Chapter 1

1.3K 65 5
                                    

Hinapit ni Hurricane ang suot na roba sa katawan ng maramdaman niya ang pagtaas ng klima sa lugar. Hindi pamilyar sa kanya ang lokasyong ito pero kung pagbabasehan ang natural na klima sa bansa, masyadong malamig sa kinaroroonan nila.

Madilim sa labas pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga nagtataasang mga puno. Alam din niyang hindi nag-iisa ang bus na sinasakyan nila. Mayroon silang sinusundan at kasunod na mga sasakyan. Hindi na rin niya problema ngayon ang kanyang sikmura dahil may binigay kaninang sandwich and bottled water sa bus.

Pumikit siya ng dalawin ng antok. Karamihan din naman sa mga kasama niya ay natutulog, kaya pinasya na rin niyang magpahinga kahit konti. Hindi na niya namalayan at tuluyan na siyang nakatulog.

...

Nagising si Hurricane sa ingay ng paligid.

"Wow! I'm super excited!" Tili ng isang babae.

"I never expected that this is going to happen in my life!" Nagagalak namang segunda ng isa.

Curious namang tumingin sa labas ng bus si Hurricane. Kumunot ang noo niya sa pagtataka ng sumalubong ang asul na kalangitan sa kanya. Kung pagbabasehan ang lokasyon, maaaring na sa mataas na bahagi ang kinaroroonan nila.

Muli niyang hinapit ang roba ng tumayo. Hindi na siya nag-abalang ayusin ang kanyang buhok na bahagyang nagulo. Secured naman ang nag-iisang armas na nadala niya sa loob ng roba. Ibang-iba ang kanyang kasuotan sa lahat ng kasama niya. Mapapansin ang postura ng mga kababaihan na tila pupunta sa isang engrandeng party. Ganoon din sa kalalakihan na pormang-porma.

Sumunod si Hurricane sa pagbaba ng kanyang mga kasama. Malamig na marble floor ang naramdaman niya sa walang sapin na paa. Inikot niya ang paningin sa nakahilerang mga bus sa paligid. Bumababa na rin ang sakay niyon. Ngayon mas nakikita ang dami ng gustong lumahok sa paligsahan na wala siyang ideya kung anong klase ng palaro ang magaganap. 

Mula sa kinatatayuan ni Hurricane, mapapansin ang napakataas na pulang pader. Bukod doon wala ng makikita maliban sa asul na kalangitan.

"Ang ganda!!!" Namamanghang sabi ng babaeng malapit sa kanya.

Nagtataka naman siya kung alin ang sinasabi nitong maganda, wala namang interesanteng bagay ang na sa paligid.

"My gosh, look!" Tili na naman ng isang babae habang may itinuturo. Sinundan niya iyon ng tingin at nakita niya ang isang lalaking malawak ang ngiti. "It's Nate Casseus Smith, he is one of the Bachelor's in town!"

Bahagyang napaatras si Hurricane ng tumalon at tumili ang kababaihan sa kanyang unahan. 

"Casseus, please be mine!"

"Casseus, pakasalan mo ako!"

"Anakan mo ako, please!"

What the...?

Napanganga na lang si Hurricane sa isinisigaw ng kababaihan.

"I'm yours!"

Mas nagsigawan ang mga kababaihan sa sinagot ng lalaki.

"Shut up, Bitches!" Mataray na boses naman ang nagpatahimik sa mga babae.

Nakita ni Hurricane ang isang blonde girl, maputi ang balat, balingkinitan ang katawan na may malditang itsura. Taas kilay itong tumingin sa mga tumitiling babae kanina at tila modelong nagtungo sa tinitiliang lalaki.

"Hello handsome, I'm yours. Want to be mine?" Mapang-akit nitong tanong.

Iba't-ibang reaksyon naman ang narinig mula sa mga kababaihan ng bigla na lang itong halikan ng lalaki.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now