Chapter 20 [EK? Not really]

17 1 0
                                    

Chapter 20 [EK? Not really]

“Ha?!”

Literal na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

“K-kung... nakamove on ka na ba sa 'kin?” ulit niya.

Naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero may konting pag-asang nabuo sa dibdib ko.

“B-bakit mo naman tinatanong 'yan?”

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Tila mayroon siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano iyon ilalabas.

“A-ah ano kasi, I mean I just want to know kung mahal mo pa ba ako o hindi na,” mahina niyang sagot habang nakatungo.

“Bakit? Kapag ba nalaman mong mahal pa rin kita, babalikan mo ba ako? 'Di ba hindi naman?” sumbat ko.

Agad siyang napatingin sa akin.

“So bakit kailangan mo pang malaman Kyle? Para ano? Para masabi mo sa sarili mo na 'wow, ang galing mo Kyle kasi hanggang ngayon baliw pa rin sa 'yo si Margaux'. Ganoon ba ha?” aniko habang pinipigilang tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko.

“H-hindi naman sa g-ganoon.”

“Eh ano Kyle? Ano ba talagang kailangan mo sa 'kin? It's been nine months since you left me-- no scratch that, since you fucking dump me! And then what, now you're asking me if I still love you? If I still haven't move on from you? What the hell Kyle! Hindi mo ba alam kung gaano ako nasasaktan ngayon? You're such a jerk!”

“No, I didn't mean to hurt you okay? I just, I just want you to forgive me. I just want to know kung okay ka na ba? Kung nasasaktan ka pa ba? O kung nakalimutan mo na ako,” he answered while looking straight into my eyes.

Naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

“You didn't mean to hurt me? Wow! Just wow! Then bakit mo ako iniwan Kyle? Bakit mo ako ipinagpalit sa iba? Bakit 'yung bestfriend ko pa?! And now what, you want me to forgive you? I really can't believe you Kyle!” matigas kong sinabi bago tumayo at tinangka siyang iwan.

Nakailang hakbang na ako palayo sa lamesa ng hawakan niya ang braso ko at sapilitan akong pinaupo pabalik sa upuan.

“Look Margaux, I know I did some serious shit here. I admit that. I know, I'm fucked up! I fucked you up! I fucked us up! And I don't even know how to clean this mess but please, I just want to sort things out. Gusto kong magkaayos tayo. Pagod na ako na araw-araw, palagi na lang tayong nagpaparinigan at nagsasabihan ng masasakit na salita. Kaya please! Just hear me out,” he plead while holding my hand.

Tiningnan ko siya sa mata habang pinag-iisipan ang pinakatamang gawin sa mga oras na ito. Kung ang puso ko ang magsasalita, siguradong oo agad ang sagot nito pero kung ang utak ko ang kakausapin, marami itong pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga ako at naisip si Leondre. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Umuwi na kaya siya o bumalik na lang sa school? Siguro umuwi na lang kasi tamad 'yun e at tatanungin rin siya ni Manong Guard kung bakit ngayong oras lang siya papasok.

“Marg?”

Nagbalik ako sa aking sarili ng marinig ang pagbanggit ni Kyle sa pangalan ko.

“Huh? Yes?”

“So your answer is yes? You'll gonna listen to what I'm about to say?” nakangiting tanong ni Kyle. Kita mo sa mga mata niya ang kasiyahan.

Uh-oh. What to do?

Sige na nga, tutal wala namang mawawala sa akin kung papakinggan ko ang anumang sasabihin niya e.

“Okay. So, magsimula ka na.”

“No, hindi dito. Tara, may alam akong lugar,” nakangiti niyang sabi.

**

“Enchanted Kingdom?!” I exclaimed while looking at the theme park.

2pm nang umalis kami sa Manila at 6pm na ngayon. Kaya naman pala sobrang tagal ng biyahe kasi dito kami pupunta.

“Yes. 'Di ba dati mo pa gustong pumunta dito?” nakangiting sabi ni Kyle.

“Oh my god! Let's go!” tili ko bago siya hinila papasok.

Napatawa si Kyle sa ginawi ko ngunit nagpahila rin sa akin sa loob.

Agad akong napa-whoa nang makarating ako sa loob. Oo, ako na ang batang isip pero first time ko pa lang kasing makapunta dito. Masyado daw kasing malayo sabi ni mommy kaya ayun, hindi talaga kami pumupunta dito (minus the fact na dito sinagot ni mommy 'yung tatay kong babaero).

“So, anong gusto mong sakyan?” nakangiting tanong ni Kyle.

“EKstreme!” masigla kong sagot.

“We? Kaya mo?” aniya.

“Oo naman! Ako pa ba?” nakangisi kong sagot.

“Okay, tara!” akit niya bago hinawakan ang kamay ko.

Tila nanigas ang katawan ko nang maramdaman ang bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Napasinghap ako at tiningnan ko ang kamay naming magkahawak. Napakapamilyar ng pakiramdam na para bang kumakain ako ng paborito kong ice cream. Napangiti ako.

Nang makarating kami sa EKstreme ay agad kaming pumila. Kakaunti ang tao kung kaya mabilis kaming nakarating malapit sa gate papasok. Dalawang tao na lang bago kami kung kaya sobrang excited na ako. Lumingon ako sa kan'ya upang kausapin siya nang makita kong sinagot niya ang phone niya.

'Hello?'
...
'Ah yes babe.'
...
'Oo, pauwi na ako. Namimili lang ako ng mga kailangan para sa birthday ni mama.'
...
'What? Why? Anong nangyari? Okay, punta na ako d'yan. Bye!'
...
'Um.'
...
'I love you too.'

Tila sinaksak ang puso ko matapos marinig ang sinabi niyang iyon. Para akong nauupos na kandila. Ramdam ko na tutulo na ang luha ko kung kaya agad ko itong pinigil na naging dahilan ng paghapdi ng lalamunan ko. I love you too? Hahaha. Bago pa lang tinutubuan ng panibagong pag-asa ang puso ko tapos winasak na agad? Wow! Ang bilis naman! Para akong binigyan ng kendi na paborito ko at tangka ko na sana itong kakainin kaya lang biglang binawi kasi hindi pala 'yun para sa akin. Napangiti ako ng mapait.

“A-ah ano Marg, kailangan ko na kasing umuwi. M-may nangyari kasing importante. Sorry ha?” aniya na tila nag-aalinlangan.

Ngumiti ako ng pilit.

“Sure! Baka rin kasi hinahanap na ako ni mommy.”

“Sorry talaga. Next time na lang tayo mag-usap ha? Promise! Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat,” sabi niya na tila nanghihinayang.

“Okay lang! Ano ka ba? Sige na! Makakapaghintay naman 'yung paliwanag mo. Unahin mo na muna 'yung "importante"  mong dapat gawin,” sagot ko na may halong sarkasmo.

“Sige, I'm sorry talaga. Bye Marg!” paalam niya bago ako iniwan sa EK. Malungkot, mag-isa at nasasaktan.

*to be continued...

A Lie Called Forever (On-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora