Prologue

1.9K 92 7
                                    

Napangisi si Hurricane ng walang kahirap-hirap niyang inakyat ang ika-limang palapag sa kinaroroonang Mansion. Her Mom's invention is one of a kind at ito ang gamit niya ngayon, the magnetic gloves. Kumakapit iyon sa kahit anong bagay. 

Maingat siyang lumapag sa balkonahe ng isang kwarto. She didn't know kung narito ang kanyang kailangan, basta hahanap siya ng isang bagay na importante sa loob ng bahay na ito. This is not a mission or what, it's just nothing.

Yeah, nothing. 

Gusto lang niyang pasukin ang bahay na ito dahil sa higpit ng security. Nagkaroon siya ng excitement ng makita na ito ang una sa heavily guarded na lugar sa bansa at dala ng kuryosidad, gusto niya lang malaman kung bakit. 

Inilabas niya ang dalang Auto-unlock swiftkey, isa sa gadgets na pag-aari niya. Kahit anong bagay na nakalock ay automatic na mabubuksan gamit ito. 

Matagumpay niyang nagawa ang plano. 

Marahan niyang binuksan ang pinto sa balkonahe. Malamig na aircon at madilim na kapaligiran ang unang sumalubong sa kanya. Wala siyang ideya kung bakit ito ang walang bantay sa lahat ng palapag. Nacheck na niya iyon ng pasukin niya ang system ng bahay na ito gamit ang dala niyang tablet. 

Prente siyang naglalakad sa kadiliman ng gabi na animo'y namamasyal lang sa parke. She loves this darkness, she feels like they are one. 

Dahil gusto niyang malaman kung ano ang meron sa bahay na ito, sinuot niya ang Night vision glasses na dala niya ng sa ganoon makita niya ang paligid.

Hindi niya maiwasang mamangha sa nakita. She lives in luxury pero hindi pa rin niya maiwasan ang humanga sa mga marangyang bagay na nakikita sa paligid. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang pinagmamasdan ang paligid. Masyadong malawak ang silid na ito kumpara sa karaniwang silid. Wala rin naman siyang nakikitang mahalagang bagay dito.

Binuksan niya ang nag-iisang pintuan doon. Tumambad sa kanya ang isang malawak na silid tulugan. Hindi niya pinansin kung may natutulog doon o wala dahil walang ingay siyang naglalakad. Sigurado siyang hindi iyon maririnig kung may tao roon. 

Napukaw ang kanyang atensyon sa bagay na nakapatong sa bedside table. Lumapit siya at kinuha ang isang singsing. 

Yeah, it's a white diamond ring. 

Namesmerized siya dahil sa ganda no'n kaya hindi niya napigilan ang sariling isuot ang singsing. Ganito talaga siya kapag may nagugustuhang bagay, gusto niyang suotin. 

Napangiti siya ng sakto sa kanyang ring finger ang singsing. Actually pangbabae siya kaya alam niyang babae ang may-ari ng kwartong ito. 

Napailing na lang siya at nagdesisyong ibalik ang singsing sa kinalalagyan nito. Kahit may pagkakataon na siya ayaw naman niyang nakawin ang bagay na iyon. Mahilig lang siyang manggulo pero hindi siya magnanakaw. 

Napatigil siya sa tangkang pag-tanggal ng singsing ng may humiklas sa kanyang braso. Kasunod ng pagtalbog niya sa kama. 

Yes, hinagis siya ng kung sinumang humablot sa kanyang braso. 

Mabilis naman siyang nakatayo sa kabila ng kama. Hindi pa niya nakikita kung sino ang may kagagawan niyon ay isang atake muli ang naramdaman niya. Pinilit niyang sanggahin iyon ng isang braso pero nadala pa rin ang katawan niya. 

Ang ending, nasubsob siya sa sahig with matching dausdos. Katulad noong una, mabilis siyang nakatayo. Pero wala yatang balak magpahinga ang umaatake sa kanya, dahil muli niyang naramdaman ang atake nito. 

Sa pagkakataong ito, nasalo niya ang kamay ng lalaki. 

Yes, lalaki. Sigurado siya roon dahil sa laki ng kamao nito. Hindi niya  ito mamukhaan dahil mabilis din siyang nagpakawala ng malakas na sipa dahilan para tumalsik ito. 

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now