Chapter 10

971 62 2
                                    

After a peaceful lunch nagtungo ang ROOM mates sa silid ni Ryz.

"Hindi ata ako natunawan kanina," Sambit ni Orio habang hinihimas ang tiyan. Nakaupo ito sa nag-iisang sofa sa silid ni Ryz katabi si Manzo. "Ngayon nagsisisi na ako kung bakit sumabay ako sa kanila mag-lunch," Dugtong nito tukoy kina Primo at Hurricane.

"That was an intense meal I ever had," Sambit naman ni Onix na nakaupo sa gilid ng higaan ni Ryz katabi ang busy na kaibigan sa harap ng laptop nito. 

"Naramdaman nyo ba ang nakakakilabot nilang aura ng tanggapin ni Supremo ang may dugong kamay ni Rica? Para silang nakipagkasundo kay kamatayan. Nakakakilabot talaga," Muling sabi ni Orio.

"Kahit tahimik sila during lunch, ramdam pa rin ang nag-uumalpas nilang aura. Hindi ko inaasahan na nararamdaman ko rin iyon kay Ms. Hurricane," Muling sabi ni Onix. 

Hindi sila maka-move-on sa nangyari kanina. 

"She's getting Primo's attention," Seryosong komento ni Manzo. 

"Hindi rin natin masisisi si Primo. Napaka-interesante naman talaga ng pagkatao ni Ms. Hurricane. Kahit ako, gusto ko pa siyang makilala ng lubusan," Sagot ni Onix. 

"And she's cute," Komento rin ni Orio habang nakangisi. 

"Don't forget, she's the diamond ring thief. Kung suswertihin siyang mabuhay pagkatapos nating mabawi ang singsing, siguradong kamatayan pa rin ang magiging hatol sa kanya." Paalala ni Manzo. 

Natahimik ang dalawa pero naagaw ang atensyon nila ng sumigaw si Ryz. 

"D'mmit!" 

Lumapit naman ang tatlo sa kaibigan.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ni Onix habang nakasilip sa ginagawa ni Ryz. 

"I'm trying to find out Hurricane's identity using her finger prints," Sagot ni Ryz.

"Congrats bro! Nakuha mo rin ang fingerprints niya!" Masayang sabi ni Orio. 

"Yeah... and her informations are loading." Nakangiting sabi ni Ryz. Proud na proud siya sa ginawa kahit muntik na siyang mabulilyaso kanina. Mabuti na lang dumiin ng kusa ang kamay ni Hurricane sa kanyang braso kaya hindi na siya nahirapan. Kahit medyo masakit iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. 

"Complete na!" Excited na sabi ni Orio.

Nakangiti si Onix habang seryoso naman si Manzo na nag-aabang sa lalabas na informations tungkol sa babae.

Binuksan ni Ryz ang complete data ng files ni Hurricane. Unang lumabas ang larawan nito kaya tuwang-tuwa sila dahil sa wakas, malalaman na nila ang katauhan nito. Magiging madali na ang susunod na hakbang para malaman kung sino ang nag-utos sa babae para kunin ang diamond ring.

Sunod nilang nakita ang pangalan ni Hurricane habang blurred pa ang ibang detalye tulad ng apelyido nito.

"Mahina ba ang connection sa kwarto mo, Ryz?" Naiinip na tanong ni Orio. Ang tagal kasing lumabas ng mga informations.

"Sa tingin ko may problema sa laptop niya. Kanina pa 'yang blurred e," Sambit naman ni Onix.

"Maybe sadyang ganyan ang files niya," Komento ni Manzo.

"Lilinaw din 'yan," Kumpyansang sabi ni Ryz.

Mataman silang naghintay ng biglang nag-blink ang larawan ni Hurricane kasunod ng mabilis na pag-scroll up ng mga letra.

"What's happening?" Tanong ni Ryz habang pilit pinipigilan ang mabilis na pagtaas ng mga letra sa pamamagitan ng pagpindot ng iba't-ibang kumbinasyon sa keyboard. Sobrang bilis noon na hindi nila masundan ang nakasulat na informations. 

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now