Chapter 13

894 55 5
                                    

Tahimik na nagtipon-tipon ang grupo ni Primo sa silid nito kasama si Hurricane na hindi nagsasalita simula ng matapos ang laro. Tila wala ito sa sarili ng hilahin nila ang string paitaas kanina.

"Mabuti naalis na ang electric chain. Iyon lang pala ang makakaputol d'yan." Masayang sabi ni Lassy.

Hindi ito pinansin ni Primo dahil pinagmamasdan niyang mabuti si Hurricane.

Habang tumatagal, pinapahanga siya ng babae sa mga biglaan nitong desisyon. Una ng piliin nitong masaktan dahil sa giant ball at pangalawa ang pagliligtas nito kay Lassy na sinuklian ng huli ng hindi mabuti. Nakita niya ang ginawa nitong sadyang paghila sa kamay at pagsipa kay Hurricane mabuti na lang may armas ang huli na nakatulong dito upang makaligtas.

"I saw what you did Las." Sambit ni Onix na matamang nakatingin kay Lassy, "Why did you do that?"

"What did I do?" Nagtataka nitong tanong sa lalaki.

"Nakita ko rin ang ginawa mo Las," Sang-ayon ni Orio kay Onix.

"At anong ginawa ko?" Tanggi pa rin nito.

"Nakita kong sinipa mo si Rica para tuluyang mahulog," Mahinahong sabi ni Orio.

"Hindi niya sinasadya iyon kaya huwag nyo siyang sisihin dahil ligtas naman ang babaeng ipinagtatanggol nyo," Seryosong sagot ni Manzo.

"Manzo is right. Hindi ko sinasadya iyon dahil ng oras na 'yon, takot na takot ako. Kahit sino ang na sa katayuan ko, matataranta rin." Katwiran ni Lassy.

"Ikaw ang nakakaalam kung tama ang sinasabi nila, Lassy." Sagot naman ni Ryz habang abala sa kanyang laptop.

Malapit lang ito sa inuupuan ni Hurricane kaya makikita ni Primo ang ginagawa ng kasama.

"Yes, at wala akong ginagawang masama." Diin nito sa sinasabi, "Besides, you can ask Rica." Turo nito kay Hurricane.

Bumaling ang tingin ng lahat sa tahimik na babae.

"Tell them Rica that I didn't do anything," Nagpapaawang sabi ni Lassy. "You saved my life kaya bakit ko iyon gagawin sa'yo 'di ba?"

"Yeah," Tipid nitong sagot sa paos na boses, but Primo find it sexy.

Ngumiti si Lassy at tumingin sa mga kasama.

"See? I told you, I didn't..."

"Yeah, I'm asking myself why did you do that?"

"What?" Gulat nitong tanong.

"But I don't have time to deal with you. Maybe next time," Balewala nitong sabi at lumingon kay Ryz. "Can I borrow your laptop?"

Napatigil si Ryz sa ginagawa nito at tumingin kay Hurricane bago tumingin kay Primo.

"You can't send any signal outside the ship. Kung iyon ang binabalak mo," Sagot ni Primo.

"No. I need to find something," Sagot nito.

Pinagmasdang mabuti ni Primo si Hurricane. Tinatantya niya kung makakabuti ba ang gagawin nito o hindi.

"You can ask us kung anong gusto mong gawin," Sagot naman ni Orio.

"I found a cage below the ship ng mahulog ako," Nakuha nito ang atensyon nila. "I want to know kung sino ang nakakulong doon dahil mukhang pinabayaan na sila."

Nagkatinginan ang grupo dahil sa sinabi ni Hurricane. Iniisip naman ni Primo kung ano ang nakita ni Hurricane.

Bumalik naman sa seryosong pagpipindot si Ryz sa hawak na laptop. 

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now