Ep. 47: Legal Age

767 62 13
                                    

October 7, 2021







HAPPY BIRTHDAY TO ME!!







Finally, 18 na ko! Adulthood is coming, charot ayoko pa.


Samu't saring notifications ang natanggap ko galing sa mga bumati saakin ngayong araw. Sa totoo nga ay nagising talaga ako dahil sa sunod sunod na tunog ng phone ko nang dahil sa mga notifications. Karamihan sakanila ay ang mga relatives ko, close friends and classmates. Hindi mabilang sa daliri ko kung ilan ang lahat lahat na bumati sakin mula facebook, instagram, twitter, at kahit sa tiktok meron. Binati rin ako nila tita Liza at tito Bongbong na hindi ko talaga inasahan. Malay ko ba na alam pala nila kung kelan ang birthday ko. Pero feeling ko nalaman nila yun dahil kina Simon. Binati rin kasi nya ko at ganun rin si Vinny. Hindi ko alam kung paano nila nalaman samantalang si Sandro lang naman ang nakakaalam talaga ng birthday ko sa pamilya nila. At syempre hindi rin nakalimot sina mommy at ate na nasa QC. Ang bestfriend kong si JC na may pa lsm pa sa fb, at ang mabait na si Mrs. Debbie. Halos lahat na ata ng mahal ko sa buhay ay nakaalalang batiin ako sa araw ng kaarawan ko. Pero parang may kulang eh. Meron akong isang tao na hinihintay na mag pop-up ang pangalan nya sa notif ko.


Marupok ba ko kung sasabihin kong si Sandro yon?


Pero oo nga, si Sandro talaga yun. Alam kong hindi pa kami okay ngayon pero i can't even imagine na pati birthday ko ay makakalimutan nya. Sabagay, "busy" nga pala sya. Hays, pero dibale, ayoko na munang ma-stress ngayon at birthday na birthday ko. Hindi ko alam kung paano ko mag cecelebrate ng 18th birthday ko ngayong araw pero bahala na si batman basta papasok nalang muna ko dahil may pasok pa ko ngayong umaga.







-TIME SKIP-







📍UNIVERSITY OF BAGUIO







Pagpasok palang ng gate ay tanaw mo na ang room namin. Napansin ko na para bang nakapatay ang ilaw at wala pang tao. Hindi naman ako ganun kaaga dahil 8AM ang klase namin at 7:30 na ako dumating. Imposible namang wala pang tao nung mga oras na 'to. Marami nang ibang estudyante rito sa UB pero ibang level sila at wala talaga kong makitang mga kaklase ko kahit saan ako lumingon. Di kaya pang hapon yug schedule ko ngayon? Agad akong dumukot sa bag ko ng phone ko at chineck kung ano ang schedule ngayon. Tama naman, 8AM talaga ang simula ng klase. Pero bat wala pang tao? Agad na kong dumerecho sa hallway patungo sa aming classroom at napansin ko ngang wala pa talagang tao. Pero kapansin pansin na hindi ito naka lock sa labas kaya naman ay kumatok muna ako bago pumasok.







"Happy Birthday, Janna!" Pang gugulat saakin ng buong klase kasama si Mrs. Debbie pagka bukas ng pinto.







Tumambal saakin ang hawak hawak nilang cake na may picture ko pa, hahahaha at mga balloons na may nakasabit na confetti na naka dikit sa bawat dingding ng classroom at syempre di mawawala ang mga handa.







"Nako, maraming salamat sainyo pero hindi nyo naman na kailangan pang mag abala eh." Lubos kong pagpapasalamat sa buong klase at kay Mrs. Debbie. "Pero maraming salamat parin at naappreciate ko kayong lahat!" Dagdag ko pa.


