Chapter 8

972 64 8
                                    

"Hindi ba kayo natulog?" Salubong ni Onix ng makita ang itsura ni Hurricane at Primo paglabas ng silid.

Masamang tumingin si Hurricane kay Primo.

"Freaking maniac!" sambit niya rito.

"It's your fault. You pulled me into a tight hug. You're a simple maniac." Seryoso nitong sagot.

"Liar! I don't want to hug you!"

"But you did."

Ito ang pinagtatalunan nila hanggang umaga. Nagising si Hurricane habang nakasubsob ito sa kanyang dibdib, dahil sa gulat nasapak niya ito. Sobrang inis niya kaya sunod-sunod niya itong inatake hindi alintana ang electric chain. Hindi nila alam kung ilang shocks ang nangyari kagabi pero tumigil lang sila ng maramdaman ang sobrang pagod dahil sa sunod-sunod na atake ng shocks. Hindi na sila nakatulog dahil kailangan naman nilang maghanda para sa mangyayaring laro ngayon. Nagtalo pa sila kung sino ang unang liligo. Dahil kailangan bumalik ni Hurricane sa kanyang silid, hindi siya nagpatalo sa lalaki kaya siya ang unang naligo. Two meters naman ang haba ng chain kaya na sa labas ito ng kanyang bathroom, iyon nga lang panay ang katok nito at pagmamadali sa kanya. Mas mabilis siyang nakapag-ayos kaysa sa normal dahil naririndi siya sa pagmamadali nito. Mabuti na lang mabilis itong natapos mag-ayos, pero muli silang nagtalo sa paggawa ng breakfast. Ang gusto niya heavy meal dahil hindi pa siya nagkakaroon ng maayos na pagkain simula ng takasan niya ito, pero ang gusto nito ay light meal. Hindi sila nagkasundo dahil iisa lang ang lutuan sa silid ni Primo. Ang ending parehong toasted bread at coffee ang agahan nilang dalawa. 

"Kung ganoon, may nangyari ng yakapan sa pagitan nyo?" Tukso ni Orio.

"Shut up!" singhal niya sa lalaki, "Hindi ko siya niyakap."

"You did." Pilit ni Supremo. "I think you've mistaken me for someone else."

"I'm not," mariin niyang sabi.

"Thunder," Bahagya siyang natigilan ng banggitin nito ang pangalan ng kakambal. "You mumbled his name that you're missing him."

Tuluyan siyang natahimik. Totoong namimiss na niya si Thunder. Palagi silang magkasama pero ngayon lang sila naghiwalay dahil sa magkaibang utos ng kanilang magulang.

"It's true that I miss him, but I never hug you." Pagpupumilit niya.

"Ano bang big deal sa yakap na 'yan?" Sambit ni Lassy na parang hindi rin maganda ang umaga, "Kung hindi mo naman pala niyakap, e di hindi! Masyado nyong pinapahaba." Dugtong nito bago naglakad palayo.

"Anong problema n'on?" Nagtatakang tanong ni Orio.

"Baka hindi rin nakatulog," Sagot ni Ryz.

Napansin ni Hurricane ang tiim bagang na itsura ni Manzo habang nakatanaw sa papalayong babae. Tumalim ang tingin nito pero ng mapansin na nakatingin siya, biglang bumalik sa normal ang itsura nito.

"Let's go," Sambit ni Primo.

Nakasunod lang naman siya sa hulihan ng mga ito.

"Good morning Rica," Bati ni Drevon sa kanya ng saktong lumabas ito ng sariling silid pagdaan niya. 

"Morning," Walang gana niyang bati. 

Sumabay ito sa paglalakad niya. 

"Wow, you're a loving wife!" Reaksyon nito ng makita ang kadenang nagkokonekta sa kanila ni Primo, "I like how you put that chain to your husband." Natatawa nitong sabi. "Anyway, where's the mistress?" Muli nitong tanong.

"Pwede ba Drevon, huwag masyadong chismoso!" sambit niya.

Tumawa lang ito sa sinabi niya.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now