Chapter 4 [Joining wtfclub]

35 4 1
                                    

Chapter 4 [Joining wtfclub]

Didiretso na sana ako sa classroom kaso baka sumunod dun sina Johanna at asarin ako lalo kaya naglakad lakad na lang ako.
Dirediretso lang ako sa paglalakad. Busy ako sa pag-iisip. Hays! Kelan kaya ako makakamove-on? Bwiset naman kasing pag-ibig yan! Paasa! Akala ko, kami na talaga eh. Akala ko, siya na talaga. Akala ko, nakikita ko na yung sarili kong tumatanda kasama siya. Yun pala, puro akala lang ang lahat. Tsk!

'Where do broken hearts go? Can they find their way home? Back to the open arms of the love that's waiting there. And if somebody loves you--'

Inis na hinanap ko ang pinanggagalingan ng kanta. Sarap batukan sa kidney eh! Mas lalo niyang pinapasakit ang sugatan kong puso! Agad akong sumilip sa isang classroom kung saan nagmumula yung tugtog.
Nakita ko ang lalaking nakatalikod. 'Ay! Ang emopunks ni koya mo oh!' Nakatulala lang siya pero di ko masyadong makita yung mukha. Umalis na lang ako. Baka kasi makaistorbo pa ako sa pag-eemo niya.
Paurong ako ng paurong kaya hindi ko napansin na may tao na pala sa likod ko.

"Arouch!"

'Huh?'

Lumingon ako at nakita ko si Clarisse na nakaupo sa lapag. Tsk! Ang weird talaga ng babaeng ito.

"Sorry!" sabi ko

"Anong sorry? Nakakain ba yang sorry mo? Kung nakakain yan, edi okay. Bigyan mo ako at gutom na ako!" sagot niya habang hindi tumitingin sakin

"Pardon?"

"Anong pardon? Huwag kang mag-english, di ko maintindihan-- oh! Hi Margaux! Ikaw pala yan. Di ka naman nagsasalita agad!" ang inis sa mukha niya ay napaltan ng isang malaking ngiti

"Ah- sorry again!" sagot ko na lang

Di ko kasi alam sasabihin ko eh.

"No. It's okay. Hindi naman nasasaktan ang mga magaganda"

"Huh? Anong connect?" naguguluhan kong sabi sa kanya

"Madami kaya huwag mo ng itanong. Anyway, napag-isipan mo na ba yung tungkol sa club namin?" tanong niya

"Um about that, I actually don't know. Ang weird lang kasi. In the first place, how did you know na broken hearted ako?"

"Nakikita ko sa mga mata mo" seryoso niya sagot sakin "Hahaha. Char lang!" dugsong niya

'tsk! Ang baliw naman ng babaeng ito'

"Pero seriously, hindi ko rin alam kung bakit ko alam at hindi mo alam na may alam ako"

Lalong kumunot ang noo ko sa sagot niya. Ano daw? Wala akong naintindihan dun ah!

Nahalata niya ata na hindi ko nagets yung sinabi niya kaya nagsalita ulit siya.

"What I mean is, hindi ko rin alam kung paano ko nalaman na broken hearted ka. Y'know? Basta naradamdaman ko lang"

"Aaah. Okay. That was weird. Psychic ka ba?" tanong ko

"No. No. Haha. Sabihin na lang natin na, napagdaanan ko rin lahat ng napagdaanan mo. Nafeel ko rin lahat ng nafeel mo. Kaya unang tingin ko pa lang sayo, napansin ko na agad yung lungkot sa mata mo. Napansin ko na agad na although tumatawa ka kasama ang mga friends mo, may kulang pa rin. Hindi ka buo. Hindi ka totally masaya. Ipinapakita mo sa kanila na okay ka pero alam ko sa loob mo, durog ka. Sugatan ka. Wasak ka" mahaba niyang paliwanag

Ngumiti ako ng mapait.

"Haha. Ang hirap na nga eh. Lagi na lang akong nagpapanggap na masaya. Lagi na lang akong nagpapanggap na wala na yung sakit. Na naka-move on na ako. Pero wala eh, pagpapanggap lang ang lahat" sagot ko

"Hindi naman kasi mawawala yang nararamdaman mo kung patuloy kang umaasa. Hindi rin mawawala yung sakit kung palagi mo siyang iniisip."

