Chapter 5

1K 60 9
                                    

"Ouch!" Daing ni Hurricane ng maramdaman ang sakit ng pagsalpok sa taong nakasalubong.

"I'm sorry, hindi kita nakita. What happened? Bakit may narinig akong pagsabog?" Tanong ng lalaki habang inaalalayan siyang tumayo. 

Tumingin si Hurricane sa lalaki. Namukhaan niya ito, kung hindi siya nagkakamali isa ito sa miyembro ng tinatawag na ROOM mates. 

"Who are you?" kunot noo niyang tanong. 

Ngumiti ang lalaki kaya lumitaw ang dimples nito sa magkabilang pisngi. 

"I'm Onix," Nilahad pa nito ang kamay sa kanya. 

Hindi naman siya pinalaking bastos pero minsan umiiral ang pagkabastos niya at hindi iyon umiiral ngayon. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito na mabilis rin niyang binitawan. 

"Rica," 

"So Rica, what happened over there?" Muli nitong tanong. 

"May nalitson sa restaurant. Mali yata ang paraan na ginamit kaya may sumabog," sagot niya. 

Tumango-tango naman ito na tila naniniwala sa kanyang sinabi. 

"Oh, I see." 

Humingi muna siya ng paumanhin sa lalaki bago ito talikuran. Hindi pa siya nakakadalawang hakbang ng marinig ang boses ni Captain Jack sa speaker. 

"Players, we have a winner for today's game."

Kumunot ang noo ni Hurricane sa narinig. 

"Hindi ko alam na may nangyaring palaro ngayon," Nagtataka namang sabi ni Onix. 

"Congratulations Mr. Kilowa for having  four snake bites." Muling sabi ni Captain Jack. "To claim your prize, please tell us now."

Nanatili namang nakatayo si Hurricane at Onix habang pinakikinggan ang sinasabi ni Captain Jack. Hindi naman nila alam kung nasaan ang tinutukoy nitong lalaki. 

"Is that your final decision? You want medicine, not a luxury item for you?" Muling sabi ni Captain Jack.

Hindi na kailangan hulaan ni Hurricane kung bakit gusto ng lalaki na makakuha ng gamot. Siguradong dahil iyon sa kagat ng ahas. 

"Alright. The medicine will be delivered to your room. Do you want a company to apply the medicine for you? Just name it." Saglit tumahimik si Captain Jack. Marahil nagsasalita ang kausap nito na nanalo sa laro ngayon. 

"Anyone from your friends and family is possible. It's your prize." muling sabi ni Captain Jack. 

Napataas ang kilay ni Hurricane. Pwede pala silang humiling na makita ang isa sa pamilya nila kung sakaling manalo sa isang laro. 

"Copy that Mr. Kilowa. Your girlfriend will be here tonight." Sambit ni Captain Jack.

"I never thought it's possible," Komento ni Onix.

"I think everything is possible here." sagot niya.

"Before I forgot," Muli na namang nagsalita si Captain Jack. "Miss Hurricane," Napatayo ng tuwid si Hurricane ng marinig ang pangalan. "This is the second time you destroyed Devil's facility. One more time and you'll be punish."

Naghanap muna si Hurricane ng camera sa paligid. Nakita naman niya iyon sa itaas ng likurang bahagi ni Onix.

Ngumisi siya mismo sa camera.

"Maging patas ang pakikitungo niyo sa akin at huwag niyo akong pag-initan. Kapag nasagad ang pasensya ko, hindi lang facility ang sisirain ko. Pasasabugin ko pa ang buong barko nyo!"

Devil's GAMEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें