Chapter 38

946 51 1
                                    

"H-hurricane," Kinakabahang sabi ni Primo habang nakatingin sa walang emosyon nitong mga mata.

"Supremo!"

Mabilis umiwas si Hurricane sa inihagis na patalim ni Manzo. Tumayo agad si Primo at tiningnan ang babae. 

"Hurricane, stop it! Hindi tayo magkalaban dito!" Pakiusap ni Lassy sa babae. 

"Lassy is right. We're not enemies, Hurricane," Nakikiusap din niyang sabi ngunit wala itong plano makinig sa kanila.

Magkasunod nitong sinugod si Manzo at Lassy.

"Argh!" Daing ni Manzo ng tamaan ito ng atake ni Hurricane.

Agad naman siyang lumapit ng patungo ito sa direksyon ni Lassy.

"Hurricane, stop!" Hinarang niya ang sarili sa atake nito. Pilit niyang hinuhuli ang kamay nitong may hawak na patalim pero likas itong mabilis. "If you want to kill me, then do it!" Sambit niya at hinayaan itong atakihin siya. Hindi niya iniwas ang sarili sa patalim nito na tutusok sa kanyang dibdib. 

"Supremo!" Narinig niyang sigaw ng kanyang mga kasama. 

Naramdaman ni Primo ang tulis ng patalim sa kanyang balat. Nanatili ang tingin niya kay Hurricane na tila nabigla rin sa ginawa. 

"Just kill me," Bulong niya rito. 

Hinawakan niya ang pulsuhan nito para idiin ang patalim sa kanyang dibdib.

"Bullsh't!" Malakas nitong sabi.

Nagulat si Primo ng bawiin nito ang patalim at itinapon pero hindi niya naiwasan ng dumapo ang kamao nito sa kanyang mukha. 

"Why didn't you fight?!" Galit nitong sigaw sa kanya. 

"I can't hurt you, Sweety. I can't," Mahinahon niyang sagot. 

Kahit iyon ang tanging paraan para manalo siya sa larong ito, hindi niya gagawin. Hinding-hindi niya sasaktan si Hurricane. 

"Idiot!" Hinaklit nito ang kwelyo ng kanyang damit. "Papatayin na kita hindi ka pa rin lumalaban? Nasisiraan ka na ba?!" 

"If that makes you safe, I'm willing to sacrifice myself." Malungkot niyang sagot.

"You can't die, Primo! You heard me? You can't die!" Malakas nitong sabi. 

Malungkot siyang ngumiti sa pinapakita nitong ekspresyon. May kakaibang saya ang umusbong sa kanyang puso na tila ayaw nitong mawala siya. Nakakalungkot lang sapagkat hindi na sila maaari pang magsama. 

Inangat niya ang kamay at pinahid ang luhang umagos sa pisngi nito. 

"Why are you crying?" Masuyo niyang tanong habang marahan itong hinahaplos sa pisngi.

Lumambot ang expression nito at inalis ang pagkakahawak sa kanyang kwelyo. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay at idiniin ang pisngi nito roon.

"I'm sorry,"

Hindi napigilan ni Primo ang sarili. Kinabig niya si Hurricane sa isang yakap. Napapikit siya ng maramdaman ang init ng katawan nito sa kanya. He finally felt his world again.

"You're not at fault, Sweety." Bulong niya rito. "Let's find our way out together,"

"No!"

Nagulat si Primo ng bigla itong humiwalay sa yakap niya. Muli nitong kinuha ang patalim at mahigpit nitong hinawakan 'yon. 

"Go on," Malungkot na ngiti ang ibinigay niya rito.

Kitang-kita niya ang pagdadalawang isip sa mukha nito habang nanginginig ang kamay. Ngayon nahuhulaan na niya ang totoong plano ng Council. Gusto nilang gamitin si Hurricane para makuha ang kanyang pwesto. Alam ng mga ito na hindi niya kayang saktan si Hurricane kaya iyon ang kondisyon na lumabas sa monitor para manalo siya sa larong ito. 

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now