Chapter 1 [My oh-so-called love/story]

135 5 3
                                    

Chapter 1 [My oh-so-called love/story]

I started walking on my way to school. Walking distance lang naman siya eh. Sayang lang pamasahe kung sasakay pa ako. Di naman ako ma-rt.

Nameless Academy.

Tumingin ako sa malaking arko at napangiti. Finally, nakarating din. Agad akong dumiretso sa classroom ko at hinanap ang mga friends ko.

"Margaux Amiethyst Deveza!"

Lumingon ako sa tumawag sakin and there I saw Johanna Erica Javien, one of my bestfriends.

"Fullname talaga? Tsk. Kamusta bakasyon?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa room

"Okay naman. Galing kami sa Boracay then sa Palawan"

"Really? Ugh! Buti ka pa! Team bahay ako eh!"

Tsk. Alam mo yung nakakainggit? Si Johanna yun eh. Yung tipong patravel travel sila tuwing vacay samantalang ako team bahay na nga, lagi pang inuutusan sa bahay!

"Haha. Hayaan mo na. Anyway, andyan na ba sina Ann Mariel at Lalaine Mae?" tanong niya

"Aba malay ko. Kita mong magkasabay lang tayo eh. Use your coconut please!" sagot ko habang nagro-roll eyes

"Edi wow! Sungit mo ah!"

Hindi ko na siya sinagot dahil narinig ko ang sigaw ni Lalaine.

"Ano ba? Agang-aga sumisigaw ka!" asar na sabi ko

"Ganun talaga! Kailangan hyper ka kapag umaga para di ka antukin! Ang aga ko kayang gumising kanina"

"Kasalanan ko bang excited ka sa first day of school?"

"Hmp! Epal ka"

Napailing na lang ako. Ang childish niya talaga. Binuksan ko na lang ang bag ko at inayos ko ito.

"Hi Kyle!--

Agad na tumibok ng mabilis ang puso ko pagkarinig ng pangalang iyon. Kusa ring ngumiti ang mga labi ko. Tsk! Agang-aga ang landi ko!
Dahan-dahan akong lumingon ng nakangiti... pero agad itong nawala pagkakita ko sa kaniya-- ay hindi, sa kanila pala.

"--Hi Ann"

"Hello guyssss!" nakangiti niyang bati sa amin

Ngumiti rin ako sa kanya. Isang pilit na ngiti. Tumingin ako kay Kyle at sa kamay nilang magkahawak. Ouch!

"Um sige babe ha? Alis na ako! Bye! I love you!" paalam ni Kyle kay Ann

"Sige babe! Kita na lang tayo mamaya. I love you too!"

Agad na tumili na parang kinikiliti sa singit si Johanna at Lalaine.

Tsk! Edi wow! Kayo na ang sweet! Magbi-break din kayo!

Oo, bestfriend ko ang bagong girlfriend ni Kyle. Ang saya diba? Sa sobrang saya parang gusto ko na ngang magpaparty ngayon eh. As in, now na!

Pero dahil tinatamad ako, kinuha ko na lang yung notebook ko at nagdrawing ng kung ano-ano.

"Oy! Sino yang dino-drawing mo?"

Nagulat ako sa tanong ni Johanna kung kaya napatingin ako sa notebook ko.

Nakita ko ang isang babae at isang lalaking magkaholding hands pero may sungay yung babae.

"Ha? A-ah ano wala ah. Napanuod ko lang 'to dun sa tv kahapon"

"Ah okay. Para kasing kamukha--"

"Ha? Wala ah. Sige! Labas muna ako"

Agad akong lumabas. Mahirap nang malaman niya. Dumiretso ako sa garden. Tahimik kasi dito kaya masarap magmuni-muni.

Hindi ko pa rin makalimutan yung kanina. Hays! Kelan ba ako masasanay? 9months na sila. Hindi pa rin ba mawawala yung sakit? Hindi pa rin ba ako makakamove-on?

Naging kami ni Kyle when I was 2nd year. Sobrang saya ko nun. He was my first boyfriend and I was his first too. Our lovestory  was like a fairytale. I thought 'we' can be together forever. I thought the hapiness and love we shared won't end. Akala ko sobrang mahal na mahal namin ang isa't isa. Pero sabi nga nila, maraming namamatay sa maling akala.

1st year anniversary namin nun. Pumunta kami sa star city. Naglaro kami, namasyal. He even told me that he loves me so much and that so-called forever exist between us. And I believed him.

I wish I can turn back time and stop it on that day he said those words. I wish I can bring back those days when he calls me every night. When he gives me chocolates and roses everytime he like. I miss him. So much.

3 days after our anniversary, nagsimula na siyang maging cold sakin. Nagsimula na siyang hindi tumawag sa gabi, hindi ako itext sa buong maghapon at hindi pumunta sa bahay. Nagtaka ako at the same time, natakot. Anong nangyari? Bakit naging ganun? Bakit nawala yung spark?

Exactly 10days after our anniversary, he texted me. I was so happy. I'm mad but one text from him can change my mood. Agad ko itong binasa. Nakikipagkita siya sakin.

Agad akong naligo at nagbihis. I was so excited. Kumakanta pa ako ng 'Still In To You' habang nagsusuklay. Kinikilig ako sa fact na makikita at makakasama ko na naman siya. Agad akong nagpaalam kay mommy at dumiretso sa mall.

"Hi! Kanina ka pa?" tanong ko pagkakita ko sa kanya

"No. Kadadating ko lang"

Napakunot-noo ako sa coldness niya. I can feel it. Something has changed.

"W-what's wrong?"

I don't want to ask that question because I'm afraid sa kung ano ang isasagot niya sa akin. Pero kailangan kong maging matapang. Kailang an kong malaman kung anong nangyayari.

"I-i think we can't do this anymore"

"What? W-what do you mean? Did I do something wrong?" tanong ko

"I-i fell out of love"

And that's the most painful words I heard in my entire life. I cried. I cried hard. I thought fairytales happen. I thought he was my prince. I thought forever exist. But then, I was wrong.

After a couple of weeks, nalaman ko na lang na nililigawan niya si Ann. Pumayag naman si Ann. Hindi naman kasi niya alam na naging kami. Walang nakakaalam sa school na naging kami. After 1 week, sinagot na niya si Kyle. I cried again. It hurts, big time. Di ba niya alam yung 3 month rule? Di ba niya alam na bago pa lang ako nagmomove on? Di ba niya alam na sobrang nasasaktan ako? He didn't care. He doesn't care.

And the fact na wala siyang pakialam ang isang bagay na nagtulak sakin para magtanong kung totoo bang minahal niya ako. Kung totoo ba lahat ng pag-aalala at pagmamahal na ipinakita niya. At kung totoo ba yung forever na sinasabi niya. After a month, napag-isip isip ko lahat. Lahat ng nangyari. At alam mo kung anong naisip ko?

Lahat ng bagay na nangyari sa amin ay isang panaginip lang. Lahat ng nangyari sa amin ay isang ilusyon lang. Masakit, oo. Pero kailangang tanggapin. Kailangan kong tanggapin na fairytales have it's endings and there's no such thing as forever.

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now