Chapter 11 [The lists and Maki]

30 3 0
                                    

Chapter 11 [The lists and Maki]

Margaux's POV

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa loob ng palda ko. Kinuha ko ito at napansin kong may reminder pala ako sa calendar.

'Meeting with Clarisse 3pm'

Aw shit. I almost forgot. Dali-dali kong tinapos ang pagkain ko lumabas na ng mall.

Ugh! Ayaw ko talagang mag-isa kapag nasa mall. Feeling ko ang loner ko at nag-iisa na lang ako sa mundo hays! Ang drama ko talaga!

Pagkalabas ko sa mall ay pumara ako ng jeep at sinabi sa driver ang pupuntahan ko. After 10mins ay nakarating na din naman ako.

'126 Brgy. Patatas, pinaasa st'

Tiningnan ko ang address na nakasulat sa papel at tama naman ito. Agad akong nagdoorbell sa bahay nina Clarisse.

Simple lang ang bahay nila. Kulay asul ito na bungalow type.

“Sino yaaaan?” sigaw ng isang boses mula sa loob ng bahay

“Ah si Margaux po!”

“Ay oo teka lang hija!”

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng yabag ng paa papalapit sa gate. Bumukas ito at bumungad sakin ang isang babaeng nasa early 40's pa lang. Medyo mataba siya ngunit mababakas mo pa rin ang kagandahan niya. Mukha siyang mabait at agad kong nahulaan na siya ang nanay ni Clarisse sapagkat pareho sila ng mata. Wow humaharry potter ang peg! Hahaha joke!

“Magandang hapon po!” bati ko

“Magandang hapon din naman hija! Pasok ka”

Pagpasok ko ay dumiretso kami sa loob ng bahay. Maaliwalas ang sala nila. Malinis din ito at wala kang makikitang anumang alikabok o kalat.

'Whoa! Clean freak yata nanay ni Clarisse' naisip ko

“Sandali lang hija! Nasa kwarto pa niya si Clarisse eh. Naliligo pa siguro yun. Kakagising lang eh. Ni hindi nga nakapasok sa kanina” paliwanag ng nanay ni Clarisse

“Ah sige po okay lang”

“Ako nga pala si Jane. Tita Jane na lang itawag mo sakin. Gusto mo ng maiinom? Tubig? Juice?”

“Tubig na lang po. Salamat po tita Jane!”

“Sige sandali lang at kukuha ako ng tubig. Pagpasensyahan mo na tong bahay namin ha? Hindi pa ako nakakapaglinis eh”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siyaaaa? Hindi pa siya nakakapaglinis ng bahay sa lagay na to? Eh pwede na nga akong magsalamin sa kintab ng sahig at mga gamit nila eh.

'Confirmed! Clean freak ang nanay ni Clarisse!'

Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko si Clarisse papunta sa sala. Bagong-ligo nga siya at parang nakakapanibago siyang tignan dahil hindi siya naka-uniform.

“Hi! Kanina ka pa? Sorry ha!” bati niya

“Okay lang. Kakarating ko pa lang din naman”

“Oh hija! Eto na ang tubig mo”

Nilingon ko si tita Jane at inabot ang tubig.

“Salamat po!”

“Ah Marg! Tara sa garden! Doon tayo mag-usap” nakangiting yaya ni Clarisse sakin

“Okay. Um tita, punta na po kami dun” paalam ko kay tita Jane

Tumango lamang siya at pumunta na sa kusina.

A Lie Called Forever (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon