Chapter 31

922 48 1
                                    

"Sir, narito po ulit si Ma'am Leticia." Sambit ng katulong na kausap ni Primo sa kabilang linya.

Hinilot ni Primo ang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa pangungulit ni Leticia na dumagdag pa sa mabagal na daloy ng trapiko ngayon. Tinawagan niya ang katiwala sa Mansyon upang ipaalam na hindi siya makakauwi ngayong gabi. Masyadong delikado ang daan kung magpapatuloy siya sa biyahe. 

Hindi siya tinitigilan ni Leticia sa loob ng apat na taon simula ng malaman nitong wala na ang agreement sa pagitan nilang dalawa. Napatunayan din niyang hindi ito nagdadalang-tao at kung buntis ito, siguradong hindi iyon sa kanya. Hindi na niya ginawang big deal ang kasinungalingan nito dahil sa pakiusap ng First Council. Para sa ikatatahimik ng lahat, hinayaan na lang niya ang babae ngunit patuloy pa rin itong lumapit sa kanya. Mas naging agresibo ito sa paglipas ng mga taon. Minsan siya na lang ang hindi umuuwi sa sariling bahay para iwasan ito dahil doon siya inaabangan ng babae. 

"Tell her to leave if she insist, tell the guard to throw her out." Utos niya sa katulong.

"Yes, Sir."

Bumalik ang atensyon ni Primo sa daan pagkatapos niyang makipag-usap sa katulong. 

"D'mmit!" Sambit niya ng lumakas ang ulan.

Sinubukan niyang tawagan si Quirie ngunit hindi ito sumasagot. Nagpadala na lang siya ng mensahe na pupunta sa bahay nito upang magpalipas ng sama ng panahon. Wala siyang pagpipilian dahil iyon lang ang maaari niyang puntahan ngayon. Hindi niya alam kung nasaan ang pinsan dahil alam niyang busy ang Council sa muling pagbubukas ng Devils Game for this year. Hindi naman problema kung pupunta siya roon ng walang paalam. May duplicate siya ng susi at minsan na rin siyang nakikitulog doon kapag iniiwasan niya si Leticia. 

Pagdating niya sa bahay ni Quirie ay napansin niyang bukas ang ilaw. Nakita naman niya ang pinsan na abala sa pagluluto pagpasok niya sa loob. Hindi na niya ito inistorbo pa at dumiretso siya sa ginagamit na silid sa bahay nito.

Pagbukas niya ng pintuan hindi na siya nagulat kung nakikita niya sa harapan si Hurricane. Hindi na ito bago sa kanya dahil sa paglipas ng mga taon, nakakasama niya ito maging sa kanyang panaginip. 

Mabilis siyang lumapit dito at niyakap ng mahigpit ang babae. Kahit sa ganitong pagkakataon, mayakap man lang niya ito. Kahit alam niyang mawawala na rin ito na parang hangin paglipas ng ilang segundo. 

"You're like a real one today. I miss you, Sweety." Sambit niya ng maramdaman ang init ng katawan nito. Langhap na langhap din niya ang nakakabaliw nitong amoy. 

Sa loob ng apat na taon, tandang-tanda pa rin niya ang nakakahumaling nitong amoy at ang init ng katawan nito na naghahatid ng abnormal na tibok sa kanyang puso. 

"P-primo,"

Nagulat siya ng marinig ang boses nito kaya mabilis siyang kumalas sa yakap dito. 

"You're real?" Gulat niyang tanong.

Hinawakan niya ang pisngi nito at pinagmasdan itong mabuti.

"Sh't! You're real!" Masaya niyang sabi at muli itong niyakap. "You aren't my imagination. You're real. You're really here!"

Muli niya itong nilayo sa kanya habang hawak ang magkabila nitong balikat. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang napakaganda nitong mukha, pero namalayan na lang niya ang pagbagsak sa sahig kasunod ng pagdilim ng kanyang paningin. 

... 

... 

... 

"Primo!"

Devil's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon