Chapter 26

887 46 3
                                    

"What do you think about this one?" Tanong ni Leticia kay Primo habang nakaupo ito sa labas ng fitting room.

Sinamahan ni Primo sa pagsa-shopping ang babae dahil sa kasalanan niyang hindi ito hinatid pauwi. Ilang beses na itong pabalik-balik sa fitting room habang sinusukat ang mga damit na hawak ng limang sales lady.

"It's good," Sagot ni Primo.

Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na niya iyong nasabi.

"Really? I'll get this one. Next!" Turo nito sa hawak ng isang sales lady bago muling bumalik sa fitting room.

Nahilot ni Primo ang sentido.

"Honey, what happened to you? Are you tired?" Hindi niya namalayan na muli itong lumabas at lumapit sa kanya.

"Yes. Sa ibang araw ka na lang bumalik dito," Mahinahon niyang sagot.

"Okay, no problem." Lihim na nagpasalamat si Primo ng hindi na ito nagmatigas pa. "I'll get all of them," Sambit nito sa mga sales lady, "Honey, pay it for me." Lambing nito sa kanya.

"Alright," Sang-ayon niya para makaalis na lang sila.

"Yey! Thank you Honey!" Masaya nitong sabi.

"Ang swerte mo naman Ma'am sa boyfriend mo. Gwapo na, napakabait pa!" Puri ng isang sales lady.

"Of course! And correction, he's my soon to be husband!" Pagmamalaki nito sa mga babae.

Halata naman ang inggit sa mga ito.

...

...

"Let's drop this bags in my place and I'll come to your house," Anunsyo ni Leticia habang nagmamaneho si Primo.

"Okay," Seryosong sagot ni Primo.

Wala rin naman siyang magagawa kundi pumayag dahil kung hindi, gigipitin na naman siya ng Council sa pangunguna ng Ama nito. 

"Nakapili ka na ba ng magandang petsa para sa ating kasal?" Muling tanong ng babae.

"Not yet," Tipid niyang sagot.

"I'm thinking about next month during the Lucky Festival. Everyone said it's lucky just like its name,"

"Okay," Sagot niya.

"Primo, are you serious about this marriage? Bakit parang balewala lang sa'yo?" Galit nitong tanong.

Kinabig ni Primo ang manibela sa tabi ng daan at itinigil ang sasakyan.

"Are you sure you're asking me that question, Leticia?" Seryoso niyang tanong.

Parang natauhan naman ang babae at alanganing ngumiti.

"I know you're excited to have me. Don't worry, I'll take care of everything."

Hindi sumagot si Primo at muling pinaandar ang sasakyan.

Tulad ng sinabi ni Leticia, dumaan muna sila sa bahay nito at ilang oras pa ang kanyang hinintay bago sila muling umalis. He can't imagine how the girls change their clothes dahil sobrang tagal niyang naghintay kay Leticia ng magpalit ito ng damit.

...

"Hello everyone!" Malakas na bati ni Leticia ng pumasok sila sa loob ng mansyon.

Nakaupo sa sala ang grupo ng ROOM mates maging si Lassy. Nagtataka ang mga ito kung bakit naroon ang babae. Kibit balikat lang ang sagot sa kanila ni Primo.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now