Chapter 7

1K 56 6
                                    

"Nagawa niyo ba?" Salubong na tanong ng babae kina Cyan at Chris, ang dalawang lalaki na nagpunta sa silid ni Hurricane.

"Yes," Sagot ni Cyan ang seryoso sa dalawang lalaki na siya ring naglagay ng kadena kay Hurricane. 

"At hindi naging madali ang sakripisyo ko," Natatawang sabi naman ni Chris. Siya ang naglagay ng connected chain kay Supremo. Nagawa pa siyang atakihin ng lalaki kahit nanghihina. He's the Mafia Supremo, so it was expected. 

"Are you sure about her?" Seryosong tanong ni Cyan. "We can help you here kung hahayaan mo lang kami,"

"You already did a great help for me and I'm thankful about it," Sagot ng babae. 

"Pero Ley, you suffered here a lot!" Muling sabi ni Cyan.

Naging seryoso rin ang itsura ni Chris habang nakatingin sa kaibigan.

"I deserved this. I am the cause of her pain and I do everything just to make her happy even I suffer." Nakangiti nitong sagot kahit may bahid ng kalungkutan sa mga mata. "Hindi pa naman ako nagtatagal dito." Dugtong nito.

"Kahit hindi ka pa nagtatagal na loob ng bakal na 'yan, still you suffered enough dahil sa kapatid mo." Sambit naman ni Chris.

"I killed her beloved, Chris..."

"It's not your fault! That's your job!" Putol ni Cyan sa sasabihin nito.

"But still... I killed him," Malungkot nitong sabi.

Nagtangkang lumapit ang dalawa sa kulungan ng kaibigan pero pinigilan ito ng babae.

"Don't. The voltage is on."

Halata ang galit sa itsura ng dalawa pero wala silang magawa. Their friend Ley is caged inside a voltage cell. Hindi talaga ito hahayaang makatakas o makalabas man lang ng kapatid.

"What's your plan about Supremo?" Paglilihis sa usapan ni Cyan. 

"I know they're up to something. Hindi sasali ng personal sa palarong ito si Supremo kung wala siyang motibo. Hurricane needs to be safe until the right time. Makakatulong si Supremo sa kanya lalo pa't nakuha ni Hurricane ang atensyon ng namumuno sa barko ngayon." Sagot ng babae.

"Who is Hurricane?" Hindi maiwasang tanong ni Chris. Wala silang ideya kung sino ang babae pero mataas ang kumpiyansa ng kaibigan dito. 

"She's a girl you won't expect her to be." Makahulugan nitong sagot. 

Natahimik naman ang dalawa. 

"I still have access inside this ship." Muling tumingin si Cyan at Chris sa kaibigan. "I know what is happening but I don't have control. Make sure to protect the innocent as much as you can but you need to be careful. Don't leave your eyes with Hurricane, she can help us soon. Please take care of yourselves brothers." Paalala nito sa dalawa.

"Ang tagal nating hindi nagkita tapos dito lang tayo magkakasama. You become selfish Ley," May hinanakit sa boses ni Chris ng sinabi iyon.

"I know and I'm sorry," Sambit nito at tinalikuran ang dalawa. Isang senyales na tapos na silang mag-usap.

Wala namang nagawa ang dalawa at umalis na rin sa kinaroroonan ng selda ni Ley. Binaybay nila ang sikretong daan para hindi sila mabuking na binibisita ang kaibigan.

Pagkaalis ng dalawa, kinuha naman ni Ley ang isang gadget sa ilalim ng kanyang higaan. Pinagmasdan niya ang larawang naroon. 

"Hurricane Versalles, your time will start soon. Good luck, Princess."

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now