Chapter 17

887 51 3
                                    

"May laptop ka ba na pwede kong magamit?" Tanong ni Hurricane ng lumabas sila sa silid.

"Dala ni Ryz ang nag-iisang laptop dito," Sagot ni Lassy, "Meron ditong tablet, pwede na ba 'yon?"

Ipinakita nito ang nakuhang tablet mula sa isang bag.

"Anong lamang niyan?" Curious niyang tanong habang nakatingin sa bag.

"Weapons. Kinuha nila ito for emergencies,"

Tumango na lang si Hurricane.

"Let me have it," aniya.

Binigay ni Lassy ang tablet sa kanya. Kaagad naman niya iyong binuksan.

"Saang parte ba tayo ng barko, bakit walang signal dito?" Tinaas pa niya ang hawak na gadget, "Ouch!" pero napangiwi siya ng kumirot ang sugat sa braso.

"Let me," Presenta ni Lassy.

Muli niyang iniabot ang tablet kay Lassy. Ito ang nagpaikot-ikot sa kinaroroonan nilang lugar para lang humanap ng signal.

"Mukhang kailangan nating lumabas," Suhestiyon ni Lassy.

"Let's bring some weapon," sang-ayon niya.

...

"I think, this is not a good idea." Mahinang sabi ni Lassy habang nagkukubli sila.

Makakasalubong kasi nila ang tila nagrorondang mga guwardiya. Armado ang mga ito kaya napilitan silang magtago. Hindi nila intensyon ang makipaglaban sa ngayon kung kaya naman nilang iwasan.

"Wala pa ring signal sa lugar na ito," Mahina niyang sabi. "Subukan natin parteng iyon," Turo niya sa pinanggalingan ng mga guwardiya.

"It's dangerous," Kontra nito sa kanya. "Nakita mo naman 'di ba? Doon lumilitaw ang mga guwardiya at siguro alam mong hindi lang sila basta gwardiya," Dugtong nito.

Yes. Hindi lang iyon basta guwardiya sapagkat katulad ng uniporme nito ang suot ng mga nakalaban nila. Kung simpleng guwardiya ito tulad sa normal na barko, hindi sila nagtatago ng ganito.

"Ikaw ang magiging lookout ko," Muli niyang sabi. "Let's go!"

Wala rin nagawa si Lassy kundi sumunod sa kanya.

"Stop!" pigil niya rito, "Mayroon na rito."

"Are you serious?" Hindi makapaniwala nitong tanong. "Can't you see how open this space is? Kung may lilitaw na kalaban, wala tayong pagkukublihan."

Alam niya iyon, pero wala siyang pagpipilian.

"I'll make it fast," sagot niya bago sinimulan ang gagawin.

Naninibago siyang gamitin ang tablet sa ganitong klase ng gawain. Karaniwan niya lang itong gamit kapag kanyang hina-hack ang mga CCTV without using their site.

"Matagal pa ba 'yan?" Naiinip na tanong ni Lassy. Alerto ito sa paligid.

"Almost there," seryoso niyang sagot. "Oh, no!"

Mabilis lumapit si Lassy sa kanya.

"Why?" Nag-aalala nitong tanong.

"Ryz system already enter,"

"Huwag ka ng magtaka. Ryz is our Security Department Head kaya maaasahan siya sa ganyang bagay," May pagmamalaki nitong sabi.

"I know." sang-ayon niya sa sinabi nito dahil alam niyang totoo iyo. Hindi mapapasok ang system ng barko kung hindi magaling ang hacker. "But it's not a problem."

Devil's GAMEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt