Chapter 24 [Pukingina, sabaw]

15 1 0
                                    

Chapter 24 [Pukingina, sabaw]

Walang nagsasalita sa loob ng van. Kami lang tatlo ang nasa loob dahil naunang umalis si Ann. Sinundan siya ni Kyle pero hindi ko alam kung naabutan niya pa ito. Muli akong bumuntong-hininga. Sabi ko na e! Hindi magandang pumunta ako ngayon. Kung alam ko lang na dito pala kami pupunta at ganito ang mangyayari edi umalis na sana ako kanina pa. Hays!

Tiningnan ko si Johanna. Tahimik lang siyang nakatingin sa unahan. Sa tingin ko ay galit siya sa akin dahil sa paglilihim ko sa kan'ya. E anong magagawa ko 'di ba? Alangan namang ipagsabi ko sa lahat na ex ko si Kyle 'di ba? Argh! Mababaliw na 'ata ako sa pag-iisip! Sumandal ako at pumikit. Que sera, sera-- what will be, will be!

-

Naramdaman ko ang paghinto ng van. Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang bahay namin. Naunang bumaba si Johanna, ni hindi niya ako tiningnan nang makababa na siya. Matipid akong ngumiti kay Lalaine; tumango lang siya sa akin at isinarado na ang pinto ng van. Parang gusto ko nang umiyak! Lahat 'ata sila galit sa akin!

Malungkot akong nagbukas ng gate at pumasok sa loob ng bahay. As usual, wala si mommy kaya si yaya lang ang sumalubong sa akin.

“O, kumusta ang lakad niyo?”

Umiling lang ako at dumiretso na sa kuwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang tumunog ang cellphone ko.

“Hello?” malamya kong sabi.

“Yeoboseyo!” nabuhayan ako ng kaunti dahil sa pagbati niya.

“Sino 'to?” tanong ko. Maingay sa kabilang linya kaya hindi ko masyadong madistinguish ang boses niya.

“Whaat? Hindi mo isinave ang number ko? Nakakapagtampo naman!”

“Sino ba 'to? Wala akong time para makipaglokohan!” inis kong sabi.

“Mukhang bad mood ka nga ngayon. Hindi ka laughtrip e!”

“Ah, toby!” walang gana kong hula.

“Galing! Paano mo nalaman?”

“Ikaw lang naman laging laughtrip e!”

Bumuntong-hininga siya. Ano ba 'yan! Puro buntong-hininga na lang naririnig ko ngayong araw na 'to!

“Nandito ako sa labas ng bahay niyo,” aniya.

“Whaaaat?!”

“Oo nga! Baba ka dali! Gala tayo!”

Sumilip ako sa bintana. Nandoon nga siya, nakaupo sa motorsiklo niya habang kausap ako. Huwag mong sabihing--

“Hoy! Nagda-drive ka ba kanina habang kausap mo ako?”

“Oo, bakit?”

Tumaas ang boses ko. “Gago ka ba? Paano kung nadisgrasya ka? E 'di konsensya pa kita?”

Napatawa siya. “Yieeeeee, concern! Crush mo ko 'no?”

Napangiti ako. “Hay naku! Nagagaya mo na ang kakapalan ng mukha ni Leon--”

“Nino?”

“Wala!” sagot ko.

“Tara na dali! EK tayo!”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Ayoko! No! No way! Kahit saan basta 'wag do'n okay?!” defensive kong sabi.

“Bakit naman?” kinig ko ang pagtataka sa boses niya.

“Basta, basta. Umalis ka na nga! Busy ako ngayon.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now