Chapter 21

931 60 25
                                    

"Primo!!!" Tila nakikiusap na boses ni Lassy ang narinig niya.

Lumingon din siya sa direksyon nito at pawang nag-aalala ang itsura ng grupo. Nawala lang ang atensyon niya sa mga ito ng biglang hawakan ni Primo ang magkabila niyang pisngi at siniil ng halik sa labi.

Napasinghap si Hurricane dahil sa gulat. Kumabog ang kanyang dibdib sa kaba. Kabang may halong iba't-ibang sensasyon lalo na ng lumalim ang halik ni Primo. Naramdaman niya ang paglalakbay ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Wala siyang ginawa kundi matigilan. Parang ipinako ang kanyang paa sa kinatatayuan. Pakiramdam niya nag-init ang kanyang katawan dahil sa ginawa nito.

Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang pisngi, pababa sa balikat hanggang sa kanyang kamay. Iba't-ibang sensasyon ang naramdaman niya sa ginagawa nito. Muntik na siyang makalimot at madala sa halik nito, ngunit naudlot ang tangka niyang pagtugon ng humiwalay ito sa kanya.

Malamlam na mga mata ang tingin nito sa kanya habang hawak ang kanyang kamay.

Nahihiya naman siyang tumungo dahil hindi niya kayang salubungin ang tingin nito.

"I'm sorry," Mahina nitong sabi na nagpa-angat sa kanyang tingin.

"Primo! Wag!!!" Narinig niyang sigaw ni Lassy pero hindi na niya nagawang tingnan ang babae dahil sa ginawa ni Primo.

"Ahh! Sh't! F'ckingsh't!" Malakas niyang sigaw kasabay ng kusang pagtulo ng kanyang mga luha.

Halo-halong emosyon ang ipinaramdam ni Primo sa kanya kanina ngunit ngayon, isa na lang ang nararamdaman niya.

Galit.

Nag-uumapaw ang kanyang galit habang hawak-hawak ang kanyang kamay na may putol na daliri.

"Ahh!!! Go to hell, Primo! Go to hell!!!" Nagdadalamhati niyang sigaw sa lalaki. 

Hindi siya nito pinansin at balewalang pinulot ang putol niyang daliri kung saan nakasuot ang singsing.

Umiiyak siyang napaluhod dahil sa labis na sakit. Sakit dulot ng panibagong sugat. Sugat sa kanyang puso na inukit ni Primo at ng pagtatraydor nito sa kanya.

"Papatayin kita Primo! Papatayin kita!!!" Lumuluha niyang sabi.

Napansin niyang gustong lumapit sa kanya ni Lassy pero natigil ito sa makapangyarihang utos ni Primo.

"Capture the diamond ring thief and punish her to death!" Matigas nitong utos habang nakatalikod sa kanya.

Nawalan ng pagasa si Hurricane na tanging nagawa ay lumuha. Lumuluha habang sinusumpa na nakilala niya si Supremo. Lumuluha habang nakayuko at pinagmamasdan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo sa naputol niyang daliri.

Betrayal is the most painful thing at hindi niya iyon napaghandaan. Hindi kirot sa naputol na daliri ang masakit, kundi sa kanyang puso. Akala niya nagbago ang turing nito sa kanya at hindi na siya tinatrato bilang kaaway, ngunit mali pala siya. 

He's still looking at her as his enemy. A ring thief and stranger. 

Kuyom ang isang kamao siyang tumayo. Hindi niya hahayaan na tratuhin siya ng ganito. Tama na ang ilang segundong pagiging mahina sa harapan nito, hindi na niya ulit hahayaan mangyari iyon. 

...

...

...

Pinalibutan ng mga tauhan ng Los Crucio Familia si Hurricane. 

Hindi naman nila inaasahan ang mabilis nitong pagtayo.

Walang emosyon nitong pinahid ang luha gamit ang kamay na may dugo. Gumuhit ang dugo sa pisngi nito dahilan para maging nakakakilabot ang itsura nito.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now