Chapter 37

899 42 6
                                    

"Let's rest here," Pahayag ni Primo sa mga kasama.

Nakasalubong din nila si Orio, Onix at Ryz bago lumubog ang araw. Umupo sila sa likuran ng malaking bato sa gitna ng disyerto.

"Nagugutom na ako," Reklamo ni Orio.

"Kahit tubig wala tayo," Sang-ayon naman ni Onix.

"Ano bang laro ang mangyayari rito?" Komento naman ni Ryz.

"Teka lang, anong nangyari sa inyo pagkatapos gumuho ng sahig?" Tanong ni Lassy.

"Natagpuan ko ang aking sarili na nakadapa sa buhangin. Muntik ko pang malunok ang buhangin e," Sagot ni Onix.

"Ako naman nakasabit sa maliit na sanga. Hindi man lang ako sinabit sa mas malaking sanga para hindi 'yon nabali. Nahulog tuloy ako," Kwento naman ni Orio.

"Ako nakapatong sa bato," Sambit ni Ryz.

"Me, I'm with Lassy." Sagot naman ni Manzo.

Tinukso pa ito ng kanilang mga kasama dahil magkasama ang dalawa. Manzo is courting Lassy at alam iyon ng buong grupo.

"Didn't you see the monitor to open a door?" tanong ni Primo.

"I don't see anything,"  Sagot ni Ryz.

"Wala rin akong nakita," Segunda ni Onix.

"Me too," Maging si Orio ay wala rin.

Tumingin naman siya kay Lassy at Manzo pero umiling lang ang dalawa.

"What kind of monitor, Primo?" Tanong ni Lassy.

"Nevermind," tipid niyang sagot.

Mas mabuting siya lang ang mayroong komplikadong sitwasyon sa kanila.

"May ideya ba kayo kung- holysh't!" Sigaw ni Orio at mabilis na umiwas sa dagger na napunta sa direksyon nito. 

Sabay-sabay din silang umiwas ng makitang mayroon ding patungo sa kanila.

"Is this part of the game?" Tanong ni Orio habang nakatago sa kabila ng bato.

"F'ck!" Daing ni Primo ng may pwersang bumangga sa kanya.

Gumulong sila sa buhangin pero mabilis siyang nakabawi. 

"Supremo!" Sigaw ng kanyang mga kasama.

Susugod na sana si Primo sa taong sumugod sa kanya pero natigilan siya ng makita kung sino ito.

"Hurricane?"

Walang emosyon itong nakatingin sa kanya. Nabigla siya ng muli itong sumugod.

"Sh't! Stop it, Hurricane!" Sigaw niya ngunit patuloy ito sa pagwasiwas ng hawak na dagger.

Pilit naman siyang umiiwas sa liksi nito pero natisod siya sa nakausling bato. Kitang-kita niya ang dulo ng patalim na tatama sa kanyang mukha pero pilit niyang ibalanse ang katawan at hinuli ang kamay nito. Nagawa niyang ipagpalit ang kanilang pwesto kaya ito ang nakahiga sa buhangin.

"F'ck!" Muli niyang sabi ng nakaya nitong iangat ang kanyang katawan gamit ang paa nito.

Bumaligtad siya sa ulunan nito at naramdaman niya ang pagbagsak ng katawan sa buhangin. Hindi pa siya nakakabawi ng mabilis nitong iangat ang sarili patungo sa kanya. Lumanding ito sa kanyang baywang kasabay ng pagtutok nito ng patalim sa kanyang leeg.

...

...

...

"Very good!" Masayang sabi ni Dario habang pinapanood ang nangyayari sa pagitan ni Hurricane at Supremo. "Sadyang kahanga-hanga ang kakayahan ng Lead Council," Puri nito sa babae.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now