A Lie Called Forever

229 10 15
                                    

Prologue

for·ev·er

\fə-ˈrev-ər, fȯ-; Southern often fə-ˈe-və\

adverb

: for an endless time : for all time: for a very long time: at all times

Sabi nila, may forever daw.

Sabi nila, may happy ending daw.

Sabi nila, may true love daw.

Naniwala naman ako.

Naniwala ako sa sabi nila.

'Yon ang pagkakamali ko.

Hindi ka pala dapat naniniwala sa sabi-sabi ng iba.

Hindi ka pala dapat umaasa sa isang bagay na may posibilidad na hindi matupad.

Hindi ka pala dapat nagbibilang ng sisiw hangga't hindi pa napipisa ang itlog.

Kasi, lahat ng bagay nagbabago.

Akala ko, okay kami.

Akala ko, may forever na kami.

Akala ko, may happy ending na kami.

'Yon pala, akala lang ang lahat.

Kaya ngayon,

Hindi na ako aasa.

Hindi na ako maghihintay.

Hindi na ako maniniwala basta-basta.

At higit sa lahat, hindi na ako maniniwala sa forever na 'yan.

*****

This is a work of fiction. DO NOT PLAGIARIZE!

© Immashampoo

A Lie Called Forever (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon