Ep. 41: Wrong Timing Confession

882 54 27
                                    

September 28, 2021

DAY 4 OF 7

Ang pinaka hindi ko ineexpect na araw.


Ang isa sa mga araw na tumatak sa puso ko.


Maaga kaming nagising ngayon ni Simon, that's what you called ✨himala✨. We were planning to try banana boat with mommy and ate. Isa din yun sa activities dito sa Subic na gustong gusto kong subukan. Maaga ang opening ngayon ng banana boat dahil dinumog ito ng maraming turista kahapon lang, kaya punuan talaga. Konti lang din ang mga available boats na gagamitin sa banana boat rides dahil kung susumahin ay nasa higit 500 na katao yung gustong mag try ng banana boat. Karamihan sakanila family rin parang kami. Yung iba naman is magkakabarkada.


-TIME SKIP-


"Malapit naaa!" Wika ko kay Simon nang pumalupot ulit ako sa kanyang braso, medyo nagiging hobby ko na rin 'tong paglambitin sa braso nya. Btw, nasa pila kami ng mga sasakay sa banana boat.

"You excited?" Tanong nya nang tumingin sya saakin.

"Yes, superrr!"

Sumabat naman si ate na nasa likod namin, "Oh tama na bebe time, sakit nyo sa mata."


Pinanlakihan ko ng mata si ate at si Simon naman ay tumawa lang sa gilid.


Maya maya ay narinig naming sumigaw ang staff doon sa banana boat, "Oh, next batch na! Paki bilisan ang kilos." Wow, highblood kyah?


Agad naman kaming sumakay sa banana boat. Ako ang nasa unahan 'cuz i'm the princess hehe, char. Nasa likod ko naman si Simon, sumunod si mommy para gitna sya at nasa likod naman si ate. Actually 6 seaters sya pero apat lang kami good thing mas magaan at mas ma-eenjoy namin dahil magaan lang kami at madaling hilahin mamaya.


"Woooooohh!!" Sigaw naming lahat nang bigla nang umandar ang sinasakyan naming banana boat. Ayan din yung oras na bigla akong natulala out of nowhere. May nakita kasi ako sa isip ko na larawan nung naalala kong nakasakay kami sa BANANA boat.


 May nakita kasi ako sa isip ko na larawan nung naalala kong nakasakay kami sa BANANA boat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

My Sandro the banana 🥺


Hindi ko alam pero natawa nalang ako sa sarili ko nung mga oras na yan na parang tanga. Iniisip ko tuloy kung kelan nya kaya balak galawin yung baso? Kelan kaya sya magpaparamdam? Ni kahit sa anino nya ay wala na kong balita sakanya.


Inenjoy lang namin ang view at ganda ng dagat sa subic habang kami ay mabilis na hinihila sa tubig. Hindi namin namalayan na halos nasa gitna na pala kami ng dagat. Walang anu't ano pa man ay bigla nang tumaob ang banana boat na sinasakyan namin, hahaha. Sobrang laugh trip nung eksena na yun lahat saamin. Actually, meron akong fear sa malalim na tubig talaga, pero hindi ako masyadong nakaramdam ng takot noong tumaob na ang sinasakyan naming banana boat dahil hindi ako lumubog halos. Nahawakan agad ni Simon ang life vest na suot ko na naging dahilan para hindi lumubog ang ulo ko sa ilalim ng tubig. Baka kasi matakot lang ako kung sakali mang nakita ko kung gaano kalalim yon. Thanks to Si! Ang saya ng experience namin sa banana boat na yun, first time ko lang din kasi ayaw kaming pasakayin ni daddy doon before lalo na't alam nya na takot talaga ako sa malalim na tubig. Pero Simon pushed me through. Gaya nga ng sinabi nya, i need to learn how to overcome my fears. That morning activity turned into lunch. As usual, seafoods yung kinain namin eh syempre ayon ang specialty sa mga restaurant dito dahil nasa tabing dagat. Umorder lang kami ng tahong good for 4 at may partner na mango juice na pagka sarap sarap. Kumain lang kami at nag kwentuhan habang kumakain. Then that lunch turned into afternoon, inabangan ulit namin ni Simon ang sunset. Si mommy ay pumanik sakanilang kwarto para magpahinga at si ate naman ay nag lilibot para mag shopping ng pang pasalubong.


I Wish I Never Woke Up (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now