Chapter 7 [Toby the laughing maniac]

30 2 0
                                    

Chapter 7 [Toby the laughing maniac]

It's Sunday. Nandito ako ngayon sa coffee shop sa may kanto namin. Hindi ito yung kanto na may mga adik okay? Sa kabila pa yun. Pagpasok ko ay napansin kong kaunti lang ang tao ngayon. Siguro dahil maaga pa o siguro dahil gusto nilang sa bahay na lang muna o siguro dahil Monday na bukas.

Wait--- Omg! Monday na naman bukas! Yehey! Alam niyo bang sobrang mahal na mahal ko ang Monday? Next kay Math, siya talaga ang PINAKAfavorite ko at pinakagusto kong nangyayari sa buhay ko. Sa sobrang pagmamahal ko nga kay Monday, parang gusto ko na siyang isako, iuwi sa bahay, ipabugbog sa adik sa kabilang kanto, pagpaluin ng dos por dos, saksakin ng ice pick, ipasagasa sa tren at ipatapon sa estero. Magsama na silang dalawa ni Math tutal naman mahal ko silang dalawa. Ganyan akong magmahal eh, nakakamatay.

'Kaya pala iniwan ka ni Kyle, ayaw pa niyang mamatay' nakangising pang-aasar sakin ng utak ko

Oo, nakita ko siya ngumisi. Bwiset tong utak na 'to ah? Awayin ko nga 'to!

"Hoy utak! Hindi ka na nga nagagamit at napapagod, mang-aasar ka pa? Kabadtrip ka alam mo yun? Eh kung isahog kaya kita sa bulalo? Huwag mo akong asarin dyan, may kalalagyan ka!" banta ko sa utak kong mapang-asar, nakakabwiset at mapanakit ng damdamin kong utak pwe!

'Chillax! Behave na ako sorry na! hihi' sagot niya at nagpeace sign pa

Aba! Ang daming chenes nitong utak kong 'to ah! Pacute pa puro kulubot naman siya tse! Pero dahil maganda ako, mabait at mapagpatawad (pwera lang kay ex) nag-relax na ako at sumagot sa utak ko.

"Okay. Pinapatawad na kita"

Nakangiti na akong tumingin sa loob ng café dahil napansin kong tumahimik ang paligid. Lahat sila ay nakatingin sa akin na para akong isang baliw na nakatakas sa mental hospital.

Napakunot-noo ako at napalo ko ang noo ko ng marealize kong malakas ko palang kinakausap yung mapanakit ng damdamin kong utak. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagkunwaring may kausap ako. Awkward akong ngumiti sa mga tao at nagpabebeng peace sign. Pwe! Nagagaya na ako sa utak kong pacute! Anyway nagandahan yata sakin ang mga chismosang tao dito kaya naman bumalik na sa normal ang kilos nila. Napahinga ako ng maluwag at pinagalitan ko ang utak ko pero this time, sinigurado kong mahina na lang ito para wala ng makarinig.

"Hi!"

Narinig kong sabi ng isang boses lalaki. (Napansin niyo bang puro lalaki sa kwento ko? Tsk) So ayun nga, narinig ko ito sa may likuran ko pero hindi ko pinansin.

Una, dahil hindi ko naman sure kong ako ang sinasabihan niya. Pangalawa, dahil wala akong pakialam kung ako man ang sinasabihan niya ng 'hi' kasi walang forever at alam kong sasaktan lang niya ako pag inentertain ko siya at nagkagusto siya sakin at nanligaw siya at sinagot ko siya at naging kami. Pangatlo, tinatamad akong lumingon dahil baka sumakit ang leeg ko. Pang-apat, snob ako sa personal at panglima, pafamous ako.

So ayun, inenjoy ko lang ang pag-inom ng frappé ko at sinimulang basahin ang book na binili ko kahapon. It entitles 'Maybe Someday' by Colleen Hoover. Maganda daw ang book na ito sabi ni Author.

"Hi miss!"

Narinig ko na naman ang boses na yun sa likod ko. Ay naku! Ang bingi naman ng kinakausap ng lalaking yon! Bakit kaya hindi pa siya pansinin para hindi siya abala sa pagbabasa ko. Hmp!

Omg wait! Hindi kaya--- yung likod ko yung kinakausap ng lalaking yun? Wow! Anong nakita niya sa likod ko at kinakausap niya ito? Pwede na bang kausapin ang likod ng tao? Oh well, nevermind. Baka baliw lang yun at takas sa mental hospital.

Nasa kalagitnaan na ako ng Chapter One ng maramdaman kong may kumulbit sa balikat ko. Napataas ako ng kilay at napilitan na akong tumingin sa likuran.

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now