Chapter 22

892 57 14
                                    

Tatlong buwan makalipas ang nangyaring devil's game, kasalukuyang na sa pagpupulong si Primo kasama si Manzo at Onix sa harap ng Mafia Council. Ipinatawag sila nito kaugnay sa kanilang misyon na hulihin si Nox. Isang semi round table ang na sa harapan nila kung saan nakaupo ang limang miyembro ng council maliban sa dalawa na wala ngayon. Nakaupo naman sila sa harapan ng mga ito. 

Ang Mafia council ay mga miyembro rin ng iba't-ibang Familia kung saan sila ang nangangasiwa sa mga patakaran at alituntunin sa loob ng Mafia. Mayroon itong limang miyembro maliban sa Head at Lead. Ang dalawang iyon ang pinakamataas sa Council. Ang Mafia Head Council ay walang kaugnayan sa kahit anong Familia pero isang makapangyarihang tao sa mundo. Ito ang kinatatakutan ng kahit sinong miyembro ng Mafia, council man o familia. Ngunit ang Lead Council ay siyang nagpapatupad sa alituntunin sa loob ng Council katuwang ang Head Council. Hindi nakikialam sa usapin ng bawat Familia ang Lead Council. Hindi rin ito nagpapakita sa tuwing may pagpupulong na may kaugnayan sa Familia. Sinasabing kapantay lang nito ang kapangyarihan ng Head Council ngunit napaka-misteryoso nitong tao sapagkat Council members lang ang tanging nakakaalam kung sino ito. 

"According to your team's report, isang nagngangalang Devileigh Storm ang pumatay kay Noxious," Simula ng Third Council mula sa Labeirg Famila, si Ginoong Dario Labeirg. "At isa rin siya sa miyembro ng Mafia reapers pero namatay din ito ng sumabog ang Devil ship." Ibinaba ng matanda ang hawak na papel at tumingin kay Supremo. "How can you justify that Nox already dead without a concrete evidence?" 

"Sang-ayon ako kay Ginoong Dario," Segunda ng Fourth council. Si Madam Vertudis Veroquiex. "Mas mabuti kung patay na talaga si Nox pero ayon sa report kulang ang mga nakalap niyong pruweba para maniwala kaming totoong patay na siya. Maging isang witness wala kayong nadala,"

"Madam Vertudis, ang lahat po ng witness ay kasamang namatay sa pagsabog ng ship." Sagot ni Onix na nakaupo sa kaliwa ni Primo.

"Ngunit hindi iyon maaaring dahilan para maniwala kaming patay na talaga si Nox," Giit ng matanda.

"Mayroon po kaming nakuhang audio mula sa ship para patunayan ang bagay na iyon," Sagot naman ni Manzo na nakaupo sa kanan ni Primo.

Nananatili namang tahimik si Primo at nakikinig sa mga sinasabi ng council.

"Hindi sapat ang audio lang kung wala namang video," Pagpupumilit ni Ginoong Dario.

"Noxious is nowhere to be found for the last three years we handle the investigation," Komento ni Primo.

"Don't make excuses Supremo! Are you still fit being a Mafia leader? You can't even catch a mere criminal?" Mapanghusgang tanong ni Ginoong Dario.

"Then tell me, Third Council. How can you catch at dead criminal?" Seryosong tanong ni Primo.

Natahimik naman ang matanda pero halata ang galit nito kay Primo. Ito ang laging nangunguna sa panggigipit sa kanilang Familia na halatang hindi sang-ayon sa kanyang pamumuno. Kahit council ito, wala pa rin itong karapatan para pangunahan ang paraan ng kanyang pamumuno kung naaayon naman iyon sa itinakda nilang alituntunin.

"I heard about the ring from Leticia," Nawala ang tensyon sa pagitan ni Primo at Third Council ng magsalita ang First Council. Ang ikalawang pinakamataas sa Head Council at ama ni Leticia, si Ginoong Andilon Klentiu.

Nakuha rin ang atensyon ng ibang Council at naghihintay sa susunod na sasabihin ni Ginoong Andilon.

"How the ring stole from your custody, Supremo?" Tanong nito.

Nagulat naman ang ibang Council member sa narinig. Hindi inaasahan ng mga ito na makukuha ang singsing sa kanyang pangangalaga.

"That ring is the Mafia hidden gem. Naroon ang impormasyon ng bawat Familia. Bakit hinayaan mong makuha 'yon, Supremo?" Mataas na tonong tanong ng Second Council, si Madam Labra Orliandiz.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now