Chapter 8 [The Crazy Duo]

31 2 0
                                    

Chapter 8 [The Crazy Duo]

Naiirita kong inihagis ang librong binabasa ko kanina. Gabi na ngayon at halos ilang oras ko ring binasa ang bwiset na librong yan. Tiningnan ko ito ng masama at ipinagdasal kong sana ay nakakabutas ng bagay ang tingin ko.

Nakakairita lang kasi. Biro mo, sabi ni author maganda daw ang librong yan. Edi syempre akala ko naman maganda nga talaga. Pero letse! LOVESTORY SIYA! ROMANCE! Pwe! Nakakabwiset! Nananadya ba ang baliw na author na ito?

Alam naman niyang sugatan ang puso ko tapos bubudburan pa niya ng asin dahil sa pagrerecommend niya sakin ng librong yan? Mas lalong humapdi ang puso ko! Simula ngayon, hindi na ako magbabasa ng mga pesteng librong yan!

Ineexpect kong mamatay yung lalaki sa huli o kaya mas pipiliin nung lalaki yung girlfriend niya pero hindi! Naging sila pa rin ng bago niya! Nakakaasar! Sa mga movies at novels lang naman nagkakaroon ng happy ending at forever eh. Sa totoong buhay, wala!

Hindi din dapat romance o kung ano pa man ang genre ng librong yun eh. Dapat FANTASY kasi sa imagination lang naman nangyayari yang forever na yan. Yung tipong kahit gaano katagal hindi magbabago ang pagtingin niya sayo. Yung kahit anong mangyari, nandyan pa rin siya sa tabi mo. Pwe! Kalokohan! Parang gusto kong masuka!

Napailing na lang ako at tinawagan si Johanna.

"Hi bes!" bati ko

"Oh bes? Napatawag ka?"

"Wala naman. I'm just bored. Wala akong makausap dito sa bahay" sagot ko

"Bakit? Asan si tita Jessie?"

"Nasa kwarto niya, nagtatrabaho na naman as usual" sagot ko at bumuntong hininga

"Hays. Kung pwede lang pumunta dyan ngayon eh. Samahan kita para may makausap ka naman"

"Loka! Gabi na. Wala ka ng masasakyan papunta dito tsaka baka marape ka pa sa daanan eh kasalanan ko pa!" sagot ko

"Kung gwapo naman ang rirape eh di okay lang hihihi" malandi niyang sabi

"Gaga ka talaga! Hahaha. Eh pano kung kamukha ni Marlou rumape sayo?"

"Ew! Jusko bes di ko maimagine! Hahaha. Pero di nga bes, punta kaya ako dyan? Naaawa ako sayo eh baka maglaslas ka pa. Di ba heartbroken ka?" pang-aasar niya

"Mang-asar ka pa! Hindi ka na nakakatuwa naku!"

"Ah basta pupunta ako dyan ngayon"

"Wag na bes! Gabi na ano ka ba? Okay lang ako. Ayaw ko namang mapahamak ka dahil sakin" pagdadrama ko

"Para sayo Margaux, handa kong gawin ang lahat!" madrama din niyang sagot

"Sigurado ka ba? Baka ika'y nabibigla lamang!"

"Maaaring sa ibang bagay ay may duda ako pero pagdating sayo, lahay ay sigurado. Handa akong mamatay para sayo oh aking minamahal na kaibigan!"

"Oh johanna! Ako'y natutuwa sa iyong binibigkas. Nawa'y ang lahat ng iyan ay pawang makatotohanan!"

"Umasa ka kaibigan! Ito'y totoo at tunay hahahaha"

"Baliw!" sabag naming sabi sa isa't isa

"Ikaw pauna eh!" sagot niya

"Ay naku ewan ko sayo!" sabi ko

"Hahahaha sige bye na!" sagot niya at pinatay na ang tawag

Napailing na lang ako.

*Dingdong

Napakunot-noo ako pagkarinig sa doorbell namin. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 8pm na ng gabi. Owkay! Sinong baliw ang pupunta dito ng ganitong oras?

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now