Chapter 18

894 50 1
                                    

"Bakit kasi hindi mo matandaan ang pabalik sa pinanggalingan natin?" Paninisi ni Hurricane kay Lassy.

Kanina pa sila paikot-ikot pero hindi nila matukoy-tukoy kung saan sila nanggaling kanina.

"Bakit ako ang sinisisi mo? Ikaw ang magaling sa direksyon 'di ba?" Masungit nitong sagot.

"Kung magaling ako sa direksyon, sana natandaan ko 'di ba?" Hindi nagpapatalo niyang sabi.

"Gamitin mo kasi 'yang tablet."

"Dead battery na nga!"

Patuloy lang sila sa pagtatalo habang naglalakad. Ngunit napahinto sila ng marinig ang nag-uusap papalapit sa kanila. 

"Lahat ba?"

Mabilis silang nagkubli sa madilim na espasyo at pinakinggan ang mga nag-uusap. 

"Oo, utos ng Meister."

"Sa wakas! Gagawin na rin natin ang matagal ng plano. Kating-kati na akong makabawi sa mga Mafia na 'yan." Masayang sabi ng isa. 

Nagkatinginan si Hurricane at Lassy.

"Tatakas na ang iba ngayon gamit ang bangka. Sabihan mo si Barry para ihanda ang mga weapon. Hindi dapat hayaang umalis ng buhay isa man sa mga iyon."

"Sige. Total masyadong nag-eenjoy si Barry sa pagiging bartender, oras na para gawin ang totoo niyang trabaho."

Kumunot ang noo ni Hurricane ng marinig ang salitang bartender. Mali ba siya ng akala?

"Bilisan mo! Sabihan mo ang lahat sa itaas. Konti na lang ang natitira sa mga manlalaro pero may isang gintong isda ang kailangan nating mahuli."

"Sino?"

Inaasahan ni Hurricane na si Primo ang tinutukoy nito tulad noong narinig niya dati.

"Isa raw Prinsesa,"

Natigilan siya. Gulat namang tumingin sa kanya si Lassy.

"Mukhang masaya 'to!"

Hindi pa rin kumilos si Hurricane kahit wala na ang nag-uusap na lalaki.

"Bakit alam nilang narito ka?" Nagtatakang tanong ni Lassy.

"Hindi ko alam. Dalawang tao lang sa barkong ito ang nakakaalam sa totoo kong pagkatao,"

"Ako ang isa, pero hindi ko isusuplong ang pagkatao mo."

"Alam ko." Seryoso niyang sagot. Hindi lumalayo sa kanyang tabi si Lassy simula ng malaman nito ang tungkol sa Royal mark. "May isa pa,"

"Sino?"

Kinuyom ni Hurricane ang kamay. Hindi pwedeng ito ang nagsuplong sa kanyang pagkatao. Hindi iyon magagawa ni Ley.

"Kailangan nating sabihan sina Primo," Mabilis niyang sabi at nagmamadaling lumabas sa pinagkukublihan.

"Sila 'yon!" Biglang napatigil si Hurricane ng marinig ang sigaw ng lalaki.

"Sh't! Nakita tayo!" Sambit ni Lassy.

Tumakbo sila sa kabilang pasilyo para iwasan ang mga kalaban.

"Bilisan natin bago pa mahuli ang lahat!"

...

...

...

"Maayos na ba?" Tanong ni Primo ng sumakay ang huling bilanggo sa bangka. 

"Maayos na Primo. Aalis na rin ang huling bangka," Sambit ni Manzo.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now