Chapter 12

944 60 2
                                    

Another day, another game.

Huminga ng malalim si Hurricane. Simula ng sabihin ni Primo sa kanya ang tungkol sa larong ito, hindi na iyon nawala sa kanyang isip. Naging balisa siya sa nagdaang gabi at hindi nakatulog ng maayos. Taliwas naman sa kanyang kasama na animo'y walang problema dahil sa himbing ng tulog nito. Inilipat na rin ang kanyang higaan sa kwarto ni Primo kagabi, pumayag na rin siya dahil mas malaki iyon kumpara sa silid niya. Doon din nanatili ang grupo ni Primo dahil malaki naman daw ang silid. Kanya-kanyang hakot ng comforter ang ROOM mates habang si Lassy ay dinala ang isang sleeping bag. Hindi na nakatanggi si Primo ng manatili ang mga 'yon sa kwarto. Pabor naman sa kanya iyon lalo pa't nakakaramdam siya ng pagkailang kay Primo.

Kahit maingay ang mga kasama ni Hurricane, nanatili siyang tahimik. Pinagmamasdan ang napakatarik na hagdan sa kanilang unahan. Hula niya may kinalaman ito sa susunod na laro.

"Devils!" Umalingawngaw ang walang buhay na boses ng babae sa buong paligid. Kakaiba ang dating nito kumpara noong una itong nagsalita. Walang buhay ang boses nito. "For today's game, you need to pass through this 5000 steps' stairs and make it on the top. Goodluck!"

Isang buzzer ang naging hudyat sa pagsisimula ng game. Sabay-sabay silang naglakad patungo sa unang baitang ng hagdan. Halos hindi na matanaw ang huling baitang mula sa ibaba. Tantya niya na sa dalawampung metro ang haba ng bawat baitang kaya hindi sila siksikan.

"Bakit kaya wala si Captain Jack?" Nagtatakang tanong ni Orio.

Na sa kaliwang side ito ni Hurricane habang na sa kanan si Primo katabi si Lassy. Na sa unahan naman nila sina Manzo, Ryz at Onix.

"Huwag mo ng hanapin ang wala. Siguradong magiging pabigat na naman ang isa diyan," Pagpaparinig ni Lassy.

Alam ni Hurricane na siya ang sinasabihan nito. Hindi na ito tumigil sa pagpaparinig sa kanya simula kagabi. Hinahayaan na lang  niya dahil hindi naman siya ang mapapagod sa pagsasalita ng walang kabuluhan.

"Miss Hurricane, maayos na ba ang pakiramdam ng binti mo?" Nag-aalalang tanong ni Onix.

Si Onix ang laging nagtatanong sa kanyang nararamdaman, halata ang concern sa lalaki. Si Orio may concern din naman, pero halata ang pagpapacute sa kanya. Samantalang si Ryz at Manzo ay hindi niya masyadong nakakausap.

"Ayos lang ako," Tipid niyang sagot.

"Kung hindi mo na kaya sabihin mo lang, handa akong buhatin ka." Nakangiting sabi naman ni Orio.

"Salamat," Tipid siyang ngumiti sa lalaki.

"Hindi na siya bata para alalahanin nyo, kaya't hayaan nyo siyang mag-isa." Mataray na sabi ni Lassy.

Bahagyang lumapit kay Hurricane si Orio.

"Pagpasensyahan mo na siya. Nagseselos lang 'yon," Bulong nito na may kasamang mahinang tawa.

Tumango na lang siya. Kahit open ears sa mga sinasabi ng kanyang kasama, mas malakas ang ginagawa niyang pakiramdam sa paligid. Inaasahan niyang hindi ito simpleng paglalakad lang paitaas, maaaring may inihandang twist sa larong ito at iyon ang pinaghahandaan niya. 

Ilang hakbang na ang nagagawa nila ng bahagya siyang tumigil. Hindi niya sigurado kung naramdaman din ni Primo ang naramdaman niyang pagyanig sa ilalim ng hagdan dahil tumigil din ito sa paglalakad.

"May problema ba?" Kunot-noong tanong ni Ryz habang nakatingin kay Primo.

"Bakit ka tumigil?" Tanong naman ni Orio sa kanya.

Tumingin si Hurricane kay Primo, ganoon din ito sa kanya.

"Did you feel it?" tanong niya sa lalaki.

Devil's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon