Chapter 2 [The 'WTF' Club]

73 7 0
                                    

Chapter 2 [The 'WTF' Club]

The day went well. Naglalakad na ako pauwi sa bahay when I heard someone calls me.

"Margaux!"

Napalingon ako at nakita ko ang isa sa mga batchmates ko. I don't know her name but her face look familiar.

"Yes?"

"Um Hi! I'm Clarisse" sagot niya

"Nice to meet you. May kailangan ka ba sakin?" tanong ko

"Yeah. Um Gusto sana kitang iinvite na sumali sa club namin"

"Club? Eh diba kakasimula pa lang ng school year?"

"Oo nga. Pero matagal na kasi itong club namin. Hindi pa man ako nag-aaral dito meron na talagang club na ganito" she replied

"Oh okay. What kind of club ba yan? Math club? Science club?"

"No. It's not what you think. Buti pa, para mas maintindihan mo. Here" then she gave me something like flyer  "Read it carefully okay? Bye!"

"Hey! Wait!"

I'm about to say something but she's gone. 'Adik ata yung babaeng yun ah?'

Tiningnan ko ang flyer na ibinigay niya sa akin.

Binasa ko ang nakasulat sa ibabaw.

'WTF Club'

Huh? What kind of club is this? 'What The Fuck' Club ba meaning nun?

I start reading it. At nalaman ko ang meaning nito. Ito ang nakasulat.

'WTF' (Wala Talagang Forever) Club

Bago mo simulan ang pagbabasa, kailangan mo munang sagutin ang tanong na ito.

*Naniniwala ka bang may Forever?

a. Hindi
b. Letter a
c. Both a and b

Kapag nasagutan mo na ang tanong, maari ka ng magpatuloy sa pagbabasa.

Sinaktan? Pinaasa? One sided love? Heartbroken na hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on? Bitter?

Kung isa ka sa mga nabanggit dyan, siguradong pasok ka sa club na 'to. Pero kung wala ka dyan at epal ka lang, pwede mo ng itapon ang flyer na ito.

Napakunot-noo ako. Paano nalaman ng babaeng yun na heartbroken ako? Pinagpatuloy ko yung pagbabasa.

Ang club na ito ay para lamang sa mga taong naniniwalang WALANG FOREVER. Kung isa ka sa mga taong yun, magpunta lamang sa building5 at hanapin si Clarisse Hermoso.

Okay. What was that? Bakit naman ako mag-aaksaya ng oras para sa club na 'to? Tsk! Wala naman akong mapapala dito eh.

Binalewala ko na lang yung flyer pero hindi ko naman itinapon. Nilagay ko na lang sa bag ko.

Maya-maya lang ay natatanaw ko na yung bahay namin.

Pagkarating ko ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Tinatanong mo parents ko? Well, si mom siguro nasa office pa. Si dad? Ayun! Sumakabilang bahay na. Kaya nga walang forever diba?

Nag-open lang ako ng fb ko at nag-status.

Love? Parang basketball. Jumpball sa simula, time out kapag pagod na, foul kapag nasasaktan na at ang pinakamasaklap dun, yung Game Over na nga, Talo ka pa! #WalangForever

Post.

After 5mins. ang dami ng nag-like nung status ko. Ang dami ring nag-comment.

Alyza Deveza: Woah! Wag bitter cousin!

Whut? Ako? Bitter? Tsk! Asa!

Nag-status ulit ako.

"Hindi ako bitter. Natural na reaksyon lang yan ng mga taong nasasaktan. Kasalanan ko bang hindi na ako naniniwala sa forever na yan?"

Post.

Nag-log out na ako pagkatapos nun. Hays! Nakakaboring naman. Check ko na nga lang twitter ko.

Scroll. Scroll. Scroll.

Okay ang boring. Makapagtweet na nga lang.

