Chapter 36

902 46 2
                                    

Tulalang humakbang si Primo palabas sa madilim na silid. Pagkatapos ng kailangan niyang pindutin sa monitor, isang pintuan ang bumukas. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang paligid. Nakayuko lang siya habang naglalakad at nakatingin sa bawat paghakbang niya sa pinong buhangin. Ramdam din niya ang init ng simoy ng hangin sa lugar pero wala roon ang kanyang atensyon.

"Supremo!"

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa tumawag sa kanya. Nakita niyang papalapit si Lassy kasunod nito si Manzo.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala nitong tanong.

Bahagya lang siyang tumango.

"Where's the others?" Walang buhay niyang tanong.

Nagtataka namang nakatingin sa kanya si Lassy.

"Are you really okay?" Muli nitong tanong.

Umiwas siya ng tingin sa babae kaya ngayon niya lang nakita ang paligid. Isang malawak na buhangin ang natatanaw niya.

"What the heck? We're on a desert?" Gulat niyang tanong.

Saang lupalop ng bansa sila naroroon at nagkaroon ng ganito kalawak na disyerto?

"Iyan din ang tanong namin ng makita ito," Sambit ni Manzo.

"Hanapin natin ang iba para malaman natin kung paano makalabas dito," Suhestiyon ni Lassy na sinang-ayunan nila ni Manzo.

...

...

...

Nakatingin lang si Hurricane sa monitor sa kanyang harapan kung saan ipinapakita ang white and gold button.

Kinuyom niya ang kamao ng maalala kung paano siya humantong dito.

Flashback 1 day ago

"L-ley?" Gulat niyang sabi sa kaharap na babae. 

"Ley?" Nagtataka nitong sabi. "Ley ba ang pangalan ko? Kilala mo ako?" 

Lumapit siya rito at hinawakan ang magkabila nitong braso.

"Thank you, you're alive!" Masaya niyang sabi at niyakap ang babae.

"Wait lang Miss," Marahan siya nitong inilayo. "Paano mo ako nakilala?"

Pinahid muna niya ang bakas ng luha sa pisngi bago ipaliwanag dito ang lahat. Simula ng kupkupin ito ng kanyang pamilya maging ang totoo nitong pangalan. Kunot noo naman itong nakikinig sa kanya.

"Hindi ko maintindihan," Sagot nito pagkatapos niyang magkwento.

"Halika, dadalhin kita sa isang espesyalista para ipasuri ang kalagayan mo." Hindi na niya ito hinintay magsalita. Hila-hila niya ito hanggang makita niya si Mianne.

"Mianne!" Tawag niya sa babae.

Nakangiti naman itong lumapit.

"Bakit po Ma'am?"

"Aalis ako kasama si Sister Mariam. Mamimili kami ng regalo para sa mga bata," aniya. 

"Hindi po ba ako kasama?"

"Ikaw muna ang bahala sa mga kailangan dito habang wala ako," Bilin niya.

"Ay, sige po Ma'am! Tatawag po ba ako ng taxi o gagamitin nyo ang sasakyan natin?"

"Tatawag na lang ako ng taxi. Thanks," Paalam niya rito.

...

"Magaling ba talaga ang Doktor na pupuntahan natin?" Tanong nito ng nakasakay sila sa taxi.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now