Chapter 11

926 57 4
                                    

Aminado si Primo na nakuha ng pisikal na anyo ni Rica ang kanyang atensyon. Kitang-kita ang makinis nitong balikat at binti sa suot na tube dress. Pilit niyang itinuon ang atensyon sa laptop habang kausap ang kanyang Team. Lihim silang nagpapalitan ng mensahe tungkol sa babae. 

'Someone is protecting her informations, Primo.' Mensahe mula kay Ryz. 

Nasabi na nito sa kanya ang nangyari kanina.

'Leave it to me. Focus on your task,' Reply niya bago isara ang laptop. 

Tiningnan niya ang babaeng kasama sa silid. Prente itong nakasandal at nakapikit sa sofa. At first he was uncomfortable to be with someone in his room lalo pa't walang koneksyon sa kanyang grupo o personal niyang kakilala. Ngunit pagkatapos ng nangyari kanina sa game, nagbago ang tingin niya sa babae. He doesn't expect her to be that strong. 

Nagulat siya sa ginawa nito. Hindi niya rin inaasahan na mabilis siyang sasang-ayon sa sinabi nito kahit iyon ang unang beses na binigyan siya ng isang utos. 

He is Supremo, the leader of his own Mafia. He gave commands and orders to his fellow man but he never allowed anyone to order him, but this girl managed to do it. 

Ibinaba niya ang laptop sa coffee table at pumikit. Naalala niya ang nangyari kanina. 

Her determined eyes habang nakatingin sa papalapit na gumuhong bakal. He's looking at her ng ihagis niya ito sa ire. Walang pag-aalinlangan o takot siyang nakita sa mga mata nito. Kahit ng ibigay nito ang isang hamon sa kanya na alamin ang katauhan nito. Mararamdaman ang kakaiba nitong presensya na siyang ikinagulat niya. Sa mga nangyaring iyon, alam niyang hindi pangkaraniwan ang katauhan ng babae. Kapag nagkataon, alam niyang hindi magiging madali ang lahat kapag nalaman niya ang na sa likod nito para kunin ang diamond ring. 

Muli siyang nagmulat at tumingin dito. Ganoon pa rin ang pwesto nito habang nakapikit. Tumayo siya at lumapit dito sa pag-aakalang nakatulog na ang babae. Naintindihan niya ang exhausted nito kanina, dahil ramdam din niya ang bahagyang sakit sa kanyang binti. He feels what she feel, but it wasn't the same compare to her.

Yumukod siya para buhatin ito at ilagay sa kama niya. Mas komportable iyon para rito saka na lang niya ipapalipat ang higaan nito sa kanyang kwarto, nang sa gayon ay makapagpahinga na rin siya. Titiisin na muna niyang na sa paligid niya ang babae hanggang makahanap siya ng paraan kung paano alisin ang kadena.

Hahawakan na sana niya ito ng magulat siya sa bigla nitong pagkilos.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito habang natuod naman siya. Hindi siya makakilos ng maramdaman ang labi nito malapit sa labi niya. It wasn't considered as a kiss but he feels the same like it was a real kiss.

Kusa na siyang lumayo bago pa siya nito maitulak.

"It wasn't my intention. I thought your asleep and I plan to bring you to the bed," Paliwanag niya bago pa ito mag-freak out katulad noong aksidente siyang nasubsob sa dibdib nito. That thought makes his face hot, pero hindi siya nag-iwas ng tingin dito. Sa halip, ito ang hindi makatingin sa kanya. Nagsimula iyon ng lumabas siya mula sa restroom ng walang pang-itaas. "Come with me, I'll get some shirt." Muli niyang sabi.

He's not heartless para panatilihin ang uncomfortable nitong sitwasyon.

Walang imik itong tumayo at sumunod sa kanya.

Naghanap si Primo ng pwedeng isuot na damit sa closet na naroon. Wala na siyang nakita na customized shirt tulad noong unang araw na magkaroon sila ng electric chain. Marahil wala na ang kadena sa kanilang paa kaya hindi na sila binibigyan ng customized shirt.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now