Chapter 12 [A glance from the past]

24 2 0
                                    

Chapter 12 [A glance from the past]

Flashback:

18 months ago

Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay agad na akong napangiti. Tiningnan ko ang kalendaryo at lalong lumawak ang ngiti ko.

December 4

Ngayon ang first monthsary namin ni Kyle. Kyaaaaaah! Isipin pa lang na naka-isang buwan na pala kami ay kinikilig na ako.

“Good Morning mommy! Good Morning yaya Dess!”

“Aba! Maganda ata ang gising ng anak ko ngayong araw na 'to ah? Parang alam ko kung bakit” nang-aasar na sabi ni mommy

“Ay naku ma'am! Talagang inlove na inlove 'tong si Amie oh? Tingnan mo ang mata, kumikislap” sabi naman ni yaya Dess (Amie ang tawag niya sakin)

“Ehhhhhh wag nga kayong mang-asar dyan! Kinikilig ako eh hihihi”

“Basta anak tandaan mo ha? Bata pa kayo. Huwag kayong magmadali. Kasi kung--

“kayo talaga ang para sa isa't isa, anuman ang mangyari kayo pa rin sa huli” sabay-sabay naming bigkas sa huling sinabi ni mommy

Sabay-sabay din kaming nagtawanan.

“Mommy! Alam ko na po yun. Hindi naman po kami nagmamadali ni Kyle like hello? 14 years pa lang po ako. Alangan namang magpakasal kami agad-agad. Ay naku mommy talaga!”

“Pinapaalalahanan lang kita nak. Ayaw ko namang matulad ka sa ibang kabataan na maagang nabubuntis”

“Don't worry mother dear. Hindi yun mangyayari sakin”

“Siguraduhin mo lang ha?--

Naputol ang sasabihin ni mommy ng tumunog ang doorbell.

Excited ko itong pinuntahan dahil sure akong si Kyle na yun.

Pagkabukas ko ng gate ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

'Grabe! Sobrang gwapo talaga ng boyfriend ko!'

“Hi!” nakangiti kong bati

“Hi baby! Good Morning! Sorry masyado ata akong napaaga. Excited lang kasi ako ngayong araw na 'to eh!”

“Aw okay lang. Pasok kaaaaa! Nandito si mommy sa loob”

Sa totoo lang, medyo naiilang pa ako kay Kyle. Siguro dahil lumaki akong hindi sanay makisalamuha sa mga lalaki. Tsaka one month pa lang naman kami. Masasanay rin siguro ako sa presence niya.

Magkasabay kaming pumasok sa bahay.

“Oh Kyle! Ang aga mo ah?” nakangiting bati ni mommy

Agad na napakamot ng batok si Kyle. Nahiya ng onti.

“Good Morning tita! Pasensya na po. Excited lang po kasi ako kasi first monthsary namin eh” medyo nahihiyang sagot ni Kyle

'Kyaaaaaah! Ang cute ng boyfriend koooooo!'

“Yieeeee! Mga kabataan nga naman. Sige na. Dun na muna kayo sa sala at dadalhan man lang kita ng maiinom habang nagbibihis si Margaux”

“Sige po tita”

“Sige Kyle, bihis muna ako” paalam ko

--

Pagkaalis namin ng bahay ay tinanong ko si Kyle kung san kami pupunta.

“Secret baby! First monthsary natin kaya dapat memorable ang araw na 'to”

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now