"Wag magpakatanga sa PAG-IBIG.
'cause GOD gave you REAL EYES to REALIZE the REAL LIES #WalangForever"

After surfing, naisipan ko na lang lumabas labas. Maaga pa naman, 5:30 pa lang ng hapon. Dumiretso ako sa basketball court. Kadalasan kasi may mga naglalaro dun kapag ganitong oras eh.

Pagkarating ko ay 3rd quarter na. Okay lang naman kasi hindi ko naman kilala yung mga naglalaro. Pasahan dito, pasahan doon. Shoot dito, shoot doon. Sa huli, yung Golden State ata yung nanalo.

Paalis na sana ako kasi mga 6:30 na nun at medyo dumidilim na. Pero napatigil ako ng biglang naghiyawan at nagtilian ang mga tao. Napalingon ako at nakita ko ang isa sa mga basketball player na naglalakad palapit sa isang babae. May hawak siyang bulaklak at yung mga teammates naman niya ay may hawak na banner na may nakasulat na 'Please Denise, let me court you'. May love song din na tumutugtog sa background.

Wow! I found that scene very swee--err disgusting. Ew!

Maya-maya pa ay nagsalita na yung lalaki sa mike.

"Denise. Alam ko, nagulat ka sa confession ko sa'yo. Ang totoo niyan, matagal na akong may gusto sayo. Natatakot lang akong sabihin kasi baka may magbago. Pero naisip ko na hindi ako dapat matakot because nothing's permanent in the world. Kung may magbago man, matatanggap ko ito even it is for the good or bad. But please, let me prove myself to you"

Napatingin ako dun sa babae. Makikita mo sa mukha niya na sobrang nagulat talaga siya. Tulala siya at medyo nakanganga pa. Hindi rin makapagsalita.

"U-um I-i d-don't know w-what to say" maya-maya ay sabi niya

"Just say YESSS!" sigaw ng mga tao

Napatingin yung babae sa mga tao. Lahat sila sumisigaw ng 'yes'. Napansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi siya mapakali. Tsk!

"A-ah y-yes" sagot nung babae

Malakas na tilian at palakpakan ang sumunod. Napatalon naman yung lalaki at agad na binuhat yung babae.

Tsk! Hindi ba niya nahalata na napipilitan lang yung babae? Ays! Napressure lang yun eh. Sigurado bukas na bukas rin, papatigilin na rin niya sa panliligaw yan.

Umalis na ako pagkatapos nun. Nakakaasar lang kasi! Ang tanga nung babae! Bakit siya sumagot ng 'yes' kung di naman pala niya gusto diba?

'Pano mo naman nasigurado na hindi niya nga yun gusto?' tanong ng utak ko

'Basta alam ko yun. Halata mo kaya sa mga kilos niya. At tsaka, bakit nagdalawang-isip muna siya bago sumagot? O diba?'

'We? Hindi kaya, nabi-bitter ka lang talaga sa kanila kasi hinihiling mo na sana si Kyle na lang yung gumagawa sayo nun?' sagot ng pasaway kong utak

Natigilan ako dun. Totoo nga kayang naiinggit ako sa kanila?

'O? Hindi ka makasagot 'no?' epal ng utak ko

'Hindi no! Bakit naman ako maiinggit sa kanila? Masaya na ako sa pagiging single ko. Masaya na akong mag-isa' sagot ko

'Sinong niloloko mo? Sarili mo? Oo nga, sabihin na nating masaya ka. Pero kahit gaano ka kasayang mag-isa, minsan napapaisip ka rin kung kelan ba darating yung taong para sayo talaga'

Natigilan na naman ako. Napangiti rin ako ng mapait. Tsk! Sino nga bang niloloko ko? Alam ko naman sa sarili ko na hanggang ngayon, ang sakit pa din. Na hanggang ngayon, umaasa pa rin ako. Na hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na yung pagmamahal na ibinigay niya sa akin dati, kay Ann na niya ipinaparamdam ngayon. Na yung 'forever na kami' na ipinangako niya, wala na. Sinira at kinalimutan na niya.

**
A/N: Credits to the owner of the quotes x

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now