Natigilan ako sa sinabi niya. Umaasa pa rin ba ako kaya ganito na lang yung sakit na nararamdaman ko?

"Hays! Paano ba kasi mag-move on? Pagod na pagod na ako eh" tanong ko

"Kung pagod ka na, bitiwan mo na. Hindi yung patuloy kang umaasa eh mas marami pa namang better sa kanya."

"Eh paano ko nga gagawin yun? Saan ako magsisimula?" tanong ko

"Basta. Simple lang yun. Sumali ka sa club namin. Maiintindihan mo ang lahat" sagot niya

"Pag-iisipan ko"

"Ay naku! Huwag mo ng pag-isipan! Go lang ng go!" sabi niya

"Ehh. Di pa nga ako sure. Bahala na. Bwiset kasing Kyle yan eh! Ang galing magpakilig pero mas magaling manakit!"

"Paano naman kasi yang forever mo parang regla, buwanan lang punyeta!" bigkas niya sa qoute ni Bob Ong

Napatawa naman ako dun. Hay naku! Buhay nga naman! Ang cliché! Nagmahal, kinilig, sumaya, umasa, nasaktan, at ngayon nagmomove on. Pero sabi nga nila, everything happens for a reason.

***
Bumalik na ako sa classroom pagkatapos kong makausap si Clarisse. Nakakagaan pala ng loob kausap yung babaeng yun! Lagi ko na nga yung kakausapin lalo na kapag malungkot ako.

"Oy Marg! San ka galing?" bungad sakin ni Johanna pagpasok ko ng room namin

"Ah. May kinausap lang ako dyan sa kabilang building"

"Ow okay. Um ano palang nangyari sa'yo kanina?" tanong niya "Bigla-bigla ka na lang umalis"

"Um. Bigla ko kasing naalala yung sasabihin ko dun sa kakilala ko. Kaya ayun, pasensya na kung di ako nakapag-paalam ha?"

"Okay lang yun. Umalis na din naman kami pagkatapos nun eh. Bigla kasing naging awkward yung atmosphere. Ikaw kasi eh, mag-iwan daw ba ng ganung salita?" tinutukoy niya yung qoute na sinabi ko

"Bakit? Totoo namang walang forever ah?" sagot ko

"Tsk! May forever kaya!" giit niya

"Oo nga may forever-- napansin kong ngumiti siya pero agad itong napaltan ng simangot pagkarinig sa kasunod na sinabi ko --FOREVER ALONE"

"Hmp! Isa kang taong ampalaya! Hindi porke nasaktan ka na ng isang beses, idadamay mo na si forever! Kasalanan ba niyang nagbreak kayo ng kung sino mang naging boyfriend mo?" tanong niya

"Oo kasalanan niya. Kasalanan niya ang lahat. Umasa ako na totoo yang bwiset na forever na yan! Bakit? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang iwanan? Yung tipong siya yung kahuli-hulihang tao na inisip mong aalis sa tabi mo. Hindi pa diba? Hindi mo pa nararamdaman lahat ng nararamdaman ko. Kapag nangyari na sa'yo to, saka mo sabihin na totoo yang lintik na forever na yan!"

Lumabas ako ng classroom. Hays bwiset! Kakapasok ko lang, lalabas na naman. Pati yung bestfriend ko napag-initan ko ng ulo. Ano na bang nangyayari sakin? Ng dahil sa isang heartbreak nagiging bitter na nga ba ako? Tsk. Hindi ko naman ginusto to eh. Sobrang nagmahal lang talaga ako at sobrang nasaktan din ako. Masisisi niyo ba ako kung hindi na ako naniniwala sa forever na yan?

Naglakad ako papunta sa building 5. Buo na ang desisyon ko. Agad kong nakita si Clarisse sa corridor.

"Clarisse!" tawag ko

"Oh Marg! Akala ko pupunta ka na sa room niyo?" tanong niya

"Basta. Mahabang kwento. Pumunta lang ako dito para sabihin sayong payag na ako"

"Payag? As in?" tanong niya habang nakangiti ng maluwang

"Oo. Sasali na ako sa 'wtf club'"

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now