Chapter 30

980 54 16
                                    

"What are you doing here?" Seryosong tanong ni Primo kay Leticia ng makitang naghahakot ito ng gamit sa mansyon niya.

"Hello there, Primo!" Nakangiti nitong bati sa lalaki. "I'll stay here with you,"

Akala niya maayos na ang linggong dumaan na wala ang babae pero narito na naman ito. 

"I have an agreement with your Father. You can't stay here." Malamig niyang sabi.

"Oh, Primo! Why are you treating me like this? I'll be your wife!" Diin nito sa kanya.

"We're not getting married until you gave birth to my child,"

"What?" Gulat nitong tanong.

"You heard me right,"

Napansin ni Primo ang takot sa itsura nito pero hindi na lang niya iyon pinansin. Wala siyang panahon para pagtuunan ito ng pansin.

...

...

...

"May problema tayo!" Mahinang sabi ni Leticia sa kabilang linya. Nagpunta siya sa likod ng mansyon para kausapin ito.

"Anong problema?"

"Hindi ako pakakasalan ni Primo kung hindi ako magsisilang ng sanggol!"

"Hindi naman 'yun problema, Baby. E, di akitin mo si Supremo!"

"What? Nasisiraan ka na ba?" Malakas niyang tanong sa lalaki. "Hindi ito isang biro!" 

"Hindi ako nagbibiro, Baby. Iyon din ang paraan para makapasok ka sa kwarto niya," 

Muling napangiti si Leticia. Minsan gumagana rin ang utak ng lalaking 'to.

"Reminder, Baby." Dugtong nito. "Don't moan my name,"

"As if! Baka mas magaling sa'yo si Primo." Taas kilay niyang sabi kahit hindi nito nakikita, "Thank you for your suggestion. Matagal na rin naman akong natatakam kay Supremo,"

"What? Hey-"

Pinatay na niya ang tawag at nakangiting naglakad pabalik sa loob. Sisimulan niya ngayong gabi ang kanyang plano.

...

...

...

Ilang oras ang ginawang pagbabad ni Leticia sa kanyang katawan bago umahon sa bathtub. Pinili niya ang itim na lingerie para isuot. Halos ubusin niya ang bagong biling perfume sa katawan. Pinagmasdan muna niya ang sarili sa harapan ng salamin bago isuot ang manipis na bathrobe. Sinadya pa niyang hanapin ang bathrobe na ito para sa kanyang plano ngayong gabi.

Napangiti siya ng makita ang oras. Tamang-tama dahil 7:00 o'clock dumadating si Primo. Lumabas siya ng silid para salubungin ang pagdating nito. Gusto niyang siya ang una nitong makikita pagbukas ng pintuan.

Narinig niya ang paghinto ng sasakyan pagbaba niya sa hagdan. Tumakbo pa siya patungo sa pintuan para salubungin ito.

"Ay, Ma'am! Bawal ka pong tumakbo!" Pigil sa kanya ng matandang maid.

"Umalis ka diyan!" Singhal niya rito ng harangan siya.

Natatakot naman itong umalis sa harapan niya.

Dumiretso siya sa pintuan at nakangiting sinalubong si Primo.

"Welcome home!" Masaya niyang bati.

Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Sinamantala naman niya iyon at lumapit dito. Hahawakan na sana niya ang braso nito pero umiwas ito.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now