Chapter 5 [Clarisse the preacher]

37 2 0
                                    

Chapter 5 [Clarisse the preacher]

"Good Morning guys!" bati ni Clarisse habang nakangiti

Nandito kami ngayon sa isang classroom na hindi na ginagamit. Well, ito daw ang meeting place ng members ng wtf club. Halos sampu lang kaming nandito. Apat na lalaki at anim na babae kasama ako. Magkakasama kaming mga sawi sa pag-ibig! Mga iniwanan! Mga luhaan! Mga wasak ang puso!

"Good Morning din!" ganting bati namin

"Okay guys. So alam niyo na siguro kung para saan ang club na ito right?" tanong niya

Agad naman kaming tumango.

"So mayroong 25 members ang club na ito kasama na kayo. Yung 15 na iba, last year pa sila nakasali kaya nauna silang magkaroon ng-- basta. So yun, ang pinakang mission at vision ng club na ito ay ang matutunan mong pahalagahan ang sarili mo bago ang ibang tao. Ang matutunan mong unahing mahalin ang sarili mo para kung magmahal ka man ng iba, may matitira pa rin para sayo. Hindi yung lahat-lahat ibibigay mo, lahat-lahat itataya mo kaya sa huli, ikaw ang talo. Sa huli, ikaw ang maiiwang luhaan." paliwanag niya

"Lahat kayong nandito ay mga heartbroken. Mga iniwan ng minamahal, mga sinaktan at mga pinaasa. Alam niyo kasi, may mga bagay talaga na sa simula lang masaya. May mga bagay na parang salamin; kapag nabasag, mahirap ng buuin ulit kasi may lamat na. Parang ganyan lang yung mga relasyon ninyo, inakala mong forever na. Inakala mong kayo na talaga kasi sobrang saya mo, sobrang inlove ka at akala mo ganun din siya sayo. Yun ang pagkakamali mo. Hindi mo nakita na dalawa nga pala kayo. Hindi habang-buhay na makokontento siya sa kung ano kayo. Pilit at pilit siyang magsasawa at maghahanap mg ipapalit sayo. Yung tipong kahit ano pang gawin mo, ayaw na niya, nagsawa na siya at may mahal na siyang iba"

Nakatulala lang ako habang nakikinig kay Clarisse. Alam mo yung sobrang tagos yung sinabi niya? Yung sobrang nakarelate ka at parang gusto mo na lang kumuha ng lubid at magbigti. Ang sakit kasi eh. Sobrang sakit. Yung pakiramdam na gusto mo na lang mawala yung puso mo para mamanhid ka na at mawala na lahat ng sakit.

"So step by step, I'll teach you guys how to move on. I'll teach you how to heal yourself and change for the better. Alam niyo kasi, MOVING ON IS EASY WHAT YOU LEAVE BEHIND IS WHAT MAKES IT HARD. Minsan kasi hindi yung tao yung namimiss mo eh, kundi yung memories. Yung memories kung saan masaya kayo at inlove sa isa't isa. Hindi katulad ngayon na ikaw na nga lang ang inlove, nasasaktan ka pa."

Lahat kami ay tahimik na nakikinig kay Clarisse. Ang galing niya! Naka-ilang heartbreak na kaya siya?

"So ngayon, magkakaroon tayo ng sharing. Sabihin natin sa isa't-isa ang mga nangyari sa atin. Alam niyo bang mas magandang magkwento sa estranghero? Bukod kasi sa hindi mo siya kilala at hindi ka niya kilala, hindi siya magiging biased sa pagsasabi sayo ng advice kasi wala siyang pakialam kung masaktan man niya ang feelings mo"

Isa-isa kaming pumunta sa unahan at nagshare ng failed relationhips ng bawat isa. Unang nagsalita ang isang babaeng nagngangalang Maru.

"My boyfriend and I had been dating for 3 years when I found out that he was cheating with my own fucking sister. I saw them in the act of having sex in her room. Kaya pala lagi siyang bumibisita sa bahay gago siya. Kilig na kilig pa naman ako kasi ang sweet niya and ang galang niya kina mama. Yun pala tinutuhog niya kaming magkapatid. I hate him so fucking much! Pinaniwala niya ako eh. Pinaniwala niya ako na mahal niya ako tapos pag nakatalikod pala ako, tinotorjak niya yung kapatid ko. Ang baboy niya! Ang baboy nila!"

Pagkatapos magsalita ay napaiyak na si Maru. Kahit ako ay nasasaktan para sa kanya. Hindi ko yata kakayanin pag yung mismong kapatid ko ang aahas sa akin at sasaksak sa likuran ko. It's just too much. Low blow na yun eh. Everybody knows na there's unwritten code na hindi mo pwedeng gawing boyfriend ang naging boyfriend ns ng kapatid mo. Yung ngang bestfriend ko lang, sobrang sakit na eh. Yun pa kayang kapatid mo?

A Lie Called Forever (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon