigilan ang sarili ko bigla nalang akong humagulgol sa iyak. Kingina! Miss na miss na kita, Sandro. Bumalik kana please. :( Nung oras na yun ang buong akala ko ay tulog na sila mommy pero bigla itong kumatok sa pintuan. Agad ko namang pinunasan ang luha ko at pinapasok si mommy na parang walang nangyari. Pero syempre, halata parin na umiyak ako sa maga ng mata ko. My mom asked me what's wrong. Dito ko na sinabi sakanya ang lahat. "Mommy, yung baby nyo, may minamahal nang binata." Ngumiti si mommy at niyakap ako. Naluha sya lalo na nung malaman nyang si Sandro ang tinitibok ng puso ko. Pero nalungkot sya para saakin nang sinabi ko sakanyang.. "Mom, i think Sandro ghosted me." And that was the time that i burst into tears again. She just hugged me tight and i really felt the mother's love there. "I believe he can't do that to you, anak. I know Sandro."



























I Wish I Never Woke Up (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now