Sumagot si Mrs. Debbie nang himasin nya ang balikat ko, "Ano ka ba, Janna. Deserve mo lang yan anak at naging matulungin at mabuting halimbawa ka sa lahat." Wow! For the first time, tinawag nya kong anak, nakakataba ng puso. ♡







Pagkatapos noon ay nag kainan lang kami at tumuloy mag klase. Habang nasa klase ay tinext ako ni Vinny at Simon na dumaan raw ako sa bahay nila mamayang pagkatapos ng klase ko. Hmm, mukang goods na 'tong dalawa na 'to ah? Anyway, hinintay ko na nga lang matapos ang klase at nagpasalamat lang muli sa lahat ng kaklase ko kabilang si Mrs. Debbie nang matapos na ang klase. Nag aya mag inom ang loka loka kong bff na si JC pero nag pass na muna ako at sinabi kong bumawi nalang kami sa araw ng debut ko. At doon na nga ako nagmadaling pumunta sa bahay nila Vinny.







"Nasa labas na ako." Text ko kay Vinny.


Hindi ito nag rereply kaya naman ay si Simon ang tinext ko, "Si, i'm here. I'm here outside your house." Nag reply ito at sinabing pumasok nalang daw ako dahil kilala naman na ako ng maids at guards nila. At nagulat ako sa nakita ko.







"Oh bat ka napa nga nga? Hahaha, happy birthday, Janna!" Sambit ni Vinny saakin pagkatapos kong magulat sa kanilang surpresa.


Bigla namang lumapit saakin si tita Liza. "Happy birthday, Janna anak!" At nag beso beso kami, ganun din naman si pops. Pinaghanda nila ako ng napakaraming pagkain na akala mo ay wala nang bukas. Binigyan rin nila ako ng mga regalo at isa na dito ang mga gamit pang aso para kay Sandra. Marami nga palang naghahanap sa aso ko na iyon. Hindi ko sya kasama ngayon dahil pinauwi ko muna sya kila mommy sa QC dahil hindi ko sya maaalagaan nang maayos rito gawa nga ng pagiging busy ko sa acads. Pero sa debut ko naman ay makakasama ko na uli si Sandra dahil ibabalik sya rito nila mommy.







Nag salo salo lang kami at sinulit ko na rin ang pagkakataon na iyon para imbitahan sila sa darating kong debut na gaganapin sa lunes. At natuwa sila at agad ring nangako na dadalo sa aking debut. Pero nanahimik ang lahat nang may ianunsyo si Simon.







"Umm.. By the way, Janna. Kuya Sandro just texted me earlier and said that he aren't be able to attend to your debut on monday because he has some important things to do that day." Simon ordered.


"Yeah and i think that's a bad news for Janna considering her 18th rose won't go to her special day." Dagdag naman ni Vinny.







Napa ngiti nalang ako at nagpatuloy sa pag kain habang naka titig lang sa kinakain ko. Hindi ko magawang lumingon kila tita Liza pero i can see at the corner of my eyes na nakatingin talaga sila saakin at tila ba ay hinihitay ang reaksyon ko.







"Umm.. Okay lang naman po tito.. Tita.. Simon.. Vinny.. Paki sabi nalang po kay Sandro na ayos lang po." Malungkot kong tugon.


Tito Bong replied, "So what will you do, iha? Papalitan mo ba sya as your 18th dance?"


I giggled, "Of course, not po. Bahala na po siguro kung hindi kumpleto ang 18 roses ko basta hindi ko po papalitan yung slot nya. No one can replace him, tito."


Tita Liza smiles proudly, "I'm happy for your positive thoughts, Janna."


Simon and Vinny answered, "Same."







After that almost-dinner-chikahan with the Marcoses, umuwi na ako sa condo. Wala naman masyadong ganap bukod sa nagpamigay lang ako ng invitations sa mga kaklase ko at sa iba ko pang close friends dito sa Baguio. Nag check ako ng phone ko at napa punyeta nalang ako dahil wala talaga kong bati na natanggap mula kay Sandro kahit na aware na sya kanina na birthday ko ngayon, siguro naman ay nabanggit sakanya yon ng mga kapatid nya or nila tita Liza right? Pero wala talaga, napaka manhid at hindi manlang maglaan ng oras para batiin ako. Para naman kaming walang pinag samahan. Hays.







I guess, this is a goodnight? Happy 18th birthday to me and i am wishing to myself for a happy long life filled with love. More years to come for me! ♡

I Wish I Never Woke Up (Sandro Marcos FF)Where stories live. Discover now