Epilogue

1.8K 80 66
                                    

"Is he coming here again?" Nakangusong tanong ni Rucan kay Hurricane.

"Yes," Tipid na sagot ni Hurricane sa anak.

"He doesn't want me. Why does he always want to get here?"

Tumigil si Hurricane sa pagbibihis sa anak. Hiniling ni Primo na ipasyal ang bata ngayon. It's been two weeks ng matapos ang kaguluhan at hindi rin ito pumapalya sa pagbisita sa kanila. Pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, pumupunta ito sa kanila upang suyuin ang kanilang anak. They're not living in the same roof but they reconciled.

Unti-unti na ring bumabalik sa dati ang Mafia. Nagtulungan sina Thunder, Primo, Drevon, Leticia and Quirie para muling ayusin ang lahat. Casseus asked for forgiveness to them. She's not heartless and forgive him. 

Patuloy naman ang construction ng pinapagawa niyang facilities para sa mga Orphan.

Binuhat niya ang anak at iniupo sa kama.

"He loves you. Don't you feel it?" Mahinahon niyang tanong sa bata.

Ngumuso lang ito at hindi sumagot.

"Like what I said to you before, your Dad didn't know your existence because I hid it from him. But now, he's trying to be with us." Paliwanag niya rito.

Nanatili itong nakanguso kaya pinagpatuloy niya ang pagbibihis dito. Saktong lumabas sila ng kwarto ay tumunog naman ang doorbell.

Napangiti si Hurricane ng tumakbo si Rucan sa pintuan. Pinapakita nitong ayaw sa Ama pero hindi maikakaila na palagi itong excited sa tuwing dumarating ang lalaki.

Binuksan nito ang pintuan.

"Why are you here?" Nakasimangot nitong tanong sa Ama.

Ngumiti si Primo at binuhat ang bata.

"I miss you, Son!" Masayang sabi ni Primo bago halikan ang anak sa noo. Bahagya rin nitong pinisil ang matambok na pisngi ni Rucan.

Nakasimangot pa rin ang bata pero hindi nito pinipigilan ang ginagawa ng Ama.

"Wait a moment, Son. I miss your Mom too," Binaba nito ang bata at lumapit sa kanya.

Nakangiti nitong pinulupot ang dalawang braso sa kanyang baywang at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"I can't wait to get my Son's approval, Sweety." Bulong nito sa kanya. "Can I sleep here tonight?" Nakikiusap nitong sabi.

"Of course you can, but you can't sleep with me." Nakangiti niyang sagot.

"Why? I miss you,"

"Dad, are we going out or not?"

Mabilis namang bumitaw si Primo sa kanya.

"Of course, Son. I'm just saying goodbye to your Mom," Sagot nito sa anak. "We need to go, baka magbago pa ang isip." Hinalikan siya nito sa pisngi. "Let's go," Binuhat nito ang bata.

Lumapit naman siya sa mag-ama. 

"Take care you two, okay?" Paalala niya sa mga ito. 

"Of course, Sweety!" Nakangiting sagot ni Primo. 

"Bye, Mom!" Paalam naman ni Rucan.

Hinalikan niya ang mag-ama bago umalis ang mga ito. Nakangiti pa siya habang tinatanaw ang dalawa.

...

...

Katatapos lang maligo ni Hurricane ng muli niyang marinig ang doorbell. Inaasahan na niya ang mag-ama ng buksan ang pintuan.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now