Chapter 24

881 49 3
                                    

"Leticia?!" Gulat na sambit ni Primo ng makita ang babae. "What are you doing here?"

Umalis si Primo sa kama habang nakabalot ang kumot sa kanyang kahubaran.

Malagkit na ngumiti si Leticia habang nakatingin sa katawan ni Primo.

"Don't be shy, Supremo. I like you being wild like what you did last night,"

"What are you saying?" Hindi makapaniwalang sabi ni Primo.

Nalungkot ang mukha nito sa kanyang sinabi.

"You can't do this to me, Supremo. You can't!" Naluluha nitong sabi.

Nakonsensya naman si Primo kaya nilapitan niya ang babae. Marahil ito ang kaakibat ng padalos-dalos niyang kilos kagabi.

"I'm sorry," Paumanhin niya sa babae.

Bigla naman itong yumakap sa kanya na hindi niya inaasahan.

"Thank you for making me complete, Supremo. Masaya ako dahil matutuloy na rin ang ating kasal,"

Napapikit si Primo at marahang tinapik ang likuran ng babae. Na sa ganoon silang posisyon ng marinig nila ang nabasag na bagay mula sa pintuan.

Humiwalay sa kanya si Leticia.

"Take a shower, ako na lang ang titingin kung ano iyong nabasag. Baka breakfast natin 'yon na inorder ko sa baba," Nakangiti nitong sabi.

Napipilitan naman siyang tumango. Mabilis pa itong humalik sa kanyang labi bago tumalikod. Ngayon siya gulong-gulo sa nangyari.

...

Habang naliligo, pumapasok sa isip ni Primo ang nangyari kagabi. Akala niya ang kaligayahang iyon ay magtatagal ngunit labis na kalungkutan ang kanyang naramdaman ngayon. Tila may kulang sa kanya kahit nakita niya ng malinaw ang babaeng kayakap kagabi.

Is he disappointed na si Leticia ang babae or nag-expect siya na ibang babae ang kasama niya?

No!

Kailangan niyang harapin ang ginawa niya kagabi even she is Leticia or not.

...

... 

... 

"Thank you so much, Primo!" Masayang sabi ni Leticia habang naka-angkla ang braso nito kay Primo. 

Tatlong linggo matapos ang nangyari sa kanila, hinarap ni Primo ang Council ng malaman ng ama ni Leticia ang nangyari. He was forced to marry Leticia kung hindi aalisin siya bilang Supremo na sinang-ayunan ng karamihan sa Council. He need to face the consequences that's why he agreed. 

"I need to hire a professional designer for my gown. What do you think is better? Church wedding, Garden wedding or Beach wedding? Mas maganda kung mararanasan ko lahat. I'm so excited!" Patuloy lang ito sa pagsasalita habang naglalakad sila pabalik sa sasakyan. 

Tahimik lang naman si Primo at hinahayaang magsalita ang babae.

"I want everything to be in order and perfect!"

Napahinto sa paghakbang si Primo ng makita ang nakatayong lalaki sa harap ng Council building. Na sa gilid nito ang isang sasakyan. Nakatayo rin ang pinsan niyang si Querie sa harap ng shotgun seat katabi ang lalaki.

Tumingin ito sa kanya ng maramdaman ang kanyang presensya.

"Head Council!" Bati ni Leticia sa lalaki.

Hindi ito nagsalita sa halip seryoso lang itong nakatingin kay Primo.

Napansin naman ni Primo na kinakabahan si Querie habang nakatayo. Paulit-ulit itong humihinga ng malalim habang nakayuko.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now